Chapter 9

163 7 2
                                    

Hannah's POV


"Okay ka lang?" dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya para tignan ako at sagutin ng pilit na ngiti tapos ay naglakad na para i-greet yung mga customers.


Kanina ko pa napapansing may problema si bespren. Halos pagtinginan na nga siya ng mga dumadaan sa labas dahil sa mala biyernes santo niyang mukha. Minsan nga naiisip ko na ding pagalitan siya sa inaasta niya dahil hindi dapat ganyan ang personality ng isang hostess. Kung pwede lang na ako muna ang pumalit sa kanya sa harap, dahil feel na feel ko ngayon ang pagiging good vibes. Marahil alam kong may magandang mangyayari ngayon.


"Friend, ano ba talaga problema? May maitutulong ba ako?" sa wakas nagkachance din akong kausapin siya. Sabay naman kasi kami maglunch break kaya lulubusin ko tong oras na to para malaman lahat ng saloobin niya ngayon.


"Kasi friend, hindi ko na kaya!" pilit niyang hagulgol pero wala namang lumalabas na luha sa mga mata niya.


"Teka, wag mo sabihing magreresign ka na talaga? Unfair mo naman! Iiwan mo ko mag-isa dito?!" pangalawang beses na niya nagtatangkang magresign. Una ay nung nandun pa kami sa main. Tapos ngayon.


"Hindi yun friend! Oo noong una gusto ko magresign! Kasi nga may iniistalk ako 'di ba? Pero, kasi, ngayon, ano..." malapit ko na talaga masabunutan to ayaw pa kasi ako tapatin sa dinadrama niya eh!


Tinaasan ko lang siya ng kilay habang nag-aantay sa susunod niyang sasabihin, "Friend may nililigawan na siya! Siya na din mismo nagsabi sa akin na tigilan ko na daw siya dahil wala daw siyang gusto sa akin at hinding hindi daw siya magkakagusto sa akin!" hindi na talaga napigilan ng mga luha niya na lumabas at ramdam kong sobrang nasasaktan siya. Sino ba namang babae ang bastedin ng lalake kahit hindi pa naman niya nililigawan? Stalk pa nga lang nga masakit na eh.


"Eh sino ba kasi yang lalaking yan? Bespren ang tagal tagal na hindi mo pa din sinasabi sa akin kung sino!" naturingan akong bestfriend pero wala akong alam sa mga pinaggagagawa niya. Saklap!


Umiling lang siya at unti-unting tumahan. Ibang level talaga kabaliwan nito kaya napapailing na lang din tuloy ako.


Kinahapunan, napapansin kong hindi ko pa rin nakikita si Mari dito sa resto. Akala ko ba 'See you tomorrow' daw? Mukhang napasa sa akin yung mood ni Lisa kanina ha. Ako naman tong nawawalan ng pag-asa na may mangyayaring maganda ngayong araw na to.


Biglang nagtinginan yung mga tao sa entrance. Sino ba naman ang hindi mapapalingon kung ganito kagwapo at ka good vibes na lalaki ang papasok dito.


Alam kong sa akin siya patungo kaya naman hindi na makagalaw yung mga paa ko sa kinatatayuan ko. I admit, sobrang nakakakilig kung ikaw ang lapitan ng isang Franz Villanueva.


"So, you've been looking for me, huh?" sabay taas niya ng kilay habang iniaabot sa akin yung chocolates and roses.


Mukhang sa labas pa lang nakita na niyang may hinahanap ako dito sa resto. Sorry to say Franz, pero hindi ikaw yung hinahanap ko. Pero masaya na din ako dahil akala ko nakalimutan niya na din akong padalhan ng ganito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon