IT'S A DATE

239 15 0
                                    

Naghahanda ako ngayon para sa date namin ni Vince. Oo, tama kayo ng basa. May date nga kami at sobrang excited na ako. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip niya at niyaya niya akong lumabas ngayon.

Hayaan na natin yun. Ang impotante naisip niya 'to. Napaka bihira kasi talaga naming lumabas. At kung lalabas man kami kasama namin sila Robert at Eula. Kumbaga, hindi kami nakakapag-solo.

Kaya hindi ako halos makatulog kagabi kakaisip ng date namin ngayon. Nakakatuwa lang talagang isipin. Sana maging memorable ang araw na ito para saming dalawa.

Inagahan ko ang pagpunta sa meeting place namin. Ayaw ko lang ma-late, mahirap na. Habang wala pa si Vince naisipan kong maglibot-libot muna. Pampatanggal inip.

Nung malapit nang mag-ala-una umupo na ako sa bench na pagkikitaan namin. Medyo nag-retouch na rin ako ng konti. Na-haggard kasi ako sa paglilibot ko kanina.

One thirty na pero wala parin si Vince. Na-traffic kaya? May nangyari ba? Nag-aalala na ako para sa kanya. Pero baka nga na-traffic lang. Maghihintay nalang muna ako.

Mag-aalas-quattro na wala parin siya. Bukod sa nakaka-inip, naiinis na rin ako. Masyado na siyang late! Kanina pa ako nakatunganga dito. Hindi ko rin siya ma-contact. Argh! Ganun ba siya ka-busy? Nakaka-ewan lang, ah.

*beep*

[Receive from: Vince<3] 4:12 pm

-Vianx, hindi na ako makakapunta. Nagpatulong kasi si Eula sa project niya. Pasensya na. Next time nalang tayo mamasyal.

Si Eula na naman. Ouch </3

To be continued...

REBOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon