CHAPTER 29: BEHIND THE STORY

559 18 0
                                    

 

SLATER'S POV

Napaniwala namin sila na namatay kami ni Thalia nang dahil sa pagkasunog ng warehouse. Pero lahat ng iyon ay pinalabas lang ng mga magulang namin.

~ Flashback ~

Nawalan na ng malay si Thalia dahil sa sobrang init at usok ng paligid. Hindi ko na makita sila Edge sa kabila.

"Thalia! Gumising ka! Wag kang bibitaw!" sigaw ko sa kanya kahit na nanghihina na rin ako. Marami nang paso sa binti at braso si Thalia. Kailangan na naming makaalis sa lugar na ito.

Bumagsak na rin ako sa sahig dahil unti- unti na akong nasusuffocate sa usok. May asthma ako at nahihirapan na akong makahinga. Hindi ko mmaimulat ang mga mata ko... tanging naririnig ko na lang ang pagningas ng apoy. Sobrang init ng paligid.... Nasusunog na ang balat ko. Hindi ko na kaya.... Mukhang ito na ang katapusan ko. Yinakap ko na lang si Thalia para maprotektahan ko siya. Sana mailigtas nila si Thalia, siya na lang kahit hindi na ako. At ang huli kong narinig ay ay isang pagsabog.

 

Nagising ako sa tunog ng makina sa paligid. Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil ang hapdi nito kapag sinusubukan ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko mailingon ang ulo ko dahil sa may mga paso din ako sa bandang leeg.

"Slater, anak... gumising ka na. Nag-aalala na kami ng daddy mo. Wag kang bibitaw ha... lumaban ka. Nandito lang kami." Si Mommy. Maya-maya pa ay umiiyak na siya.

Sinubukan kong igalaw ang braso ko ngunit isang matinding sakit ang naramdaman ko na para akong sinisigaan. Ang tanging naigagalaw ko lang ay aking mga daliri.

"Slater?? Anak?!!! Nurse!!!! Nurse!!!" agad na dumating ang mga nurse at doctor.

"Is he okay doc? Is he safe now?" – Mommy

"Mrs. Jensen, your son is okay now but I can't assure you that he is safe enough. Umabot po ng 2nd degree ang ilang burns ng anak ninyo at kailangan po ng surgery para hindi dumikit ang ilang parte ng katawan niya dail sa sunog na tinamo niya... Maselan po ang case niya, so I suggest if you try to bring him to America. Maganda po ang facilities doon and I believe that they could do something to bring him back from he's original state. Reconstructive surgery po ang isasagawa sa kanya." – Doktor

Ibig sabihin ganun kalala ang natamo ko mula sa pangyayaring yun. Kaya pala para na akong mummy na balot ng gasa sa buong katawan. Si Thalia kaya? Ganito rin ba siya?

"Okay doc, please process his papers. We'll move him." – Daddy

"Alright sir, we'll do it." Paalam ng doctor.

"M-Mom-my?" nahihirapan akong magsalita dahil sa mahapdi rin ang balat malapit sa bibig ko. Parang may nakadikit na kung ano sa paligid nito.

"Slater? Yes anak, mommy is here." Naiiyak na si Mommy.

"Si T-Thalia po? Ka-kamusta po siya?" tanong ko. Sana buhay din siya.

"Thalia is alive too Slater. Just like you she had 2nd degree burns pero hindi kasing lala ng sa iyo." Paliwanag ni Mommy.

"How did we survive? I thought were dead."

"Don't say that Anak! You were rescued by firefighters. They told us that you were both not killed because a big chunk of concrete shielded you and Thalia from completely burning. They said the concrete fell when the explosion occurred. Luckily, it landed in front of you instead of crashing you both to death." – Mommy

Pretending My Identity [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon