Chapter 6: Love?

24 2 4
                                    

[Chloe's POV]

B-bakit nandito si papa?

"Subukan mong ilapat ang palad mo sa mukha ng anak ko, makikita mo ang hinahanap mo," pagtatanggol ni papa sa'kin.

Woah! I didn't expect that! But how?

"'Pa, p-paano ka napunta dito?" tanong ko bigla.

Nakita kong napasinghap lang ng hangin si Shin Lee at tinarayan ako bago umalis. Napuno tuloy siya ng kahihiyan ngayon.

Pero hindi ko kakalimutan 'yung itim na hamog.

Naniningkit tuloy ang mata ko habang tinatanaw si Shin Lee na para bang inosente kung maglakad.

Atsaka lang ako napapitlag ng makitang seryoso ang mukha ni papa.

Lagot na. Bumalik na ba siya sa pagiging masungit?

"Hindi mo ba kaya ang sarili mo? Hahayaan mo na bang may manakit sa'yo? Paano kung hindi ako dumating?" sabi ni papa na ikinatigil ko.

Sabagay, buong buhay ko ay naging mahina ako, kaya naman mas pinili ko magpaka-emo para lang hindi ako lapitan ng ibang tao, hindi ko rin magawang sabihin kay papa ang kakayahang ito, kasi... Kasi alam kong wala lang din syang magagawa.

"Hayaan mo, sasabihan ko ang adviser nyo tungkol dito."

"By the way kaya ako naririto dahil dito ko ililipat ang kuya mo." Really? My step brother? I dont think its a nice idea?

Kilala ko ang step brother ko na iyon.

Killua Gaileo, hindi parin binabago ang apilyido nya pero soon alam kong mangyayari 'yon.

"Actually andito na sya, but why are you here? Nagkaklase na sa loob 'diba?" usisa ni papa.

"Nag test po kasi—" hindi ko na natapos dahil biglang bumukas ang pinto sa classroom ko at lumabas mula doon si ma'am Lucia.

"Kanina pa kita inaantay, andyan kalang pala miss Espinoza... Oh Mr. Espinoza, I'm glad your here, come in," pagbati ni ma'am.

Wow! so kinalimutan na nya yung punishment at gano'n-gano'n na lang 'yon? Pero I think worth it naman dahil nagkaroon ako ng clue about sa hinahanap namin.

"Class please greet our visitor, and your new classmate," ma awtoridad na utos ni ma'am na sinabayan ng pagtayo at pagbati ng mga classmates ko.

Ano kayang ginawa ng mga 'to at parang may mga amnesia sila? Nakalimutan ba nila na nag test kami?

Pansin ko kasi na ang ayos ng mga upo nila. Parang may kakaiba.

Naunang pumasok si papa at sumunod naman ako.

"Huh si Chloe yung new student?"
"Akala ko ba new student bakit si Chloe yung pumasok,"
"Ano ba 'yan akala ko kung ano na,"

Kung ano-anong bulungan ang narinig ko. Marahang natawa si ma'am sa mga pinagsasabi nila.

"Well, um your all wrong, wait...oh his here. Mr. Killua Gaileo...your new classmate." Palakpakan na may halong hiyawan ang nanaig ng sabihin iyon ni ma'am. 'Yong totoo?

Atsaka bigla bigla nalang sumusulpot si kuya sa likod ko.

"Hey, miss me li'l sis?" bungad ba naman nya sa'kin.

"Himala at nag transfer ka dito?" sabi ko pero hindi na siya sumagot. Pumasok na kasi sya sa loob at mukhang magpapakilala.

"Omg kyahh! Ang pogi!!" sigaw ni Kim.

Okay alam ko na ang kahihinatnan ng lahat, magkakagusto si Kim sa step brother ko.

Teka. Sasabihin ko kaya sa kanila na step brother ko sya? Feeling ko malaking gulo ang papasukin ko kung gagawin ko ang bagay na 'yon.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now