Chapter 19

21.3K 380 16
                                    


"Pwede ka ba?" Tanong ko kay Lili. Nandito ako ngayon sa work place niya para tanongin kung pwede ba s'yang isama sa outing namin nina Crius.

Simula noong pinayagan niya akong i-date s'ya ay pinayagan na rin niya akong manligaw. At ngayon nga ay two weeks na akong nanliligaw.

"Saan?" Tanong nito pabalik. Pang morning shift s'ya ngayon kaya dinalhan ko ng lunch. Sa kotse ko na lamang s'ya nakain.

"May outing kami magkakaibigan bukas na tatagal ng three days. Pwede ka?" Tanong ko.

"Three days?!"

"Oo,"

"May trabaho ako Kurt..."

"Magpaalam ka, three days lang naman. Lahat kasi sila may kasamang partner. Tapos ako lang wala kung hindi ka sasama." Pagpapaawa ko rito na sana naman ay tumalab.

"Kurt..." Bumuntong hininga ito. "Alam mong hindi ako pwedeng lumiban ng matagal, 'di ba?" Nalungkot naman ako sa katotohang iyon.

"Okay..." Malungkot kong sagot sabay yuko.

"Kurt...."

"Okay lang... Naiintindihan ko naman..." Pilit kong pinapakita na okay lang talaga kahit na nalulungkot talaga ako.

Bumuntong hininga na naman ito habang nakatingin sa'kin. Sa isip-isip ko ay sana mag bago pa ang isip niya. Gusto ko sanang sabihin na kaya ko namang bayaran ang araw niya, pero ayoko namang ma-offend ito. Baka maging iba pa ang dating sa kanya.

"Susunod na lang siguro ako, okay lang ba?"

"Kelan?"

"Hmm. Siguro mga pa two days n'yo, para isang araw lang absent ko. Okay na ba 'yon?" Kahit papaano ay nabawi nito ang lungkot ko.

"Sure?"

"Oo naman, may isang salita ako."

"Sige! Hintayin kita. O kaya kaunin na lang kita?"

"H'wag na... Hintayin mo na lang ako," sagot nito.

"Sige na nga. Baka magbago pa isip mo. Basta hintayin kita ha?"

"Oo na, sige na. Tapos na lunch time ko. Papasok na ako."

"Sige, sunduin na lang kita mamaya."

"Okay, ikaw bahala. Ingat ka!" Sabi pa nito bago bumaba ng sasakyan ko.

"Opo!" Nakangiti kong sagot. Kumaway lamang ito bago umalis. Hinintay ko lamang s'ya na makapasok sa loob bago ako umalis.

Ibinalita ko naman ito sa mga kaibigan ko dahil gustong-gusto na nilang makilala si Lili. Ang pangalawang babae raw na bumihag sa malandi kong sundalo. Mga sira ulo!

Mabilis lamang lumipas ang araw, at ngayon nga ay nasa Laguna na kami. May mga kasama silang chicks lahat, habang ako ay wala dahil bukas pa raw si Lili. Kaya panay ang painggit sa'kin ng mga sira ulo kong kaibigan.

"Baby dito ka nga sa'kin, ayoko ng nawawala ka sa paningin ko. Malungkot ang mag-isa...." Pagpaparinig ni Rio sa'kin habang yakap-yakap ang kanyang chicks.

Nakaupo ako sa bato habang nakalubog ang paa sa tubig. Sinamaan ko naman ito nang tingin.

"Oo nga, ang boring kaya ng walang kasama. Tapos yung iniisip mo, may kasama pa lang iba. Tss." Isa pa itong si Gavriel na ito, sarap pag-untugin ng dalawa!

"Tigilan n'yo kong dalawa ha! Baka lunurin ko kayo riyan sa waterfalls na 'yan sa likod n'yo!" Humalakhak naman ng sobrang lakas ang dalawa na lalong nagpainis sa'kin!

