CHAPTER 36: FAR AWAY

488 17 0
                                    

EDGE'S POV

"Class, may announcement nga pala ako."

"Mam ano po yun?" tanong ng mga kaklase namin.

"Malapit na ang Mr. and Ms. Ellington High Pageant. Sa mga interested na sumali. Nakapost yung requirements sa bulletin board sa hallway. Bukas ata bubuksan ang registration booth."

Tsk! Ayan na naman yung pageant na yan... Ang pinaka ayaw ko sa lahat. Taon taon na lang akong pinipilit isali diyan ng mga kaklase namin lalo na yung mga CHASERS. Hindi ko hilig ang sumali sa mga ganyan na makikipagtagisan ka sa looks, talent at question and answer para lang mapatunayan mong ikaw ang Mr. E-High. Kahit di nga kami sumasali dyang CHASE-5... araw araw nang may fans kami, what more kung sumali pa? Hays..hindi na tatahimik ang buhay.

Mas gugustuhin ko pang maging supporter sa ganyan. Sigurado ako sasali si Thalia dyan, lalo na ngayong ganyan na ang attitude niya..bitchy. Sabagay, dati pa naman sumasali sa mga pageant yan sa school nila. Si Chill kaya? Sana sumali siya. Gusto ko makita kung paano siya makikipaglaban sa iba. Kapag nanalo siya diyan, mapapatunayan niya ang sarili niya sa lahat. Paniguradong ikakampanya yan ni Heat. Yun pa, super supportive nun! Siyempre susuportahan ko rin siya.... Este lahat pala kaming CHASE-5, Tri-Dolls at si Isla.

"Oh sino may balak sumali sa inyo?" tanong ni Maze.

"Ikaw siguro Maze." Sagot ni Dash.

"Hindi ah! Baka ikaw diyan Dash!"

"No thanks!"

"Eh ikaw Heat? Balak mo ba magregister? Last year naman na natin ah?" tanong ulit ni Maze.

"Naku wag na! Kawawa naman ang iba kapag sumali ako. Sure win na agad." Sagot ni Heat. Tsk! Nagyabang na naman po.

"Ay grabe ang lakas ng hangin whooo! Tatangayin yata ako!" pang-aasar ni Maze. Loko talaga.

"Aray!" binatukan ni Heat si Maze.

"Parehas kayo ni Chill. Ganyan lagi ang pang-aasar sa akin. Magsama kayo!"

"Oy! Hindi pwede Heat! Magagalit si Edge sa akin... ay si Baby Yesh pala!" aba talagang nadamay ako ah?

"Oo nga naman Heat! Sayang effort ni Maze kay Yesh at baka mayari yan kay ehem ehem" sabay tingin sa akin ni Dash.

"Oh anong tingin yan? Nadadamay na naman ako sa kalokohan niyo ah." Loko tong si Dash ah!

"Peace yow Edge!!!! Hehehe" halata bang may gusto ako kay Chill? Wala pa naman akong sinasabi sa kanila ah?

"Ikaw Edge? May balak ka ba dun?" tanong naman ni Heat.

"Wala. Gaya nga ng sabi mo sure win ka na dun. Bakit pa ako sasali?"

"Parang gusto mong sumali ah!" pangungulit ni Heat.

"Hindi . Alam mo naman na ayaw ko sa ganyan."

"Sabi ko nga." –Heat

"Eh ikaw Vanz? Dali sali ka na!" – Maze

"Ewan ko sayo. =__=" – Vanz

Ano pa nga ba ang makukuha mong sagot sa isang ubod ng sungit at supladong Vanz? Tsk! Si Ohnica lang counterpart niyan.

"Tara! Nagtext si Isla sa akin. Nasa cafeteria na daw silang lima." – Dash

"Wow! Improving Dash! Katext mo na si Isla. I'm so proud of you bro! Di ka na torpe!!!" pang-aasar ni Maze na may kasama pang yakap at acting na akala mo ay nanay na proud sa achievement ng anak.

"Tigilan mo nga ako Maze. Makayakap eh! Pangit ng acting mo dude!" – Dash

"Hahahaha! Hindi bagay Maze! Tara na nga!" – Heat

Pretending My Identity [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon