4 year later...
Hannah's POV
"Good morning po Sir, Ma'am! Table for two?" bati ni Lisa habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Habang wala pa naman akong inaassist sa loob, andito ako sa tabi ni Lisa habang naghihintay ng customers, at nakikipagchikahan sa kanya.
"Uhm, actually for three, we have a guest and he will be here in 30 minutes." nakangiting sagot ni Madam. Buti naman mabait, di tulad nung inassist ko kanina, napakasungit!
Inassist ko na muna sila papunta sa table nila at kumuha ng menu if ever na oorder na sila.
Oo, isang akong waitress dito sa restaurant ng high school friend namin ni Lisa, siya ang nagpasok sa amin dito simula nung lumayas ako sa amin after ng accident na nangyari sa amin ni Mari.
*flashback*
Nasa loob ng ER ngayon si Mari dahil sa matindi raw ang natamo nya mula sa pagkakabangga namin sa 16-wheeler truck. Samantalang ako, konting mga galos lang ang natamo ko dahil inakap ako ni Mari bigla nung nakita nyang papalapit sa side nya yung truck, kaya nagpapahinga nalang ako ngayon sa isang private room at nagpapagaling ng mga sugat.
Papalabas na sana ako ng room para puntahan si Mari kung tapos na yung operasyon nya, nang may narinig akong nag-uusap sa labas.
"Excuse me? Saan yung room ni Mari Asuncion? I'm his wife." WIFE?! nagulat ako sa narinig ko kaya pumunta agad ako sa pinto at binuksan ito ng bahagya para makita yung babaeng nagsalita.
Habang chinecheck ng nurse yung hawak nyang logbook, "Ah Ma'am, room 207 po, pero based sa status na nakalagay, nasa ER pa po siya, pwede niyo po siya hintayin sa lobby, tatawagin ko nalang po kayo right after his operation."
"Okay, thanks! Halika ka na anak. Sa lobby muna tayo maghintay." alok ng babae sa kasama nyang bata. at teka? ANAK?! anak niya?! may anak si Mari?!
"Mommy, where's daddy?" tinignan ko maigi yung bata at mukhang nasa dalawa o tatlong taong gulang palang siya.
"Uhm baby, sabi nung nurse daddy's still sleeping, we'll wait for him sa lobby muna okay?" naglakad na sila papalayo and tears started to flow from my eyes. I cant believe na may pamilya na si Mari? Pero bakit? bakit pinakasalan nya pa rin ako gayong may pamilya na pala siya? At higit sa lahat bakit niya nilihim sa akin? Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon, kung maaawa ba ako sa kanya dahil sa kondisyon nya o magagalit dahil sa paglilihim niya?
Hinang-hina ako sa narinig at nalaman ko, hindi ko alam kung kaya ko bang paniwalaan yun. Gusto kong magpahinga at sana paggising ko bumalik sa dati ang lahat. Na sana panaginip lang yung nakita at narinig ko. Sana hindi totoo yun.
Harold's POV
"Sigurado ka bang naplano mo na ng maayos at nasabihan si Ashley sa gagawin nya? Sana naman ngayon hindi ka na pumalpak, ang sinabi ko sa'yo 'wag nyo ituloy ang plano kapag kasama ni Mari si Hannah!" naiiinis kong sita kay Danny dahil sa palpak nilang plano. Paulit-ulit kong kinlaro sa kanila na wag nila idadamay si Hannah kapag pupuntiryahin na nila Mari, pero ang titigas ng mga ulo! Mga ungas!
BINABASA MO ANG
Another Chance
RomanceSiguro nga may mga taong dumarating sa buhay natin para mahalin tayo, pero hindi sila yung mga taong itinadhana para sa atin. May mga taong darating at darating sa buhay natin para sirain tayo at may mga darating din para buuin yung nasirang "ikaw"...