CHAPTER 35: DEAL

479 24 1
                                    

CHILL'S POV

Naging successful naman ang performance namin ni Edge. Kinilig pa nga yung mga kaklase namin at inasar pa kami ni Maze. Bagay daw kasi kami... actually madalas na nilang asarin si Edge simula ng malaman nila na babae talaga ako. May partner na daw siya... paano lahat sila meron na.

"Chill! Sabay ka na sa amin kumain... Tara sa canteen?" pagyaya ni Khione.

"Sige, dadaan lang ako sa locker ko. Ilalagay ko lang itong mga libro ko dun. Sunod na lang ako sa inyo."

"Okay! Una na kami!" paalam nila Khione, Yeshin at Ohnica.

Natutuwa ako sa kanilang tatlo, nung nalaman nila ang tunay kong pagkatao hindi sila nagalit o kung ano.... Sa totoo lang natuwa pa sila. Ang galing ko pa nga daw dahil hindi man lang nila nahalata. Bukod kay Isla, silang tatlo ang nakakasama ko. Pinagtatanggol nila ako sa mga nagsasalita ng kung anu-ano sa amin. Alam na rin nila ang pagliligtas ko sa kapatid ni Edge ang dahilan para maging lalaki ako dito sa school. Si Kuya Heat na ang gumawa ng paraan na maayos ulit ang mga records ko dito sa school. Si Mommy naman ay personal na pumunta dito para linawin ang pagpapanggap ko. Alam ng school ang totoo tungkol doon sa kidnapping kaya naman tumulong na rin sila sa pag-iimbestiga. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit wala pa rin kaming clue kung sino yung mga kidnappers na yun. Wala kasing records eh.... Tinakpan ang mga cctv, yung guard naman nung time na yun ay pinainom ng pampatulog, wala ring pagkakakilanlan dahil sa mga nakatakip ang mukha nila. Kung hindi ko siguro yun nakita...sino kaya magliligtas kay Eurica? Ano na lang kaya ang mangyayari?

Inaayos ko na yung mga libro ko sa locker nang maramadaman kong may tao sa likod ko.

"Xachi Layne Peyton A.k.a. Chill. The great pretender and liar...What does it feel to be the talk of the town?"

Lumingon ako sa nagsalita... None other than the great story maker, Thalia Brielle Masen.... Kasama niya pala ang ex bestfriend nila Edge... Slater Dione Jensen.

"It feels amazing! I became like an instant celebrity and even gained popularity. At least I don't need to exert effort just to get other's attention unlike you do. Well, thanks to you!!!" pang-aasar ko sa kanya.

"WHAT?!—-"

"Calm your nerves Thalia... Still not enough of the issue? Just leave Chill alone.. You caused this remember?" pagsaway ni Slater.

"So you're on her side now? Wow Slater!" – Thalia

"I didn't say that! Come on... I thought you have classes? You'll be late."

"Oh shoot! I forgot! I'll go ahead Slater... Bye! And you.... We're not yet over." Sabay irap pa sa akin bago umalis. Dukutin ko kaya mata nun? Napaka talaga!

"I apologize for Thalia's actions and what she have caused you." – Slater

"You don't have to." Sagot ko sa kanya. Bakit naman siya ang magsosorry eh hindi niya naman kasalanan?

"Can I talk to you?"

"Sure." Ano naman kaya pag-uusapan namin?

"Let's talk at the rooftop."

