Napakalakas ng ulan ngayong araw. Wala pa naman akong dalang payong. Hindi ko kasi ugaling magdala. Sana lang may payong si Eula. Sabay kaming uuwi dahil may pinuntahan pa sila Robert at Vince. May bibilhin yata sila.
"Vianx!" narinig kong tawag ni Eula sakin habang lumalapit sa pwesto ko.
"Eula, may dala ka bang payong?" tanong ko agad nang nakalapit na siya sakin.
"Ha? Wala eh. Bakit?" sabi niya.
"Paano tayo makaka-uwi? Wala din akong dalang payong." pag-minamalas ka nga naman!
"Akala ko may payong ka. No choice na tayo, sumugod na tayo sa ulan." sabi niya.
"Hayaan na nga natin. Mag-enjoy nalang tayong mag-paulan." sabi ko sabay ngiti sa kanya.
At dahil wala kami sa katinuan, nag-paulan nalang kaming dalawa. Enjoy naman parang bumalik kami sa elementary days. Pinagalitan nga ako ni Mama nung nakita niya ko. Baka daw kasi magkasakit ako. Pakiramdam ko hindi naman ako magkakasakit.
Kinabukasan bumangon akong mabigat ang pakiramdam. Mukhang nagdilang anghel pa si Mama. May usapan pa naman kami ni Eula. Speaking of Eula, nilalagnat kaya siya? Pupuntahan ko nalang siya. Hindi pa naman ganun katindi ang sakit ng ulo ko.
Pagdating ko kela Eula, pinapasok agad ako ng Mama niya. Sinabi rin ni Tita na nilalagnat nga daw si Eula dahil sa nangyari kahapon. Dapat pala hindi nalang kami nagpa-ulan.
"Tita, puntahan ko lang po si Eula sa kwarto niya." paalam ko.
"Sige lang, hija. Nandoon na rin naman si Vince. May bibilhin pa daw kasi si Robert." nakangiting sabi ng Mama ni Eula.
"Si Vince po nandito?" tanong ko pa. Naninigurado lang.
"Oo, kay aga ngang dumating ng batang iyan kanina." pagkukwento pa ni Tita.
"Ganun po ba? Masyado po kasi siyang maaalahanin." nasabi ko nalang.
Umakyat na rin ako sa taas. Medyo nakakaramdam na ako ng konting hilo. Ewan ko kung lalagnatin rin ako, ang bigat kasi ng pakiramdam ko simula kaninang umaga.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Eula bago ako pumasok. Papasok pa ba ako? Moment nila 'to eh. Chos. Binuksan ko na ang pinto at nakita ko si Eula na natutulog. Si Vince naman ay nakatingin sa kay Eula, hindi yata napansin yung pagkatok ko.
Titig na titig siya kay Eula. Yung tingin na punong-puno ng emosyon. It was a look that Vince never gave me. Ano na naman kasi ako sa kanya 'di ba? Isang dakilang panakip butas lang.
"Vince, nandito ka pala." bati ko sa kanya.
"Vianx, bakit naman kayo nagpa-ulan? Tingnan mo tuloy kung anong nangyari." sabi niya habang lumalapit sa akin.
"W-wala kasi kaming payong." alalang-alala siya kay Eula.
Bakit parang ako yung sinisisi niya? Nagpa-ulan din naman ako ah? Hindi niya ba tatanungin kung okay lang ako? Hindi ba siya nag-aalala para sakin kahit konti lang? Bakit ganun? Bakit ang unfair? Konti lang naman yung hinihingi ko.
"Edi dapat hinintay niyong tumila. Hindi yung basta nalang kayo sumusugod." galit na sabi niya.
"P-pasensya na. Sa susunod hindi ko na hahayaang maulanan si Eula, kasi alam kong mag-aalala ka." sabi ko. Biglang umikot ang paningin ko, at naging blanko na ang lahat.
To be continued...