CONFUSED SI VIANX

207 11 2
                                    

I was so confused right now. Sobrang daming nagbago. Nakakatuwa pero hindi ko mapigilang mag-worry. Na baka ngayon lang 'to tapos babalik na naman ulit sa dati. Baka hindi ko na makeri kapag ganun ang mangyari.

Gusto ko yung mga nangyayari. Kaso paano kung si Eula parin talaga? Paano kung wala lang 'to? Paano kung napipilitan lang siya? Baka naman may pustahan or something? Ang hirap! Nakaka-paranoid. Whaaaaa~

Kaso sinasampal at ginigising ako ng katotohanan. Na isa lang akong dakilang rebound girlfriend, kaya wala akong karapatang magduda, malito, at ma-paranoid. Kasi ginusto ko 'to. Tapos ngayon magdududa ako? Dapat ibigay ko ang tiwala ko kay Vince. Ano naman kung magmukha akong tanga? Ano naman kung umasa ako? Ano naman kung masaktan ako? Wala namang may pakialam. Isa pa, sanay naman akong nagmumukhang tanga, umaasa, at nasasaktan. Wala nang bago dun.

Siguro imbes na maguluhan ako, dapat enjoy-in ko nalang. Ito naman ang matagal ko nang hiling. Thankful naman ako at napansin na niya ang presence ko, ang effort ko, at ang existence relasayon namin. Sana talaga ito na yun. Sana totoo lahat ng ito. Sana ako na talaga.

To be continued...

REBOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon