Chapter 16

25K 466 71
                                    

I started pursuing her without actually telling that I'll court her. Giving her flowers, buy her foods, and pinilit ko ikalma ang sundalo ko. But, Bry always rejected the flowers. Bakit daw hindi manlang ako bumili ng mabangong bulaklak?! Like, what the hell?! Mabango at mamahalin naman 'yong bulaklak pero ayaw n'ya. Ganito ba kaarte ang mga babae pagdating sa bulaklak?!

So, nakaisip ako ng bulaklak na alam kong mahalimuyak talaga.

"What the f*ck Izaac?!" bulyaw nito pagkaabot ko ng flowers sa kanya sa office.

"What? Flowers for you Bry ko," pinakitaan ko s'ya nang napakatamis kong ngiti.

"P*t*ngina!"

"Hey! Bakit galit na galit ka na naman?! Ang crispy no'n ha!"

"Sinong hindi ha?! T*ng*na naman Izaac! Sto. Niño ba ako?!" galit na galit na tanong nito.

"Ha? Bakit?"

Ibinato nito sa mukha ko ang bulaklak na dala ko para sa kaniya. Pinukol ako nito ng masamang tingin.

"Gago ka ba?! Bibigyan mo ako ng napakaraming sampaguita?! Ano ako? Poon ng opisina na 'to?! Sira ulo ka!"

"Ouch! Ano ba? Stop that!" pinaghahampas ako nito sa inis na hindi ko maintindihan.

"Kahit kailan ka talagang lalaki ka! Dalhin mo ang sampaguita na 'yan at ibenta mo sa labas! G*go!" tinalikuran ako nito at tumungo sa banyo.

"Anong mali sa sampaguita? Ito na 'yong pinakamabango ah? Ayaw pa rin n'ya? Tss."

Napabuntonghininga naman ako at dinampot ang mga sampaguita na nasira na ang iba. Sayang naman, kahit mura lang 'to, mabango naman at maganda. Binili ko ro'n sa bata, nang malaman ko na mura lang, binili ko na lahat. Tapos... Tss.

Dahil do'n ay maghapon akong hindi pinapansin ni Bry. Hindi ako sinabayan kumain, at palagi akong iniirapan.

"What's wrong with the girls? Laging may toyo... Ang hirap espelingin!" reklamo ko sa loob ng aking sasakyan. Umalis na naman kasi si Bry na hindi pa rin ako pinapansin.

Ganito ba kahirap manligaw? Ganito ba kahirap suyuin ang mga babae? F*ck! Tatagal ba ako?!

But I want her, I love her...

"Dude, bakit gano'n ang mga babae? Ang aarte!"

Nagtataka naman nila akong tinignan, pinapunta ko sila rito sa condo ko para makapag-rant.

"What do you mean? E sadya naman maaarte ang mga babae," natatawang saad ni Rio habang naiiling pa.

Bumuntonghininga ako, "Everytime I gave her flowers, she rejected it. And earlier, she got really mad!"

"Really? Why? What flowers you gave made her mad?" Cassian asked.

"Sampaguita,"

Ang kanilang mga iniinom ay nagbugahan sa mukha ko!

"What the f*ck mga dude?! Kadiri kayo!" nagtatakbo ako sa banyo at naghilamos, rinig ko pa rin ang kanilang mga pag-ubo. Pagbalik ko ay tinatawanan na ako ng mga ito. "What?" I asked them.

"Dude, nanliligaw ka 'di ba?" tanong sa 'kin ni Gavriel.

"Oo, bakit?"

"E bakit sampaguita?" natatawang tanong ni Rio.

Womanizer Series #1 : Izaac Kurt Moscow [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon