CHAPTER 38: GIRLFRIEND

576 24 0
                                    

(A/N:  Slater on Media)

HEAT'S POV

"~~Honestly, I've heard that Chill and Slater is officially on so please leave her alone. That's all Thanks!"

WHAT THE HECK?!!! Anong pinagsasabi nitong babaeng to? Bakit di ko alam? Ako ang kapatid ah... bakit siya ang unang nakaalam? May hindi sinasabi si Chill sa akin! Nagsisikreto ka na ngayon ah?

Nilapitan ko si Chill at Slater, literal na hinatak ang kapatid ko palayo dito sa lokong 'to.

"Care to explain Chill?! Kelan pa ha?!!" naiinis ako dahil wala akong kaalam alam sa nangyayari tapos mababalitaan kong ganito?

"Ku-Kuya... pwede sa bahay ko na lang iexplain? Please? Sorry Kuya Heat." Tumungo siya na nangingilid ang luha.

"Hays... sige. Pero gusto ko in details ah?" tumango lang siya. Nakonsensya ako...bihira lang kasi ako magalit sa kanya. Bilang isang Kuya at twin brother niya, nature ko na ang maging protective lalo na sa ganyang bagay. Sobrang nabigla lang talaga ako sa nalaman ko. At higit sa lahat, hindi ko maimagine na boyfriend niya si Slater.

"Excuse me Heat, I still need to take Chill to her classes if you don't mind." Biglang singit ni Slater. Automatic na nainis ako sa presensya niya. Umoo na lang ako. Pero bago umalis si Chill binalaan ko siya...

"Mag-ingat ka sa kanya Chill. Hindi mo talaga siya kilala." Nagsasabi lang ako totoo. Pinag-iingat ko lang ang kapatid ko kay Slater. Minsan niya na kaming niloko at pinaglaruan, ayokong mangyari yun sa kanya... Hindi ko alam kung totoo ba talaga itong relasyon nila o parte nang isang panibagong plano ni Slater sa amin. Wala pa kaming ideya kung ano talaga ang purpose nang pagbabalik nila dito... sana naman huwag nilang gamitin si Chill, wala siyang kinalaman sa nangyari noon at hindi siya dapat madamay dito. Pero kung ang talagang pakay ni Slater ay si Edge, mukhang ito ang plano... ang saktan ulit si Edge sa pamamagitan ni Chill.

Sana naman mali ang hinala ko... dahil gumagana ang plano niya... Alam kong nasasaktan si Edge ngayon. Hindi naman ako bulag at manhid... matagal ko nang napapansin na iba si Edge tuwing nandyan si Chill. Simula nang makilala niya si Chill kahit lalaki pa kunwari siya... nakita ko na sumigla si Edge... ngumingiti na at bumalik sa dating siya. Lalo pa nung nalaman niyang babae siya... alam ko na hindi malayong magkagusto siya kay Chill. Kunwari lang na di ko alam dahil ayokong pangunahan si Edge... at mamaya mali pala sabihan pa akong assumero. Hindi muna ako makikielam ngayon... kailangan ko muna malaman ang totoo bago ako gumawa ng aksyon.

CHILL'S POV

"Are you okay?" concerned na tanong ni Slater.

"Ah oo." Kahit hindi. Nakakainis kasi eh, ngayon ko lang nakitang nagalit si Kuya Heat. Alam kong masama ang loob niya dito. Nagiguilty tuloy ako. Ano ba kasi itong pinasok ko?

"You're not okay Chill." – Slater

Nagulat ako at ihinarap niya ko sa kanya at pinunasan yung luha ko. Hindi ko napansin na may tumulo na pala. Bakas sa mata ni Slater ang pag-aalala.

"I'm sorry Chill kung nagalit si Heat sa iyo, but we still need to continue this fake relationship. I'll be the one to explain to Heat."

"Hindi na, ako na magpapaliwanag kay Kuya. Pumayag rin naman ako dito eh."

"Ok, I'll just pick you up after class. See you!" at hinalikan niya ako ng mabilis sa noo.

Lub dub lub dub

Hala ka! Bakit ganito puso ko? Whoo! Kalma Chill, it's just for the show...Hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya... remember Kuya Heat will so kill you... at paano na si Edge?

Pretending My Identity [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon