VINCE's POV

268 14 3
                                    

Marami siguro ang nagulat o nagtaka sa kilos ko. Napag-isip-isip ko kasi nung nakaraang gabi na masyado akong hard sa kanya. Na nagkukulang na ako sa relasyon namin. Tsaka para akong natauhan nung narinig ko yung sinabi niya nung nasa clinic kami.

"Nakakapagod man ang mahalin ka, huwag kang mag-alala wala akong balak na magpahinga."

Akala niya siguro tulog ako. Mabuti nalang narinig ko yun. Natamaan talaga ako sa mga sinabi niya. Ang unfair ko na pala sa girlfriend ko. Masyado akong nag-fo-focus kay Euala kahit kami na ni Vianca. Kaya plano ko talagang bumawi sa kanya.

Sana masgustuhan niya lahat ng ihahanda ko para sa kanya. Nagpapasalamat din ako na hindi siya sumuko sa relasyon namin. Na lagi siyang nandyan para sakin. Nakaalalay, nakasuporta, at nagpupursige sakin.

Ang tanga ko na talaga kung papakawalan ko siya. Hindi pa naman siguro ganun kahuli ang lahat para samin. Ibubuhos ko lahat effort ko. Para maging maayos ang lahat.

To be continued...

REBOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon