PROLOGUE

75 3 0
                                    

Sinasabing totoong nag e-exist ang mga kakaibang tao.

Marami sa kanila ngayon gumagawa ng mabuti para masugpo ang kasamaan. How irony.

Sa pagkakataong tumapak ako sa paaralang 'to, nagbago na ang lahat. Marami na akong kinakaharap na problema at gulo. Maraming tanong na gumugulo sa isipan ko. Kung sino at ano nga ba ako?

Naniniwala ba kayo sa mga powers?

Ang totoo hindi rin ako naniniwala dati.

Pero ngayong nakaharap ako sa salamin kasama ang repleksyon ko. Alam ko sa sarili kong iba ako sa mga normal na tao.

Marami narin akong napagdaanan. Na kidnapped ako, na bully, nasagasaan, nasabugan ng bomba nung bata pa, nalunod sa lawa at higit sa lahat...

Sumakay ako no'n sa isang bus. Umuulan no'n kaya naman nag desisyon akong mag commute.

Isang ale ang katabi ko sa bus, karga nya yung baby na pawang nakangiti sa'kin habang subo-subo ang daliri sa bibig.

"Mukhang gusto ka nya," sabi bigla ng ale ng mapansing ngumingiti pabalik sa'kin ang anak nya.

Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi ng bata.

"Ang ganda po nya," sabi ko sabay kurot sa pisngi ng bata, pero hindi naman malakas.

Habang umaandar yung bus ay masaya akong nakikipag kwentuhan sa ale.

Marami syang pangarap sa baby nya, marami syang damit na gustong ipasuot dito. Pero lahat ng ngiti napawi ng biglang magkagulo sa loob ng bus. Puro sigawan at panic ang nararamdaman ko.

"Walang preno!" sigaw nila.

Napahawak yung ale sa pala-pulsuhan ko. Ramdam ko ang kaba nya.

"M-miss, pwedeng paki hawak yung anak ko, h-hindi ako makahinga," sabi ng ale na katabi ko.

Nagulat ako sa nangyari kaya naman kinuha ko sa kaniya yung baby samantalang dali-dali siyang kumuha ng inhaler sa bitbit nyang bag.

Maya-maya pa'y biglang tumilapon yung bus. Nararamdaman ko ang paibabang impact hanggang sa namalayan ko nalang na naka taob na kami. Muntik pa 'ko mawalan ng balanse, mabuti nalang at mahigpit kong nahahawakan yung bata. Noong una, nagtataka ako kasi wala akong nararamdaman.

Sinubukan kong tumayo hawak-hawak parin yung baby. Puro dugo, walang malay at sugatan.

Yung iba sa pasahero ay hindi na nakayanan at namatay. Lalo na yung driver ng bus, sugatan ang parte ng ulo.

Nakakarinig ako ng tunog ng ambulansya mula sa labas kaya naman nagdesisyon akong lumabas.

Bago ako nakipagsiksikan sa mga patay na katawan ay lumingon ako sa ale. Duguan ang noo nito. Nanginginig kong tinignan yung baby at halos mabitawan ko ito ng makitang hindi na ito humihinga.

Namumutla yung bata, naninigas at hindi na gumagalaw. Parang may kung anong nangyari.

Nagtutubig ang mata ko. Namumula ako sa inis, kung bakit nga naman kasi namatay yung bata, alam kong kasalanan ko eh.

Tinabi ko yung walang muwang na bata sa kaniyang ina. Iniwan ko silang hindi ako matigil sa pag iyak. Wala akong sugat o galos. Pero sana may nagawa naman sana ako para iligtas sila.

Hindi ako bayani pero naaalala ko sa sarili ko na espesyal akong bata at sa puntong maiintindihan ko 'yon, alam ko na sa sarili ko kung anong sunod kong gagawin.

Lumabas ako sa bus na parang walang nangyari. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao dahil isang himala ang makitang ako lang ang buhay sa isang aksidente.

'Yon yung unang beses na lumabas ang kakayahan ko. At masasabi kong 'yon din ang huling beses na naging normal akong tao. Simula ng mangyari 'yon nagbago ako.

Naging iba na ako sa paraang hindi ko alam.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now