Nandito kami ni Eula sa gym ng school. Nanunood kami ng practice ng basketball team ng school. Kabilang kasi dito sina Robert at Vince.
Puspusan ang training nila dahil malapit na ang laban nila sa iba't-ibang school. Balyahan kung balyahan talaga, masyadong pisikal ang laro nila ngayon. Nakaka-tense tuloy.
Bihira akong manood ng practice nila, kahit gusto ko. Alam ko naman kasing maiirita lang si Vince. Kaso nagpumilit si Eula na samahan ko siya ngayon. Sumama na rin ako kasi gusto ko rin naman. Kahit medyo galit pa ako sa kanya dahil sa hindi niya pagsipot sa date namin.
Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig kong suminghap si Eula. Napatingin tuloy ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. Nanlaki din ang mga mata ko, si Vince!
Mukhang napasama ang bagsak. Tinutulungan siya ng mga ka-team niyang tumayo ngayon. Dadalhin yata siya sa clinic. Kinakabahan na ako, gusto kong sumunod sa clinic. Pero wala naman akong maitutulong doon.
Nilapitan namin ni Eula si Robert pagbalik nila. Pinagpahinga na rin naman sila ng coach nila.
"Anong nangyari? Ayos na ba siya?" tanong ko agad.
"Mukhang hindi eh, napasama ang bagsak niya. Medyo na injured yung tuhod niya. Kailangan niyang magpahinga." sagot ni Robert.
"Paano yan, malapit na yung tournament 'di ba?" sabi ni Eula.
"Yun na nga eh." napapailing na sabi ni Robert.
"Pwede ba akong pumunta ng clinic ngayon para matingnan siya?" sabi ko.
"Pwede naman siguro, kausapin mo ah? Pinaalis kasi kaming lahat eh."
"Sige." sagot ko.
Baka paalisin din niya ako. Eh, ayaw din nun sa pagmumukha ko. Pero wala namang masama kung ita-try natin. Malay mo mag-work.
Pagpasok ko sa clinic wala rin yung nurse. Tiningnan ko yung mga higaan, at nakita ko siyang nakahiga sa bandang dulo. Nagmumuni-muni siguro. Lalapitan ko pa ba? Mukhang bad mood talaga eh.
"Vince..." tawag ko sa kanya nung malapit na ako. Nakatalikod kasi siya.
"Why are you here? Umuwi ka na gabi na." sabi niya.
"Uhm, gusto ko kasi sabay na tayo." mas lumapit ako sa kanya.
"Bakit ba ang kulit mo? Umalis ka na!" sigaw niya. Napapiksi naman ako.
"I just wanted to stay for awhile. Can I?" tanong ko. "Please?" dugtong ko pa.
"Bahala ka."
"Thank you, Vince." buti nalang hindi nagmatigas. "Do you want to eat?" tanong ko dahil baka nagugutom na siya.
"Ayaw kong kumain." sagot niya.
"Okay, pero nandito lang ako if you need something." sabi ko.
Naupo ako sa upuan katabi ng higaan niya. Nilabas ko yung librong dala ko at nagbasa. Alam ko naman kasing walang plano si Vince na kausapin ako. Maya-maya nakita kong nakapikit na siya. Nakatulog na siguro. Hindi ko mapigilang haplusin ang pisngi niya at titigan siya.
"Nakakapagod man ang mahalin ka, huwag kang mag-alala wala akong balak na magpahinga." nasabi ko nalang. Kadramahan strikes! Haha! Hindi naman niya maririnig eh.
Nanatili kami doon ng halos ilang oras din. Kahit kanina pa siya nagising. Pagabi na nung napagpasyahan ni Vince na umuwi na. Maayos na rin naman daw ang tuhod niya. Pero halatang iniinda parin niya ito.
"Dahan-dahan lang." nag-aalalang sabi ko habang inaalalayan siya.
"Huwag ka ngang OA." sabi niya.
"Hindi naman ah? Concern lang ako." nakangusong sabi ko.
"Hindi ka ba papagalitan sa inyo? Gabing-gabi na." biglang tanong niya sakin maya-maya.
"Nag-text naman ako kay Mama. Tsaka college student na tayo, kaya sanay na akong umuwi ng late." sagot ko sa kanya.
Hindi naman siguro ako papagalitan. Nung nag-text ako sinabi kong binantayan ko si Vince sa clinic. Alam naman kasi sa bahay na boyfriend ko na siya. Naipakilala ko na kasi siya sa pamilya ko. Pero ako, hindi niya pa naipapakilala sa pamilya niya. Ayos lang naman, kahit hindi. Aish, ang gulo!
"Pasensya na sa abala. Tsaka pasensya na din kung nasungitan kita." malumanay niyang sabi.
"Ano ka ba? Never kang naging abala sakin. Parang ayun lang? Tsaka sanay na ako sa kasungitan mo." nakangiting sabi ko naman agad.
Tinitigan naman niya ako saglit at nag-iwas rin ng tingin. Tapos hinawakan niya ang kamay ko na first time niyang ginawa! Ako kasi lagi ang unang nanghahawak ng kamay. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin. Ahihihi~!
To be continued...