Tumayo na lamang ako at bumalik sa inupahan naming kubo. May mga inupahan na rin kaming kwarto na magkakatabi lamang. Tapos sa isang malaking kubo naman para sa pagtambay habang naliligo.

May malaking sapa ang resort na ito na may waterfalls. Pero meron din naman silang swimming pool na may mataas na slides para sa mga gusto naman ng pool. Maganda at napakalaki ng lugar na ito, kilalang kilala ito dahil sa ganda at linis. Maraming dayuhan din ang nag babakasyon.

"Oh? Bakit paga na naman mukha mo?" Tanong ni Cassian na nag-iihaw ng hotdog at karne sa tabi ng kubo.

"Malamang sina Rio at Gavriel na naman 'yan!" Natatawang saad ni Crius.

"Tss! Sino pa ba? Lakas mang-asar ng mga hayop!" Inis kong sabi at naupo sa loob ng kubo.

"Hindi ka pa nasanay!" Ani Cassian.

Hindi na lamang ako nagsalita at pinanood na lamang ang mga tao na naliligo at ang iba naman ay mga naglalaro.

Napatingin naman ako sa malaking pool. Marami rin ang naliligo rito, busog na busog ang mga mata ko sa mga sexy! Tss.

Nagkakasala na naman ako! Kasalanan 'to ng mga naka bikini na ito!

Natigilan ako sa isang bulto mula sa malayo. Nakatalikod ito sa gawi ko, minsan ay nakikita ko ang sideview profile niya. Naka red two-piece bikini at mahaba ang buhok. Tinitigan ko itong mabuti, maya-maya pa ay napatayo na ako sa kinauupuan ko.

"Saan punta mo?" Tanong ni Crius nang lumabas ako ng kubo.

"May titignan lang ako saglit, babalik ako agad." Sagot ko at iniwan na sila roon.

"Hinay-hinay sa pang chi-chiks!" Rinig ko pang sigaw ni Cassian.

Mabilis akong naglakad papunta sa pool area kung saan ko s'ya nakita kanina. Pero wala na ito, wala na s'ya kung nasaan ko s'ya nakita.

"S'ya 'yon! Nandito s'ya..." Sabi ko sa sarili habang nag palinga-linga sa paligid. "Sigurado akong s'ya 'yon, pero nasaan na s'ya?"

Naglakad ako nang naglakad sa paligid ng pool, nag babakasakaling makikita s'ya. Siguradong hindi pa 'yon nakakalayo.

Pero bigo akong makita siya, ni anino niya ay hindi ko na makita.

Siya ba talaga 'yon? O nagmamalik mata lamang ako? Pero.... Siya talaga e!

"Makikita pa kita kung nandito ka lang din sa resort na 'to.... Magkikita at magkikita tayo..." Sabi ko sa sarili.

Alam kong malaki ang lugar na ito at maraming tao. Pero, hindi imposible na makita ko s'ya ulit. Hindi ko man siya nakita ng malapitan, hindi ko man nakita ng buo ang kanyang mukha, alam ko at sigurado ako na siya 'yon.

Pero... Paano kung siya nga 'yon? Anong gagawin mo Kurt? Anong plano mong gawin kung nasiguro mo na nandito nga siya? Bakit kailangan mo s'yang makita?

Bakit nga ba? Para saan pa?

Hindi ko rin alam pero biglang gusto ko s'yang makita... Pero, handa na ba akong makita s'ya ulit matapos niya akong iwan? Gusto niya pa ba akong makita e iniwan nga niya ako. Tss.

Dapat galit ako sa kanya dahil sa pang-iiwan niya sa'kin. Pero, naisip ko rin na anong karapatan kong magalit?

Dapat ko bang ikagalit na ayaw niya sa'kin?

Dapat ko bang ikagalit ang paglayo niya dahil lang ayaw niya sa'kin?

Dapat ko bang ikagalit na hindi niya ako kayang mahalin gaya ng gusto ko?



Masasagot lang lahat ng katanungan ko kung makikita kita ulit....


Bry....

__________________

Womanizer Series #1 : Izaac Kurt Moscow [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon