Umuwi ako na hindi na muli pa nakausap si Bry. Umuwi ako na hinahanap siya pero hindi na muli ito nagpakita pa.
Nang nasa biyahe pa lang ay tinawagan ko na ang mga kaibigan ko para yayain mag-inom. Kaya doon ako dumiretso sa bar ni Cassian dahil doon nila ako hihintayin.
Simula rin nang araw na 'yon ay hindi ko na muna kinontak pa si Lili dahil magulo pa ang isip ko. Iniisip ko rin kung itutuloy ko pa ba ang panliligaw dito gayong napatunayan kong mahal ko pa rin si Bry. Kahit pa sabihin na wala kaming pag-asa ni Bry, ayoko naman maging unfair kay Lili.
Wala akong kagana-gana simula nang umalis ako sa resort na 'yon. Malinaw naman na ayaw niyang sumugal para sa 'kin. Malinaw naman na kaya niyang magsakripisyo para sa kapatid niya.
"What happened? Mukha kang nalugi sa business ah!" Rio said.
Walang gana akong umupo sa couch at kumuha ng alak. Lahat sila ay nakatingin lamang sa 'kin. Pagkatapos ko tumungga sa alak ay napasandal ako sa couch at tinignan isa-isa ang mga kaibigan ko.
Mabuti pa sila, walang pinoproblema sa buhay. Tss. Sana all!
"We're over..."
"Matagal na naman 'di ba?" saad ni Gavriel kaya sinamaan ko siya nang tingin.
"G*go! Hindi nga naging sila! Harot harot lang daw kasi 'yon." Sabi naman ni Rio at nag apir pa ang dalawa.
"T*ng*na n'yo 3x a day!" lalo akong tinawanan ng dalawa.
"So, amnesia nga?" tanong ni Cassian.
"Yeah, for almost three years..." I answered.
"Naalala kana ba ulit?"
"Yeah,"
"Paano dude?" Rio asked. Nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko pa ang dalawang ito e. Hindi naman nakakatulong.
"Oo nga, anong ginawa mo para maalala ka?" tanong ni Cassian.
Huminga muna ako ng malalim at inihanda na ang sarili para sa maririnig sa mga kaibigan ko.
"We had s*x," sagot ko sabay tungga sa bote ng alak.
"P*t*ngina!" napamura si Rio.
"Ang lupit talaga!" ani Gavriel.
"Grabe! Pinaka-bright na bang idea mo 'yon dude?" tanong naman ni Cassian.
"Ang bright kaya! Idol talaga!" natatawang saad ni Rio kaya nakatanggap ito ng batok kay Cassian.
"You cheated on Lili?" seryosong tanong ni Crius.
"How? We're not in a relationship."
"Just because you two are not yet together doesn't mean you can do anything behind her back. When you asked her to court her, that's the sign that you gave her the rights for you. And what you did with your ex fling is cheating, Kurt."
Natigilan naman ang lahat dahil sa seryosong seryosong si Crius. Kung magsalita ito ay parang may pinagdadaanan. Pero tama naman siya.
"I am disagree!" matapang na sabi ni Rio at tumayo pa ito. Lahat kami ay napatingala sa kaniya.
"And why is that?" Crius asked him.
"Because I believe that having s*x with your ex is not cheating, it's called throwback." Mayabang nitong sabi at proud na proud pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/289833331-288-k57817.jpg)
BINABASA MO ANG
Womanizer Series #1 : Izaac Kurt Moscow [Complete]
RomanceW A R N I N G🔞 (This story is not suitable for young readers!) Izaac Kurt Moscow, the CEO of Moscow Company. His parent company and turn over to him. He didn't want the idea of working for their company, but he can't say no to his parents. He's a...