CHAPTER 21: CODE RED

598 20 1
                                    

CHILL’S POV

*Knock Knock*

“Chill! Gising na! Malalate ka na sa school!!!!” ang aga-agang sigaw ni Kuya Heat.

“Ugh! Ang aga pa eh!” reklamo ko.

“Anong maaga pa? 7:15 na kaya!” sagot ni Kuya.

Tumingin ako sa cellphone ko at talaga namang nagulantang ang buong pagkatao ko.

“HALA KA 7:15 NA NGA!” tumakbo kaagad ako sa bathroom at naligo.

Anyare? Bakit di ko manlang narinig ung alarm clock ko? Maaga naman akong natulog kagabi ah? Agad akong nagbihis at nag-ayos 5 minutes lang at natapos na ako. Nag-ala Flash lang ako sa bilis. Ba yan! malalate talaga ako nito.

“Una na ko Chill ah! Bye!” paalam ni Kuya. Kainis ito! Ngayon lang ako ginising! Iniwan pa ako,di man lang hinintay. Pang-asar lang talaga si Kuya Heat. ARGH!

Tumakbo ako pababa ng kitchen at dali-daling kinuha ko ung Pineapple juice sa ref at Cupcake sa cabinet. Babaunin ko na lang ito. No time for breakfast na!

Shocks! 7:25 na! 5 minutes na lang klase na! Hindi ako aabot nito eh. Madaya yan si Kuya may alam na shortcut yan kaya mabilis makakarating sa school. Hindi ko naman alam yun! Magsskateboard na nga lang ako. Ganito ako pagpumapasok sa Canada eh. Iwas traffic!

*TIME CHECK 7:40 AM*

Sa wakas nakarating din sa school!!!! 10 minutes late, kaya pa yan! Buti na lang skateboard ginamit ko! Traffic kasi eh.

Tumakbo agad ako sa locker para ilagay yung skateboard ko. Sabay takbo sa hagdan papuntang classroom. Lagot ako nito eh, History pa naman ngayon!

“Chill Peyton! You’re late!” bulyaw sa akin ni Mrs. Helen.

“Sorry Ma’am!” paumanhin ko. Super haggard ko na ngayon. Para akong sumali sa 21K marathon. Pawis na pawis na ako.

“You’re so filthy! San ka ba galing?” interview portion pa nga.

“Sa bahay po. Nagskateboard po ako papasok para mabilis at tumakbo paakyat dito kaya po sobrang pawis ko.” Sagot ko.

“Ok, you may seat now.” Sabi ni Mrs. Helen.

Nagpasalamat naman ako at umupo na agad sa pwesto ko. Katabi ko si Maze ngayon.

“Nagsskateboard ka pala? Nice!” bulong ni Maze.

“Oo, nasanay sa Canada.” Sagot ko.

“Minsan nga skateboard tayo ah!” – Maze

“Sige Maze.” Sagot ko.

Nagdiscuss ng nagdiscuss about history ng French Revolutionary. Wala akong naintindihan kahit isa kasi ang sakit sakit ng ulo ko. Nakatungo na lang ako sa desk ko.

EDGE’S POV

Nakakatamad yung History class namin. Maraming hindi nakikinig pero napansin ko na may iba kay Chill. Nakatungo kasi siya tapos nakahawak sa ulo niya, hindi siya mapakali sa pagkakaupo niya.

“Chill, ok ka lang?” nasa likod lang ako ni Maze.

“Ang sakit ng ulo ko.” Mahinang sabi niya. Baka sa kamamadali niya yan kanina.

“Gamot gusto mo?” tanong ko.

“Please Edge. Ugh!” sabay subsob niya sa desk niya. Sobrang sakit siguro kasi hindi na siya masyadong nakilos eh. Kumuha ako ng mefenamic acid sa med kit ko sa bag.

“Chill, eto oh!” Inabot ko sa kanya yung gamot.

“Bakit Edge? Anyare?” tanong ni Heat. Napansin niya na siguro.

Pretending My Identity [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon