Chapter 18

23.4K 403 21
                                    


Akala ko hanggang doon na lamang ako, akala ko hindi ko na magagawa ulit ang mahulog sa iba. Pero... Someone caught my attention...

She's younger than me, I'm twenty seven and she's just twenty two. Nakita ko s'ya sa isang fast food chain. Sa tuwing magda-drive thru ako ay s'ya ang duty. Hanggang sa masaulo ko na ang oras ng duty niya sa drive thru, roon lamang ako oorder para lamang makita s'ya.

Lilliana Kinley Lee...

"Good evening sir," bati nito.

"Good evening..." Nakangiti kong bati pabalik.

"Your order sir?"

"Lili..."

"Po? Wala po kami no'n sir."

"Can I order you instead?" natigilan naman ito sa aking tanong.

"Sir, gabing-gabi nanghaharot ka na naman. Order ka na... Gutom lang 'yan!" Sagot nito.

Sa ilang linggo kong pagpunta rito sa tuwing duty s'ya, palagi ko talaga s'yang hinaharot. Pero, palagi niya rin akong binabara. Na ikinatutuwa ko dahil sa gano'n kami nagkakausap.

"Hmm...Gusto ko kasi kapag umorder ako, kasama ka sa menu." Mabuti na lamang at wala pa akong kasunod.

"Sir, sa bar ka po magpunta. Puwede ka mag-take out do'n."

"Ayoko kasi ng gano'ng klase ng babae, and please...'wag mo sana masamain ang sinasabi ko." Pagpapaalala ko, dahil baka isipin nito ay 'yong mga ginagawa ng mga lalaki sa mga babae sa bar.

"Bakit? Hindi po ba?" Napabuntonghininga naman ako.

"No, I just want to ask you out... A date..." Tinitigan ako nito nang matagal.

"Hindi po ba nasabi ko na sa inyo? Wala po akong time sa landian..."

"It's not landian..." Natawa ito sa naging sagot ko. Gustong gusto ko kapag tumatawa s'ya dahil sumisingkit lalo ang kaniyang mga mata.

"Anong tawag mo sa ginagawa mo? Harot?" Natatawang tanong nito. Kinagat ko naman ang pang ibabang labi ko para mapigilan ang mangiti.

Ang ganda talaga niya...

"No, it's not harot too... I'm serious."

"Hindi naman halata... Patingin nga ng seryoso?"

Sumeryoso ako para mapatunayan 'yon sa kaniya.

"Can I ask you a date?" Seryosong tanong ko rito.

"Pag-iisipan ko sir."

"Gaano mo katagal pag-iisipan?"

"Hanggang matapos ang duty ko sir,"

"Okay! I'll wait!"

"H-Ha? Hanggang mamaya pa ako!"

"I don't care!"

"Tss! Bahala ka! Maiinip ka rin!"

"No," sagot ko naman at umorder ng pagkain para may kainin ako habang naghihintay.

Ipinarada ko lamang ang aking sasakyan sa parking area at binuksan ang radio. Nine pm pa lang, hanggang eleven pa s'ya duty. Akala siguro niya hindi ko kayang maghintay. Tss.

Womanizer Series #1 : Izaac Kurt Moscow [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon