CHAPTER 11: SWIMMING LESSONS

795 32 1
                                    

CHILL'S POV

*swimming pool - 5 ft.*

 “Wag ka matakot Chill, di tayo lalayo.” – Edge

 “O-ok... Ayoko sa malalim.” promise kinakabahan ako... bukod sa lalim ng pool, sa closeness ng distance din namin ni Edge....

 “Nararamdaman mo bang nagffloat ka na? Ipadyak mo lang mga paa mo para makagalaw ka sa tubig.”- Edge na swimming instructor ko ngayon...

 Ipinadyak ko na konti ung mga legs ko...up, down, up, down... tulad ng sabi ni Edge... *cough cough* nakalunok ako ng tubig! Ano ba yan masyado akong natuwa sa pagpadyak.

 “Close your mouth....para di ka makalunok ng tubig...” sabay na inangat ni Edge yung baba ko para maisara bibig ko...

 Nagulat ako sa ginawa niya... pati yung mainit na kamay niya sa baba ko na nagcompliment sa lamig ng tubig....

 “Pupunta na tayo sa malalim ah.... para masanay ka na at makalayo layo ka ng langgoy....”- Edge

 Naglakad na siya sa mas malalim na parte ng pool.... hanggang baba niya na yung tubig ngayon.... ibig sabihin lagpas tao na para sa akin! Waaahh ayoko malunod pero kailangan kong matuto...

 “Wag ka mag-alala hawak kita Chill, hindi kita pababayaang malunod...Nandito lang ako...okay?” – Edge na nakangiti sa akin... sa sinabi niyang yun, nawala yung kaba ko...somehow I feel safe...

 Hinawakan ni Edge yung magkabilang braso ko para hindi ako mapabitaw at masalo niya ako agad.... Again, ramdam ko ang temperature niya...dahil siguro sa lamig ng tubig at natural lang yun sa atin na maging warm sa ganitong coldness ng water....

 Nagfocus ako sa pagpadyak ng mga paa ko... Napansin ko naman yung mga kaklase namin pati na sila kuya na nasa pinaka malalim na part ng tubig at dun ng ffloating... binigyan talaga kami ng space ni Edge para maturuan ako. Napatingin naman ako bigla kay Kuya nung nakangiti siya sa akin.... Nag-aasar na naman! Malamang ba naman sa swimming lesson mode namin ni Edge...

 Ngumuso si Kuya sa akin... tinuturo yung posisyon namin ni Edge... grabe parang hindi ako nagppretend na lalaki... Napatingin naman ako kay Edge.... Biglang na wala ako sa focus nung nakatitig pala siya sa akin...

 *cough cough* lumubog ako bigla! Naman eh!

 “Chill naman wag ka mawala sa focus....”- Edge na nahawakan ako bigla at medyo nakayakap sa akin.... err.... spell Awkward posisyon? Eto yun eh...Shemay naman oh nararamdaman ko ang Hot body niya... Edge bitaw na....

 “Sorry.... buti nahawakan mo ko... kundi lunod na naman abot ko nito..” Bumalik na ako sa pagffloating at pagpadyak...

 “Bat ka ba naddistract? Stay focused.... sa akin ka na lang tumingin...wag ka kasi kabahan... nararamdaman ko ung stiffness ng katawan mo.... relax lang...” –Edge

 Kung alam mo lang Edge sayo ako naddistract... tapos titingin pa ako sayo... edi lalo akong nailang di ba? Pero kailangan ko nga namang mag focus.... Mga tingin mo kasi eh....

 Tumingin na lang ako sa kanya... sabi niya eh.... mamaya bitiwan ako nito mahirap na...

Pansin ko lang hindi niya pala suot yung eyeglasses props niya.... Infairness, ang ganda ng dark brown eyes niya na singkit...bagay naman pala kahit di siya mag-glasses...somehow pag tumingin ako sa matang yun, naramdaman ko ung security na di niya ako pababayaang malunod... ang sincere ng mga yun na para bang sinasabing Trust Me...

ang kinis kinis niya... ano kayang ginagamit nito? Kutis babae at ang puti din niya....wala kang makikitang pores sa sobrang fine like a baby skin....Matangos din yung ilong niya.... pero hindi yung pointed talaga... medyo mataba na matangos... ang cute bagay sa kanya! Ang cute din niya pag nagssmile... lalo na yung front rabbit teeth niya na di panget tignan... Nakakasilaw nga eh... super pearly white kasi... Sana lagi siyang magsmile...bawasan niya ung seriousness niya....