"Okay." Bakit sa rooftop pa? Nakakacurious ah!

~~~

"Anong pag-uusapan natin Slater?"

"Alam ko ang tunay na dahilan kung bakit ka nagpanggap na isang lalaki."

"Anong ibig mong sabihin?" paano niya nalaman? Hindi ko naman sinabi sa kanya at siguradong hindi yun sabihin ng mga kaibigan ko sa kanya.

"I know that you saved Edge's sister. Ikaw lang ang tanging witness sa kidnapping, napinakawalan mo siya at itinakas. Nagpanggap kang lalaki dahil alam mong babalikan ka dahil nakilala ka nila lalo na at naputol yung name pin mo."

"Pa-paano mo nalaman yun?"

"How do I know it? Very simple. Because you ruined my plan!"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Do you have any idea whose behind that kidnapping thing?"

"I don't have any idea."

"Well now you know." Huh? Hindi ko siya maintindihan.

"Ha?"

"If it wasn't of your little superhero act, my planned should have worked out."

Wait... anong plan... Don't tell me....

"I'm the mastermind behind Edge's sister kidnapping."

"IKAW? Pero bakit?" paanong siya? Ano ba talaga ang balak niya?

"Before I tell you... Let's have a deal first.."

"What deal?"

"I'll tell you why I kidnapped his sister... and most of all... you'll be safe now from being hunted and all of your issues will die down too.."

"Okay I'll be dealing with you if you'll promise to leave Eurica alone. Wag mo siyang idamay sa kung ano mang plano mo. Bata yun.. wala siyang alam sa nangyari."

"Sige. I promise I won't drag her sister in that kind of situation ever again."

"So ano bang deal ito?"

"Simple lang... layuan mo si Edge... And I'll do all the conditions we have agreed."

"Bakit ko naman siya lalayuan?" ano bang gusto nito?

"Psh... Magkaibigan na kayo ulit di ba? Nagkabati na kayo. Malamang ay masaya siya dahil nalaman niyang ikaw ang naglligtas sa kapatid niya. At yun ang ayaw ko. Ayoko siyang maging masaya. Gusto ko siyang masaktan."

"Paano ka naman nakasisigurado na masasaktan siya sa paglayo ko sa kanya?"

"Una dahil kaibigan ka niya at yung pangalawa...masaya siya kapag kasama ka niya."

"Bakit mo ba ginagawa ito? Dahil ba sa nangyari noon?"

"Tsk! Too many questions! Answer first....Will you do it or not? 'Coz if you don't... I can't promise to spare Eurica from this."

"Okay I will! Oh sagutin mo na!"

"Girls are really nosy. Fine! I am doing this because I want him too feel all the misery I've been through because of that accident. All the pain I felt and injured, the feeling of being abandoned and disgusted by everyone because of my condition. Most of all, for ruining my life. I planned to kidnap his sister. I know that his family is so protective of her but not enough for me to get her. Honestly, I won't do any harm to Eurica. I'll just scare Edge and make him feel worried sick. That is my supposed to be first step but apparently you came into the picture so I have to change my entire plan." Pagpapaliwanag niya.

"Wait! This is just the beginning? Yung pagbabalik niyo ni Thalia is all part of the plan?"

"Yup... and there's more to come. But don't worry no blood spill or any violence."

Ano pa ba ang binabalak niya? Ganun ba kalaki ang galit niya sa kanila?

"Can't you guys settle it in a peaceful way? Mag-usap kayo...sabihin mo kung ano talaga ang nararamdaman mo." Payo ko.

"I don't think this will settle easily Chill. The wounds are still fresh and deep. Revenge is the only thing for it."

"Slater, please! Stop that revenge of yours. It will do no good. In the end you will still lose."

"I know." At umalis na siya.

Sa tingin ko, hindi naman siya masamang tao. Nung tinignan ko yung mga mata niya habang kinukwento niya ang nangyari, nakita ko ang lungkot, galit at sakit. Mukhang mahirap ang pinagdaanan niya dahil sa insidente dati. Malaki ang epekto nito kaya siya naging ganyan ngayon. Gusto ko siyang tulungan sa tamang paraan. Sa ngayon, gagawin ko muna ang deal namin. Lalayo ako kay Edge pero hindi para tulungan si Slater sa paghihiganti niya. Gusto ko malaman kung ano ang mga binabalak ni Slater para alam ko ang gagawin kong pagtatama sa kanya.


+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

THANKS FOR READING!

XOXO ~Trix =)



Pretending My Identity [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon