CHAPTER 28: STILL ALIVE

510 21 0
                                    

Dedicated to my friend and classmate whose an avid reader like me and always supports this story. Thank You!!!!

===================================================

HEAT’S POV

Hindi kinayang iprocess ng neurons ko ang pangyayari kanina. Parang rise from the dead sila Thalia at Slater! Nasa classroom na kami ngayon at hinihintay ang aming teacher sa Math.

“Good Morning Class! You’ll have a new classmate.” Announce ni Sir.

Pumasok ng room ang isang lalaking kilalang-kilala namin.

“I am Slater Dione Jensen. Exchange student from Berkeley High. Nice to meet you all.” Pakilala niya.

“Waaah! Pogi na naman!”

“Ang swerte naman natin tuwing Math class, CHASE-5 + Slater = Heaven!”

“Favorite subject ko na talaga ang Math!!!”

Mga babae nga naman talaga! May gwapo lang sa paligid eh…. Masyadong obvious!

“Hope you’ll be nice to him. Okay let’s start the class.”

Umupo si Slater sa kabilang side ng room. Sa bandang likuran din siya tulad namin. Lumingon siya sa amin pero may iba na sa mga mata niya. Parang hindi na siya yung dating Slater na kaibigan namin… nag-iba na siya. May dark aura na sa kanya eh… basta di ko maexplain.

Nagkatinginan naman kaming lima. Paniguradong napansin din nila iyon. Kakaiba kasi yung atmosphere sa pagitan naming anim. Hindi namin alam kung paano namin siya iaapproach kasi hindi pa rin kami makapaniwala na buhay siya.

Marahil nagtataka kayo kung paanong hindi man lang nakikilala ng iba si Slater kung part siya ng CHASE-6 dati. Yun ay dahil homeschool siya dati dahil sa sakit niya. Minsan lang siya pumunta dito sa school at yung dating homeschool teacher niya ay matagal ng nagresign. Pinabura na siguro ng Dad niya ang mga records niya dito sa school. Kung sabagay puro homeschool lang naman siya at hindi siya kilala ng students dito. Ang laki na rin nang pinagbago niya sa ayos at porma. Dati kasi simple lang siya ngayon bad boy na ang dating niya.

CHILL’S POV

“Nakita mo na Chill yung mga exchange students? Ang gwapo nung Slater at ang ganda nung Thalia ano?” ayan na naman ang kadaldalan ni Isla.

“Oo, Isla kitang kita ko, actually ng lahat… hello? Inaannounce kaya!” hyper niya na naman.

“Sabi ko nga eh… hehehehe... sorry naman! Ang gwapo kasi talaga nung Slater. Pero feeling ko may attitude yung Thalia. Masyadong kakaiba yung aura niya eh. Nakakaintimidate!” – Isla

“Nakakita ka lang gwapo nahyper ka na? Ganyan ka rin ba kapag kasama mo si Dash? Aminin!!!” hahahaha! Maasar nga ito.

(O____O) (O////O) ( _   _ #)

“Chill naman eh!!!! Shhh! Sugurin ako nang fans nun.” Namumula na siya… Gotcha!

“Confirmed! Ano status niyo ni Dash?” close na kasi sila lalo na nung basketball match ni Dash. Alam niyo ba na sa player’s bench siya nakaupo at dun siya nagchecheer. Tapos every end ng quarter eh siya ang taga abot ng tubig at nagpupunas ng pawis ni Dash. Di ba something fishy?

“Close friends lang kami.” Sagot niya. Deny pa nga!

“Sus! Halata ngang close kayo eh. Aminin gurl, crush mo na siya noh?”

“A-ahmmm… Whoo! Ah, actually…. Oo, Chill. Crush ko na nga si Dash.” I knew it!

“Crush nga lang ba or much deeper pa?”

“H-Hindi ko alam.” Confused feelings pa ito… kung alam mo lang na matagal na kayang pasikretong nanliligaw si Dash sayo.

“Paano kung gusto ka rin ni Dash?”