 Sa totoo lang, naamaze ako kung paanong ang cute niya at the same time ang gwapo din... Di na ako magtataka kung bakit isa siya sa CHASE-5 at ang pinakakinababaliwan ng mga girls... Hays, bakit feeling ko lumilinya na ako sa fans niya? Knock it off Chill! Sabi tumingin ka para mag focus hindi para titigan siya at idescribe ang face features... Umiling ako to ward off this thought...

 “Ok ka lang? Bakit ka nailing? Napasukan ba ng tubig tenga mo? Bibitawan na kita ah..... keep moving at focused para di ka lumubog...” –Edge na unti unti akong binibitawan... Focus Chill!

 Nung binitawan niya na ako ng tuluyan... agad akong pumadyak at kinampay yung mga kamay ko... Nakatingin lang ako sa kanya para makapag-focus ako... Pero nung ngumiti siya sa akin...

 *splash!!!*

 *blop blop blop* (sfx ng nalulunod haha)

 “Chill!!!! I got you! Wake up please!” – Edge na naalarma sa kaengotan ko...

 Yakap yakap niya akong dinadala sa pool side.... naririnig ko ung mga taong nakapaligid sa akin pero parang nageecho na umaalon...

 “Chill! Can you hear me? Gising Chill!” – Edge

 Itinagilid niya ako at hinawakan ako sa may tiyan sabay hatak niya sa akin.... inaalis niya yung nainom kong tubig.

 *cough cough*

 “Sheez, Chill pinakaba mo kami!” – Maze na nag-aalala din sa akin

 “Kala ko di ka na magigising....Hmp, natakot ako dun Chill! T___T” – Dash na ang childish na naman

“Nawala kasi sa focus... Chill naman eh.... don’t drown yourself!” – Kuya nasinermunan pa ako... thank you ah... malay ko bang mawawala focus ko ng dahil sa ngiti ni Edge

 “Hindi mo pa kasi kaya... Dapat di mo na lang siya hinayaan Edge.” - Vanz

 “Hay... mukhang hindi ka pa talaga pwede sa malalim...I’m sorry Chill, it’s my fault. I shouldn’t let you on your own... Dapat di kita binitawan.... Nalunod ka tuloy.” – Edge na biniblame yung sarili niya...

 Partly it’s his fault kasi nadistract ako sa kanya... but I can’t blame him... wala na man siyang ginagawa ako lang itong ewan kung bakit ganito ako makareact... nagulat ako sa wide smile niya sa akin.. natuwa siya dahil kahit papaano I can make it... First time ko kasi siyang nakita na ganun... A happy one, not the serious face he is known to be. Alam ko medyo OA yung reaksyon ko...but actually  I don’t know bakit ang abnormal ko na naman.

 “It’s okay Edge... don’t blame yourself... It’s my fault not yours.... I didn’t focus enough to do it...I’m sorry kung nag-alala at natakot ko kayo sa nangyari. (.___.) “

 Ano na naman bang kaweirduhan ang sumapi sa akin? Epekto siguro ng swimming pool phobia ko... Chill + Swimming Pool = Disaster... It’s a big No No.... I’m hopeless with it.

********************************************************************

A/N: Kyaaaaaaaaaaahhh! Sorry natutunaw ako sa mga titig ni Edge... No doubt kung bakit na out of focus si Chill... Hahahaha! Kayo ba guys?! Siguro nageexpect kayo ng CPR (mouth to mouth resucitation) noh? Hehehe Sorry guys.... masyadong maaga for that... eto rin kasi ang basic sa ganitong situation bago i-CPR...

GAMSAHAPNIDA! ARIGATOU! XIE XIE! (naks foreign language!)

THANK YOU FOR READING! Vote, comment, share and Follow!

Lovelots ~ Trix :*** 

Pretending My Identity [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon