Nasalukuyan akong nagbe-bake ng chocolate cake. Habang abala din ang iba pang tao sa bahay para sa paghahanda. Birthday kasi ng bunso namin ngayon. Sakto namang wala akong pasok sa school kaya nakatulong ako sa paghahanda dito sa bahay.
Maliit na salo-salo lang naman para sa aming pamilya. Nasa school pa si bunso, pero hindi na kami magkanda-ugaga sa pag-aayos ng bahay at pagluto ng mga handa.
Tinext ko nga si Vince na pumunta. Hinahanap rin kasi nila Mama. Bihira daw kasing dumalaw sa bahay. Paano ba naman kasi, ayaw niya naman sa dinadalaw niya eh. Kaya hindi ko lang alam kung pupunta siya mamaya.
Bandang alas-tres ng hapon nagsimula ang birthday celebration ni bunso. Masayang-masaya ang lahat. May kantahan, kainan, at kwentuhan. Abala naman ako sa pag-aasikaso ng mga bisita. Laking gulat ko ng biglang umakbay sakin.
"Loko ka, Vince kibabahan ako dun!" sabi ko habang nakahawak sa aking dibdib. Tsaka, amoy pawis pa ako! Nakakahiya!
"Magugulatin ka pala?" sabi niya pa sabay tawa.
Napatitig ako sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Lalo na ngayon dahil nakangiti siya. Ano kayang nakain nito? Mukhang good mood eh.
"Bigla-bigla ka ba namang sumusulpot diyan eh." nakairap kong sabi. "Buti pala nakapunta ka ngayon. Pasensya na ah? Sila Mama kasi eh." nahihiya kong sabi. Alam ko namang napilitan lang siyang pumunta.
"It's okay, tagal ko ring hindi nakadalaw dito. Tsaka para makapag-bonding naman tayo." sabi niya.
"B-bonding?" tanong ko. Bihira 'to ah? For the first time in forever, kumbaga.
"Yup, we've been busy nung mga nakaraang araw. Tsaka 'di ba may utang pa akong date sayo?" sabi niya.
"Oo nga. Maganda iyang naisip mo." sang-ayon ko nalang baka magbago isip eh, sayang ang chance.
Nakihalubilo si Vince sa mga kapatid ko. May dala rin siyang regalo para kay bunso, na labis na ikinasaya ng huli. Kinamusta rin niya sila Mama at Papa. Nakakapanibago lang, hindi kasi siya ganyan nung mga nauna niyang dalaw sa bahay. Parang hindi siya. Nakakapanibago.
Medyo pagabi na nung mapagpasyahan niyang umuwi. Sinamahan ko na siyang lumabas pagkatapos niyang magpaalam.
"Sige dito na ako. Huwag mo na akong ihatid hanggang labasan, gabi na." sabi niya nung nasa gate na kami.
"Okay lang, sanay na naman ako dito." pagdadahilan ko. Gusto ko pa kasi siyang makasama.
"Kahit na. Kaya ko na, okay? I need to go." paalam niya.
"Okay. Thank you sa pagpunta ah? Tsaka mag-ingat ka pauwi." sabi ko sa kanya.
"I will. Tsaka you don't need to say thank you. Wala iyon." nakangiti niyang sabi. "Good night, Vianx." he said then kissed my forehead.
Wow! What was that? Ang daming pasabog ngayong araw ah. Nakakakilig na nakakaloka. Enebe~! Butterflies in my stomach na ba ituuu~?
"Uhm, g-good night rin." susmaryosep! Nabubulol pa ako!
To be continued...