“Edi WOW! Siyempre masaya ako noh! Pero Sana nga!” Hindi lang Sana… For real eh!

Naputol ang usapang lovelife namin ni Isla ng biglang may dumating….

“Excuse me, I like to sit there. Can you please move out?” Wow!!! Batas ka?

“Sorry Miss Exchange student but this seat is arranged already even before you came.” Sagot ni Isla. Nice one Gurl!

“I don’t care! I want that so MOVE!” with matching taas ng kilay. Aba! Talagang may attitude ang Thalia na ito ah!

“You heard her Miss Thalia Brielle Masen. This is her seat. Go find your own. You’re an exchange student here, you must abide the rules. You can’t just order around someone because you wanted to. So sit right there in the back. Being an exchange student is not an excuse.” Tuloy tuloy na sabi ko. Kabago bago niya dito…. Ganyan ang attitude niya!

“Hmph!” sabay irap sa amin at umupo sa likuran.

“Serves here right! Galing mo dun Chill!” – Isla

Dumating na yung teacher namin sa Science. At pinag-introduce niya yung bratinellang Thalia.

“I am Thalia Brielle Masen. 18 years old from Berkeley High. Thank you.” Tumingin siya sa amin ng masama bago siya bumalik sa upuan niya sa likod. Taray ba!

“Maganda sana, maldita lang. Tsk!”

“Kala mo kung sino para paalisin sa upuan si Isla kanina.”

“She’s a Brat! Grabe.”

Bulungan ng nasa harapan namin ni Isla. Mukhang lahat ay puro siya ang pinag-uusapan dahil sa attitude niya. Sayang ang ganda mo ate! Pangit ng ugali!

THALIA’S POV

Talk about me as much as they want. I don’t care anyway! Besides, they are not my business here. We are not here by coincidence as exchange students, actually we made a way for it. I didn’t really want to come back here anymore. I already have a peaceful life and great career as a model. But Slater has a great plan and so I agreed.

Maldita, Bratinella, may attitude…. Yeah, whatever! Hindi naman ako ganito dati. In fact, I was an ordinary girl like them. Mabait, school girl, simple at nagmahal….. to the point na iyon ang muntikang tumapos sa aking buhay nang dahil sa girlfriend ako ng leader ng CHASE-5, si Edge Zade Ryder. The man I loved, and still loving though. I can’t hate him despite what happened to me. Nadamay lang naman ako, kami ni Slater. I just want him back…. That’s all. I am still her girlfriend technically… no closures or even break-ups. I still love him and I know he still love me too. We’ll continue the way we were before. I am sure of it…. I’ll make it happen no matter what.

SLATER’S POV

It feels good to be back, at last! Finally, after a year nagkita na rin kaming pito. At tignan mo nga naman ang pagkakataon oh! Kaklase ko pa nga ang CHASE-5, my former friends. Nakakatawa ang mga reaksyon nila ng malaman nilang buhay kami ni Thalia. They should’ve seen their faces! Totally priceless! Gulat na gulat sila at hindi makapaniwala. I can’t blame them though, it is what they thought, or should I say, they believe in. They really look horrified as if we were zombies that came back to life.

May rason kung bakit kami nagbalik ni Thalia dito sa Pilipinas. Kahit na maganda na ang lagay namin sa Amerika. Hindi ko muna sasabihin ngayon dahil ito pa lang ang first step. Mukhang napansin na nila ang pagbabago ko sa ayos at porma. Pwes, yan pa lang ang una dahil iba na ako ngayon. Hindi na ako ang Slater Dione Jensen na mahina, sakitin at nagpakabayaning kaibigan nila. Ako na ang bagong Slater na makikilala nila. Hello CHASE-5!

*************************************************************

A/N: New Characters!!! Slater Dione Jensen and Thalia Brielle Masen.... Portrayers are Jaehyo (Block B) and Na Na (After School)... Ano nga kaya ang balak nila sa kanilang pagbabalik? Any wild guesses?

THANK YOU FOR READING!!!

Lovelots~ Trix

Pretending My Identity [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon