"Anong flavor gusto mo?" sabay na tanong nila Vince at Robert kay Eula.
"Uhm, double dutch na lang." sabi ni Eula kay Robert. "Ikaw, Vianx?" baling niya sakin.
"Anything." sagot ko na lang.
Minsan talaga, hindi ko maiwasang magselos kay Eula. Hindi na siguro maiaalis yun. Pero as much as possible, pinipigilan kong magselos.
"Okay kami na ang o-order." sabi ni Robert samin ni Eula.
"Sige." sabi namin.
Nagkwentuhan naman kami ni Eula habang hinihintay sila. Kinain agad namin yung ice cream, nung naka-order na sila. Ang sweet nga nila Eula at Robert, eh. Lalo na sa part na pinunasan ni Robert yung gilid ng labi ni Eula. Hindi ko mapigilang hindi kiligin.
Tiningnan ko naman ng pasimple si, Vince. Tahimik lang niyang kinakain yung ice cream niya. Alam ko namang ayaw niya sa nakikita niya ngayon.
Nandito lang naman ako. Pero hindi niya pansin.
To be continued...