Chapter 14 R-18

40.9K 545 43
                                    

Maya'tmaya ko pinupunasan ng basang towel si Bry dahil sa taas ng lagnat nito. Minsan pa ay umuungol ito na parang may sinasabi habang nakapikit. Nakita ko pa itong nanginginig at nilalamig kaya humiga ako sa tabi n'ya. Sumukob ako sa kaniyang comforter at pinaunan ko sa kaniya ang kaliwang braso ko. Niyakap ko ito nang mahigpit habang nakabalot kaming dalawa ng kaniyang comforter.

"Sshhh... You'll be fine. I won't leave you, promise," bulong ko habang yakap-yakap ko ito.

Unti-unting kumalma ang katawan nito, hindi na rin s'ya nabulong pa. Natigilan naman ako nang maramdaman ko ang mainit n'yang braso na yumakap sa katawan ko. Sinilip ko ang kan'yang mukha sa pag-aakalang gising ito, pero mahimbing pa rin itong natutulog. Napangiti na lamang ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kan'ya.

Nakatulog ako sa ganoong posisyon namin, ang magkayakap.

Nagising ako kinabukasan na maliwanag na. Sabi ko pa naman ay uuwi rin ako kagabi pero hindi rin nakauwi.

Kinapa ko kung may katabi pa ba ako pero wala na, bakante na ang tabi ko. Pagbangon ko ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Magaling na lang at may mouth wash dito, wala akong baon na toothbrush. Inayos ko lamang ang buhok ng aking kamay kaya medyo basa ito. Pagkatapos ay lumabas na rin ng kuwarto para sana umuwi na.

Paglabas ko pa lamang ay amoy na amoy ko na agad ang niluluto. Kaya siguro nawala ng maaga sa tabi ko si Bry ay dahil nagluluto na, kaya dumiretso ako sa kusina para magpaalam na uuwi na.

"Morning..." bati ko sa nakatalikod na babae.

Lumingon ito sa gawi ko at ngumiti, "Good morning, upo ka na. Luto na 'to," sabi pa nito.

"Ah. Uuwi na sana ako Bry," nag-aalangan kong paalam dito. Pinatay nito ang gasul at humarap na sa 'kin.

"Kumain ka muna, nagluto pa naman ako ng maaga."

Napabuntonghininga ako at wala nang nagawa pa kung hindi ang sumang-ayon.

"Okay..."

"Coffee?" she asked.

"Sure, thanks."

Matapos nito magtimpla ng kape at maghanda ng pagkain sa lamesa ay naupo na rin ito sa tapat ko. May fried rice, bacon, at tocino na nakahain sa lamesa. Inilagay pa nito ang kape sa tabi ng plato ko, at isang basong tubig.

Pakiramdam ko bagong kasal kami, at napakamaalaga n'yang asawa—what the fuck Izaac?! Ang layo nang narating ng imagination mo! F*ck you!

Pagkatapos namin kumain ay nagprisinta na akong maghugas  ng mga pinagkainan pero hindi na naman ito pumayag.

"Wait..." pigil ko rito bago pumunta sa lababo.

Lumapit ako sa gawi n'ya na ikinaatras naman nito.

Tss. Wala pa nga..

Kinapa ko ang kaniyang noo kung may lagnat pa ito, at naramdaman ko na may sinat pa ito. Magaling na lamang at hindi na mataas ang kaniyang lagnat.

Bumaba ang tingin ko sa mukha n'ya na nakatingin na rin pala sa 'kin. Sobrang lapit namin sa isa't-isa kaya naman naaamoy ko na naman siya. Nakatingala ito sa 'kin at seryosong nakatingin, gano'n din naman ako sa kan'ya habang nasa noo pa rin nito ang kamay ko.

"Mainit ka pa rin, uminom ka muna ng gamot mo. Ako na bahala sa mga hugasin," mahinang sabi ko dahil nga sobrang lapit namin.

Napakurapurap naman ito, "H-Ha? H-Hindi.. Ako na, kaya ko naman."

Womanizer Series #1 : Izaac Kurt Moscow [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon