CHAPTER 26: THE EXCHANGE STUDENTS

511 21 0
  • Dedicated kay Frenzy Ocampo Dipon
                                    

Dedicated to my classmate and her sister na nagbabasa pala nitong PMI.. Thank You sa inyo!

============================================

CHILL’S POV

Waaaah!!! Let’s party! Grand Slam Champion na naman ang E-High!!!! Panalo kami sa halos lahat ng sports event sa competition. Nanalo ang Walrus Ice Hockey Team nila Maze, Sabertooth Basketball Team nila Dash, si Vanz sa Singles category ng Tennis, si Kuya Heat sa Taekwondo Match at si Edge sa Swimming. Ako? Hindi ako pinalad na maging champion sa skateboarding. 2nd place lang ako, pro na kaya mga kalaban ko! Hindi na rin naman masama para sa isang first timer na katulad ko ang 2nd place di ba? Natalo ko pa nga yung ibang mga panlaban ng school nila, and take note… they are all boys! Akala nga nila talagang lalaki ako. Ang galing ko pala magdisguise ano? Benta eh!

Back to normal na ulit dito sa school. Syempre nagcelebrate naman ang buong school para sa still Undefeated top rank namin nung Saturday, lahat ng students lang naman ang itinreat. Yaman! Ngayon, eto kami sa grounds dahil may iaannounce ang principal. Sabi ni Kuya Heat, ngayon daw kasi ipapakilala ang mga exchange students na mula sa isang High School sa America. Ang swerte naman nung pinalit sa kanila from E-High!

 

EDGE’S POV

“Sino kaya yung mga exchange students?” kanina pa yan si Maze. Excited masyado!

“Bakit excited ka Maze?” – Heat.

“Syempre naman! May foreigner na dito sa E-High… At least may iba namang mukha akong makikita!”

“So anong ibig mong sabihin? Sawa ka na sa mga mukha ng tao dito?” – Vanz

“Sawa ka na rin sa mga mukha namin?” – Heat

“Oo?” sagot ni Maze. Loko talaga to!

“Ah ganun? Sawa na daw siya.. so sawa na rin pala siya kay Yeshin… Teka masabi nga!” – Dash

“HOY! Wala akong sinasabing ganyan ah!” Hahaha! Natakot ka ngayon Maze?

“Ganun na rin yun! Ang sabihin mo, gusto mo lang malaman kung maganda ba yung exchange student para may titignan ka parati!” dagdag ni Heat.

“Oy! Ang assuming niyo! Wala akong sinabing ganun!” napagkaisahan na si Maze. Hahaha! Ano siya ngayon? Dati siya yung malakas mang-asar… ngayon, siya na ang inaasar. Sinusulit to ni Dash!

“Nakow! Denial pa! Kawawa naman si Yeshin! Hindi pa nga nagiging kayo, ipapagpalit na agad sa isang Amerikana!” – Dash

“Tsk! Tsk! Grabe ka Maze! Di ko alam na kaya mo yun gawin.. Hays, kawawa naman si Yesh!” Aba! Nakikihirit na rin sa pang-aasar si Vanz ngayon? Talagang nilulubos na nila ang pang-aasar kay Maze ah!

“TUMIGIL NA NGA KAYO! Para tinanong lang kung sino… napunta na dito! Dami niyo na sinabi! Pati si Yesh dinamay pa!” nagalit na si Maze.

“HAHAHAHAHAHAHAHA! Oh ano ngayon ang feeling ng inaasar Maze?” – Dash

“BUSET!” – Maze

“Hahahaha! Now, you know!” – Vanz

“Si Yesh lang pala ang weakness eh!” – Heat

Natatawa na lang ako sa trip nung tatlo kay Maze. Kawawang Maze pinagtulungan na. Ngayon alam niya na ang feeling ng inaasar siya. Tuwang tuwa sa lahat si Dash, sa wakas nakaganti rin siya sa araw-araw na pang-aasar at pambubwisit ni Maze sa kanya. Laki ng ngiti oh!

“Sige nga Heat?! gawin ko kaya yan sayo. Sumbong kita kay Khione.” – Maze

“As if naman! And who cares?” – Heat

“Ok! To Khione….. ‘Who cares?’ ka daw sabi ni Heat. ~”

“HOY! ANO YANG TINETEXT MO SA KANYA?” sigaw ni Heat. Ayan, nakarecover na si Maze!

