"Addie, may assignment ka ba? Baka naman, pahingi."
Nilingon ko si Boboy. Iyan ang tawag sa kanya ng mga kaklase namin. Kinuha ko ang aking notebook at inabot sa kanya.
"Nako, da best ka talaga President!" Agad siyang bumalik sa kanyang upuan at kinopya ang sagot ko.
Lunes na, kaninang madaling araw kami umuwi dahil masyadong nawili ang mga kasama ko sa amin.
Parang gusto na nilang manirahan doon. Kung hindi lang ako nagpatulong sa mataray kong kapatid na si Arica, baka ay nandoon parin sila.
Alam kong pagod ang mga iyon dahil sa water activities na pinaggagawa namin kahapon. Nagpumilit sila e. Hindi ko alam na madalas lang pala ang mga ito na pumunta sa dagat. Kaya naman pala gano'n sila ka excited.
Hindi ko na rin nakikita si Draco. Magiging masaya ba ako? Siyempre, oo. Pero no'ng makita ko siyang malungkot, parang may naguudyok sa aking tulungan siya.
After all, tao lang naman tayo. Hindi diyos.
Hindi ko parin nakikita si Ricci. Ang baklang iyon, nasaan ba kasi iyon? Akala ko ba ay ngayon ito magpaparamdam? Masyado siguro siyang busy. Hindi naman ako selfish na kaibigan.
"Wala pa si Professor, bili muna tayo sa cafeteria. Nagugutom na ako." Sabi ng isang kaklase ko.
"Sige ba,"
"Ikaw ba, Ms. President?" Napatingin ako sa kanya.
"Mamaya na ako," tumango-tango naman ito.
Lumabas ang iba sa amin. Nasa upuan lang ako habang nagssketch. Wala talaga akong magawa ngayon. Tapos ko na ang iilang assigments ko at nakapagreview na no'ng nasa bahay ako.
"Ms. President, may Law Student na naghahanap sa iyo." Napalingon ako kay Hamins.
"Nasaan siya?"
"Nasa labas,"
Tumayo ako dala ang sketch pad at mechanical pencil ko. Rinig na rinig ko ang ingay ng takong ng heels ko.
Nang makalabas ako ay may isang lalaki na kulay ginto ang buhok. Napairap ako. Ano na naman ang ginagawa niya dito? At may kasama pa siyang isa. Iyong red hair na lalaki.
"Anong ginagawa mo dito?" Napalingon naman ito sa akin at ngumiti.
Dinig ko ang iilang bulungan. Hay, talagang sikat ang mga ito sa AH. Napaismid ako.
'Hala, bakit nandito ang mga law students?!'
'Nandito sila Dos at Tres?! Omg!'
'Bakit magkaharap sila Tres at iyong babaeng bagong salta?'
'Ack! He smiled!'
'Could it be?! Baka, Baka magkarelasyon sila?!'
'No, ang assumerang palakang yan?! Magiging girlfriend ni Tres?! No way!'
Nagoover reacting na naman ang mga tao sa paligid ko. Bagot na tinignan ko ang paligid ko kaya naman ay napaayos sila ng tayo. Mga bubuyog.
"What's with the look, Addi?" Napatingin ako kay Kibson.
"Huwag kang ngumiti ng ganyan, para kang isang asong ulol." Kanina pa kasi siya nakangiti na parang ewan. Tumawa naman siya.
"Ang sama mo namang kinakapatid," inirapan ko siya.
"Anyway, anong ginagawa mo rito?" Tumingin ako sa kasama niyang nakapasak ang earphones sa tenga.
"Sinusundo ka?" Kumunot ang noo ko.

BINABASA MO ANG
POSSESSION
RomanceNo one can take a Srigarda's possession. Not even Lucifer from the depths of hell.