Hiwa-hiwalay kami ng way pauwi. Kami pa rin ni Vince ang magkasama, sila Eula at Robert kasi sa kabilang street ang daan.
Ang bilis maglakad ni Vince, akala mo walang kasama. Medyo nakakainis lang. Ganyan naman siya palagi, what's new?
"Vince, hintay naman. Ang bilis mong maglakad." medyo pasigaw kong sabi habang lumalakad/takbo.
"Bilisan mo naman kasi." yamot niyang sabi.
Kaso lalo akong napahinto nung may nakita akong aso sa daan. Napatigil talaga ako at parang hindi na ako maka-alis sa kinatatayuan ko.
May phobia kasi ako sa aso. Kaya nga kahit may alaga kaming aso sa bahay, hindi ko malapitan. Tsaka nakatali naman yun! Nakakatakot pa naman 'tong aso nalapit na sakin.
"Vince!" tawag ko sa kanya.
"Ano tatayo ka nalang dyan? Bahala ka, mauuna na ako." sabi niya
"S-sige mauna ka na." sabi ko sa kanya. Ano pa bang aasahan ko?
Napayuko ako, ayokong makita niyang naiiyak na ako. Nanginginig na rin ako sa nerbiyos dito. Siguro kung ako si Eula, yayakapin at ilalayo niya agad ako sa aso. Kaso hindi niya nga yata alam na may phobia ako. Wala naman kasi siyang pakialam sakin. Akala niya siguro nag-iinarte lang ako.
Kung ako siguro si Eula hindi siya magmamadaling umuwi. Siguro hihintayin niya ako sa paglalakad. Siguro importante ako sa kanya. Siguro may pakialam siya. Kaso hindi eh, hindi kasi ako si Eula. Hindi ko na tuloy mapigilang umiyak.
Bigla rin akong kinahulan ng aso. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Nakakahiya man umiyak sa kalsada, wala na.
Naramdaman ko na lang na may humila sakin. At dinala ako sa malapit na playground. Umupo kami sa bench doon.
"Salamat. Alam kong naiinis ka na. I'm sorry. Sige mauna ka nang umuwi. Dito nalang muna ako." I said while crying.
"Tama na 'yan. Sabay na tayo."
"Mamaya na ako uuwi. Mauna ka na. Ayos lang naman ako dito." I manage to say between my sobs.
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Huwag na, baka may gagawin ka pa. Huwag mo na akong ihatid sa amin."
To be continued...