“Yung sinabi mo… wala ka pa lang care kay Khione ah? Tsk! Grabe ka naman Heat! Ang bait bait nun eh, hinu-who cares mo lang?! Hindi pa nga nagiging kayo, ‘who cares’ na agad?” - Maze

“Wag mong ginagaya yung linya ni Dash! Walang originality! Plagiarism!” – Heat

“Hinde! Wag mong ibahin yung usapan Heat! Who cares? si Khione?” – Maze

“Wala akong sinabi eh! Sayo ko yun sinabi! Wag kang Lola Basyang Maze!” ayan may lumalabas ng usok sa ilong ni Heat. Nagegenerate na ng heat.

“Message Sent!” sigaw ni Maze.

“PESTE KA MAZE!!!!” sigaw ni Heat.

Ayun, nanakbo na si Maze dahil paniguradong masisipa siya sa mukha ni Heat. Taekwondo champion kaya yan! Takot niya na lang na madeform mukha niya. For the first time, si Heat ang binwisit ni Maze ah!

“Tumigil na nga kayong dalawa diyan! Magsisimula na Maze! Ayan na ang inaabangan mo oh!”

“Pati ba naman ikaw Edge? Grabe, trip na trip niyo ako ngayon ah!” – Maze

“Ako pa ba?” hahahaha! Makikisali lang.

“Good morning E-High! You know that yearly, we are exchanging students from different schools in U.S. and this year, we have again. In their exchange, we sent 2 lucky students who are deserved to have a once in a lifetime experience in an American school.” Litanya nung spokeperson.

“Haba naman ng sinasabi! Pwede naman ipakilala na lang agad!” reklamo ni Maze.

“Hindi ka naman atat niyan?” biro ko.

“Tagal eh! Daming intro!” kunwari pa!

“So let us all greet a warm welcome the exchange students from Berkely High, Slater Dione Jensen and Thalia Brielle Masen!”

“ANO?!!!” gulat na gulat kaming lima.

“Paanong?” hindi ko matuloy yung sasabihin ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa harapan namin ngayon.

“Sapukin niyo nga ako! Baka naman binabangungot lang ako!”  - Maze

“OH!” *Boogsh!* - Heat

“Aray naman Heat!” reklamo ni Maze.

“Sabi mo sapukin ka eh!” nga naman!

“Baka naman DNA lang nila yan!” – Dash

“Imposible! Totoo ba talaga to?!” - Heat

“Kung totoo nga ito, ibig sabihin.. kasinungalingan lang ang lahat?” –Vanz

Palabas lang yung dati? Buhay sila? Buhay si Slater at Thalia? Hindi ko alam kung matutuwa kami o magagalit kasi pinaniwala nila kaming namatay sila sa insidente last year. Si Slater ay kabarkada rin namin. Siya yung sixth member sa CHASE-6. Si Thalia, siya ang girlfriend ko until the incident. Girlfriend ko pa rin nga ba siya? Former girlfriend I guess.

“Bakit ngayon lang sila nagpakita? Buhay naman pala sila!” – Heat

“Di ko maintindihan! For a year, pinaniwala nila tayo. Sinisi pa nga tayo ng parents nila eh! Ano ito? Joke Time?” – Maze

“Kung ngayon lang sila nagpakita sa atin, siguradong may dahilan o rason sila.” – Heat

“At yung rason o dahilan na yun ang hindi natin alam.” Sagot ko.

Ano nga kaya ang dahilan nila kung bakit nila pinalabas na namatay sila sa insidente?…Bakit ngayon lang sila nagpakita sa amin? At ano ang rason o dahilan nila sa pagbalik nila rito? Nagstay sila sa Amerika nang isang taon ng magkasama? Exchange students na sila rito… sinadya ba o pagkakataon lang?

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

A/N:

Hi Guys!!! Namiss niyo ba sila? After a month of no update.. (ang tagal na pala talaga) eto na po ang bagong chapter... Start na po ng story twists. Sino nga kaya sila Thalia at Slater? Any clue? Read the next chap! THANKS FOR READING!!!

Lovelots ~Trix <3

Pretending My Identity [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon