CHAPTER 16:RYDER'S MYSTERY SAVIOR

770 25 2
                                    

Thank you Joshierovalenzuela for the follow and votes!!! 

==================================================

EDGE’S POV

Haaaay! Sa wakas natapos din yung practice namin kila Heat. Nakakapagod!

“Bye Edge! Ingat sa pag-uwi!” paalam ni Dash at pinaandar na yung sasakyan niya.

“Sige ikaw din Dash, ingat!”

“Sa bahay niyo ba ikaw uuwi ngayon?” tanong ni Maze.

“Ah oo! Weekends ngayon eh.” Sagot ko.

“Kamusta mo na lang ako kila Tita, Kuya Zoom at Eurica.” – Maze.

“Sige sige, ingat ka pauwi.”

“Ge bye Edge! Ingat din.” Paalam ni Maze at sumakay na sa sasakyan niya.

“Bye Edge! Ingat din.” Paalam naman ni Vanz.

“Ge Vanz! Ikaw din.” Paalam ko at umalis na ako kina Heat.

Saturday ngayon at doon ako uuwi sa bahay namin. May condo unit kasi ako, doon ako umuuwi every weekdays. Gusto ko kasi maging independent at mas ramdam ko kasi ung freedom ko dun. Unlike sa bahay, meron kaming mga maids at drivers.... sila ang kumikilos para sa amin at parang wala na akong freedom na gawin yung mga bagay na kaya ko naman. Kagabi pa ako umuwi dun after class. Babalik ako sa pad ko tomorrow night.

*RYDERS’S MANSION*

Nandito na ako sa bahay namin. Mansion na nga ito sa laki, at maraming sports car dahil yun ang business namin. Ang Ryder Dealers’ Corp. na pagmamay-ari ni Dad. 

“Good Evening Prince Edge!” bati ng guard namin na nagbukas ng gate.

Yan ang tawag nila sa amin, Prince at Princess.... Ewan ko ba bakit yan ang pinatatawag sa amin ni Mom. Palibhasa Queen Nayra Ryder ang pangalan ni Mom. Buti nga at tawag lang sa amin yun at hindi talaga yun ang pangalan namin.

“Good Evening Prince Edge!” sabay sabay na bati ng mga maids namin.

Tumango lang ako sa kanila. Ito ang isa sa ayaw ko dito sa bahay, masyadong bantay sarado ang mga galaw namin at masyado kaming ginagalang. Feeling ko tuloy nasa isa kaming kaharian sa dami ng maids, guards, at helpers. Masyadong busy ang mga parents namin kaya ang daming tauhan sa bahay.

“KUUUUUUYYYYYAAAAA!” may sumigaw agad pagkapasok ko palang ng pintuan namin.

“Naku Princess! Dahan-dahan naman sa pagtakbo, baka madapa ka.” Sabi ni Nana Elayda.

Tumatakbo pababa ng hagdan ang kaisa-isang prinsesa sa aming bahay. Walang iba kundi ang bunso kong kapatid na si Glitter Eurica Ryder or mas tinatawag namin na Eurica.

“Kuya! I miss you!” sabay yakap niya sa akin. Siya talaga ang sweet sa amin eh.

“I miss you too Eurica! How’s your day?”

“It’s great Kuya! I’m done with all my homeworks, Nana helped me. Then, Kuya Zoom took me to the park with Nana. I ate cotton candy, ice cream and my favorite lasagna. We also played Xbox at Tom’s world at the King’s Mall. “ ^______^ tuwang-tuwang kwento niya sa akin.

“Really? That’s great! Seems you had fun ah!”

“Opo! Super fun!” sagot niya sa akin.

Nakakatuwang makita siyang masaya ngayong araw kahit na wala dito sila Mom. Imagine, weekends but still they are so busy. Malaki ang pagitan naming dalawa. 11 years to be exact. 6 years old lang siya at 17 na ako. Buti at pinasyal siya ni Kuya Zoom kanina, kung wala lang akong practice, ako dapat ang magpapasyal sa kanya. Namimiss ko kacute-an at kasweetan nito kapag nasa condo ako eh. Kami nga ni Kuya Zoom ang nagiging companion lagi aside from Nana Elayda na lagi nasa tabi niya. Buti at hindi ito matampuhing bata dahil kung nagkataon nagtatampo na ito ng sobra kina Mom at Dad. Minsan naaawa din ako sa kanya, napapansin ko kasing naiingit siya sa mga classmates niya na ang taga hatid-sundo ay parents nila unlike niya na si Nana Elayda at yung driver. Kaya kami ni Kuya,we are doing our best to play the role of being the big bros. Si Kuya na ang naghahatid sa kanya tuwing M-W-F. At ako naman ang playmate niya every weekends.

Pretending My Identity [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon