CHAPTER 31: INVESTIGATE

476 21 0
                                    

Dedicated to my another Tita na reader din pala...Thank you po!!! Enjoy!

==================================

CHILL'S POV

Nakakapagtaka talaga yung ikinikilos ni Edge kahapon. Medyo aloof siya sa amin, ano kaya problema nun?

"Chill samahan mo naman ako sa cr." bulong ni Isla.

"Loka! Baka nalilimutan mo kung ano ako? Haller?" lalaki ako dito. Baka ano pa isipin ng iba.

"Ay oo nga pala! Sige na nga ako na lang..." lumabas na ng room si Isla.

Minsan talaga nawawala sa isip niya na lalaki ako dito sa school. Buti nga at hindi siya na iintriga sa akin ng mga chikadora sa paligid. Alam na kasi nila na close (lang daw) sila ni Dash. Well, ako naman eh sinabi ko na wala akong balak sa mga ganun. BUSY ako eh... bakit ba? Pinagtanggol rin ako ni Kuya Heat sa mga CHASERS na eversince daw ay focused ako sa studies at wala daw akong interes sa lovelife. Buti nalang at naniwala sila... Totoo naman yun eh, wala akong interes sa ganun... isa pa, si Kuya Heat ay masyadong protective.

Anyways, naikwento na sa akin ni Kuya Heat yung insidente last year na kasama pala sila Slater at Thalia. Nagulat din ako nung sinabi niya na ang alam daw nila ay nasawi yung dalawa at sobra pa nga daw ang galit ng mga Jensen at Masen sa kanila. Napaisip din ako sa kung ano mang dahilan ng kanilang surprising comeback. Sana naman eh wala silang masamang binabalak... pero feeling ko meron eh. Sino ba naman ang magbabalik dito na pinaniwala ang lahat na patay na sila paralang isurprise sila na 'We're Alive! Na-Wow Mali kayo!' di ba wala naman? Ano yun joketime? Syempre may rason yan... kung ano man yun sana malaman ko para mabalaan ko rin sila Kuya. Kung nagawa nga nilang burahin lahat ng records nila dito at palabasin na makatotohanan ang lahat....siguradong hindi rin imposibleng makagawa sila ng masamang bagay.

Naabala ako sa pag-iisip ng biglang may nagbukas ng pintuan at iniluwa noon ang babaeng kinaiinisan ng lahat na nagngangalang Thalia. Ang lakas ng aura niya... kung hindi lang masama ugali nito malamang pinagkaguluhan na yan ng mga kaklase kong lalaki. Sayang ang ganda!

Dumiretso lang siya sa kinauupuan niya at mataray na tumingin sa aming lahat. Siya nga pala ang girlfriend o ex? Former girlfriend na nga lang, ni Edge. Ganyan na ba siya dati pa? Mataray, masungit at ill-mannered? Pero sabi ni Kuya Heat, mabait at sweet daw yan dati... siguro epekto yan nung nangyari... or yan siguro yung dark side niya na naging dominant na sa kanya after nung incident. Everyone has their own dark side nga di ba? Nakabalik na ng room si Isla, maya-maya lang ay yung teacher na namin ang pumasok.

5 minutes na lang matatapos na yung klase namin. Bilisan mo na Ma'am magturo... Naiihi na ako kanina pa.... kanina ko pa sinasabi yan sa isip ko. Sasabog na ata pantog ko dahil ihing-ihi na talaga ako... Ayaw niya kasi magpa-c.r. kapag matatapos na yung klase niya.. patapusin na daw siya bago kami lumabas.

"That's all for today, CLASS DISMISSED!"

Pagkasabi nun, agad na akong tumakbo papalabas ng room. Inunahan ko pa nga sa pintuan yung teacher namin eh. Bahala na.. eh sa nagmamadali na akong pumunta sa C.R.!

Kaso isang bagay pa pala ang kailangan kong harapin.... SAANG RESTROOM AKO PAPASOK? Sa Boys o sa Girls? Jusmiyo naman oh!!!! Kung sa boys, baka kung ano ang makita ko dun na di dapat! Awkward naman nun! Kung sa girls naman, baka naman pagpasok ko pa lang eh batuhin na ako ng mga tao sa loob at sigawang BASTOS! Ano ba namang kalagayan ito oh? Naiihika na nga.. kailgan mo pang pag-isipan kung saan ka! At kung minamalas ka pa...Ang daming lalaki na papuntang cr ngayon... Ano ako mag-aala talangka na sideways maglakad at nakatalikod papasok ng cr ng boys? Wait, wala atang tao sa girls...

Tingin sa paligid.... Pasimpleng bukas ng pintuan sa girls... Silip sa loob... CLEAR! Walang tao!!!!

Pumasok ako agad at sa pinaka-unang cubicle ako pumunta.

THALIA'S POV

Nakakairita yung mga pinag-uusapan ako in front and behind my back. Yung titingin sayo tapos biglang magtatawanan o kaya bubulong-bulong sa katabi habang pasimpleng nakatingin pareho sayo. Akala nila hindi ko napapansin? Tapos titigil sa chismisan nila kapag tumingin ako sa kanila ng mataray. How pathetic! Makalabas na nga lang muna ng room para bumili ng juice.

Ano ginagawa nung Chill na yun sa tapat ng mga restrooms? Wait! Bakit siya pumasok sa restroom ng girls? Ano gagawin nya dun? Di ba lalaki siya? He isn't supposed to be there! Wala bang tao sa loob? I'm really intrigued by that feminine looking guy.

Hinintay ko siya lumabas ng restroom. After a few minutes... he came out sheepishly. He seems not to notice me. But something catches my eye... Something is not right with him. Did I just saw a bra strap???? I think I saw it underneath his uniform... Medyo basa yung right shoulder at back niya and I saw a black strap. Goodness! Is he a gay? Or he is pretending? I'm starting to doubt that Chill guy... Everywhere Edge is, I could see him. As far as I know, Edge didn't let someone enter his life after our fake death... but how did this Chill suddenly in the picture? I must know the real identity of this suspicious person. I will find out who is Chill Peyton behind that boy get-up!!!

Calling ****

["Hello Ma'am Thalia ?"]

"Hello, I want you to investigate Chill Peyton. I want to know his true identity, personal information, his background... everything! You got it?"

["Yes Ma'am! Got it!"]

"Good! Call me once you already got the information."

Call ended...

This seems interesting! I'll start my plan later on after I found out this first.... Sino ka ba talaga Chill Peyton???

+++++++++++++++++++++++++++++

A/N:

Annyeong! Sorry short chapter lang po ito...bitin na po di ba?...busy po kasi ako sa projects ko... naisisingit ko lang po ang pagttype kapag may free time...babawi po ako sa next chapters! BTW, get ready for the next chapters... intense scenes and more!

(Note: ang basa po pala sa THALIA ay Thal-ya)

THANK YOU FOR READING!!!

P.S.: Palike naman po nung nasa External Link.... Kapatid ko po yun eh... Dali yung maglike po ay idedicate ko sa inyo ang next chapters...comment lng po kayo dito after niyo ilike.. THANK YOU!!!!


XOXO ~ Trix :****

Pretending My Identity [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon