Akala ko magpapahinga lang s'ya ng ilang araw, akala ko babalik din s'ya dahil sa trabaho. Pero, nagkamali ako, dahil hindi na muli s'ya nagpakita. Unang beses kong sinubukan magseryoso, ang pumasok sa seryosong relasyon pero bigo agad."Kurt, anong ginawa mo kay Brylin?" My mom asked me.
"Po? Wala mom, anong gagawin ko sa kaniya?" Kung alam n'yo lang, nagawa ko na matagal na ang gusto kong gawin sa kaniya. Ayon nga at nilayasan ako e.
"Then, why she didn't show up again? Did she send you a resignation letter?" nag-isip ako ng puwedeng idahilan habang hindi pa ako nakakagawa ng pekeng resignation letter.
"Ahm... Mom, I think she's sick. Don't worry, I'll talk to her later or tomorrow."
"Make sure Kurt, kapag nalaman ko na may ginawa ka sa secretary mo..." Pambabanta nito habang nakaturo pa sa 'kin. Napapalunok naman ako habang nakatingin sa gawi n'ya.
"Y-Yes Mommy..."
Napabuga na lamang ako ng hangin pagkalabas ni Mommy sa office ko.
"Where are you, Bry? Are you okay? Are you safe?" Mahinang tanong ko na tila kausap s'ya habang nakatingin sa table n'ya.
Mula nang araw na 'yon, hindi ko na rin siya makontak. Wala na rin s'ya sa condo n'ya.
"Gano'n ba kalaki ang galit mo sa 'kin? Gano'n mo ba ako kaayaw sa akin para mawala ng parang bula?" Puno ng lungkot kong tanong.
Hindi ko maintindihan, bakit kailangan n'yang umalis. Dahil ba alam n'yang kukulitin ko s'ya na maging girlfriend ko? Tss.
Bakit ba ayaw niya?! Sa guwapo kong ito?! Inayawan n'ya talaga?
Nang mag-lunch na ay lumabas na ako ng company. Araw-araw ko s'yang hinahanap kahit na alam kong hindi ko s'ya makikita. Dahil ang taong ayaw naman talaga magpakita, kahit pa hanapin mo nang hanapin ay hindi mo talaga makikita.
Miss ko na s'ya...
Habang nagmamaneho ay tinawagan ko si Crius. Sa kan'ya kasi ako nagpapatulong para mahanap si Bry.
"Dude, may balita na ba?" Tanong ko agad.
[Pasensya na dude, wala pa rin e. Tanging cctv lamang ng condo ang meron tayo.]
"Gano'n ba, sige. Balitaan mo agad ako kapag may nakuha kang lead kung nasaan s'ya."
[Okay. Sige dude.]
Si Crius ang naghahanap ng CCTV na puwedeng makita si Bry nang gabing umalis ito. Pero gaya ng sabi n'ya, condo lamang ang nakapagbigay. Karamihan daw kasi ng mga CCTV sa mga barangay na madadaanan ay sira.
Ayoko sana mawalan ng pag-asa, kaya lang, wala naman na akong magagawa. Gano'n siguro talaga kapag ayaw sa'yo ng tao, tataguan ka na lang. Masakit lang na kung kailan nakita ko na ang babaeng ihaharap ko sa altar, ay saka pa ito nawala sa 'kin.
Dumiretso ako sa condo n'ya, nagbabaka sakaling babalik s'ya. Araw-araw ganito ang ginagawa ko, naghihintay sa tapat ng kaniyang unit.
Hanggang sa mapagod na ako maghintay, napagod na akong maghanap.
Darating din pala tayo sa puntong mapapagod tayo, kahit pa sabihing mahal natin 'yong tao. Kapag hindi ka nila na aappreciate, kapag pinaramdam nila sa 'yo na balewala ka, mapapagod ka na lang. Bibitiw ka na lang, dahil wala ka namang ibang choice kung hindi ang bumitiw na lang.
BINABASA MO ANG
Womanizer Series #1 : Izaac Kurt Moscow [Complete]
RomanceW A R N I N G🔞 (This story is not suitable for young readers!) Izaac Kurt Moscow, the CEO of Moscow Company. His parent company and turn over to him. He didn't want the idea of working for their company, but he can't say no to his parents. He's a...