SCHOOL PARTY

248 16 0
                                    

Nakakatamad umalis ng bahay. May party ngayon sa school, ayaw ko sanang pumunta pero sayang naman yung ticket ko.

Nag-ayos na rin ako kahit paano. Simpleng red dress at black heels lang ang get up ko. Tapos light make-up lang, ready to go na ako!

"Ang ganda naman ng dalaga namin. Nasaan ang sundo mo?" sabi ni Papa.

"Aysus, si Papa talaga! Wala po akong sundo. Kaya alis na po ako." paalam ko sa kanila ni Mama.

"O, siya sige mag-ingat ka." bilin pa ni Mama sakin.

Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa venue ng party. Agad akong nag-text kay Eula para tanungin kong nasaan na sila.

Agad ko namang silang nakita nang sabihin niya kung nasaan sila. Naka-black dress si Eula tapos naka-polo naman sila Robert at Vince. Ang ga-gwapo lang!

"Vianx, sobrang ganda mo naman." puri sakin ni Eula.

"Uy hindi ah? Ikaw nga diyan yung sobrang ganda."

Nag-start na rin yung party. Sayawan to the max naman ang lahat. Sumaya na rin kami, enjoy-in na tutal nandun na kami. Tapos biglang nag-change yung music. Pang-sweet na kaya nag-stay sila Robert at Eula para magsayaw.

Pinapanuod ko lang sila mula sa table namin. Nakakainggit, kaso nakakahiya naman kung ako yung   magyayaya 'di ba? Pero I can't deny that I'm hoping, na he might ask me to dance.

Pagkatapos isayaw ni Robert si Eula, inaya naman siya ni Vince. Ouch lang. Wala eh, ganun talaga. Napatungo nalang ako. Sabi ko na eh, dapat hindi nalang ako pumunta.

To be continued...

REBOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon