Chapter 11: She

15 2 5
                                    

[Chloe's POV]

"My name is Eloisa. Eloisa Solomon."

"Okay you may take your seat right over there," sabi ni ma'am sabay turo sa seat na katabi ni Jay.

"Okay po," mahinhin na sagot ni Eloisa.

"Come here baby!" hiyaw ni Jay.

Tiniganan naman namin si Jay ng napakatalim.

"Joke lang guys Haha, sorry loi," pagbawi ni Jay.

What? Loi? Is that a nickname? Well okay narin. Short for Eloisa.

"Okay so as I was said, find the x in these equation." Nawala ang ngiti namin ng sabihin iyon ni ma'am, as in wala sa'ming nakangiti, pati ang inaasahan naming top 1 sa klase ay...wala.. Hindi pumasok si Zian, and I don't know why?

"Okay never mind that question, sino pala yung sasali sa field trip? Kailangan na nating maasikaso iyon, I mean wala namang dapat ipag-asikaso pero I'm sure na walang hindi sasama hindi ba?" tanong ni ma'am.

Malungkot na mukha ang nakikita ko kila Kim, Marjo at Jamel.

"Sasama ka ba, Chloe?" And yes kinakausap nanaman ako ni ma'am gamit ang isip.

Umiling nalang ako bilang sagot. Wala narin naman akong magagawa.

"Enjoy nalang kayo sa field trip nyo, huwag nyo na akong isipin," bulong ko kay Kim. Dismayado tuloy siyang humarap sakin.

"Hindi kami masaya kapag hindi tayo kompleto," sagot ni Kim.

"Okay I'll leave you a time to talk about your decisions," sabi ni ma'am at nagpaalam na umalis dahil may aasikasuhin pa daw sya. Bumait ata si ma'am ngayon.

"Guys, ano? Sasama ba kayo?" tanong ni Jay sabay akbay kay Eloisa.

Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to e.

"Um kung pwede huwag mo akong hawakan." Ramdam kong nandidiri na si Eloisa sa kaniya.

"Nako girl, huwag ka lalapit jan sa lalaking 'yan, bastos yan!" giit ni Kim sabay hawak sa braso ni Eloisa.

Luh mga 'to, feeling close?

"Grabe ka naman!" sigaw ni Jay.

"So sasama ba kayo?" tanong ni Shin Lee.

Ewan ko pero katagalan unti unti kong narerealize na mabait naman pala siya although napaka arte.

"Ako sasama ako." Nilalakasan pa ni kuya yung sinabi nya.

Hindi nya ako maiinggit. Bahala syang sumama. Tignan ko lang kung papayagan talaga sya ni papa.

***

"Yes."

Halos mabilaukan ako ng sabihin iyon ni papa. Nagpaalam kasi si kuya tapos...

Tapos nag yes lang sya, how about me naman 'diba?

"Pa ako rin!" Nang sabihin ko 'yon ay sumeryoso ang mukha niya. So his answer is no, I knew it.

"Bakit naman hindi?" sagot ni papa habang seryoso paring nakatingin sa'kin.

Okay alam kong 'no' ang isasagot nya...

Wait did I heard it right? Once in a lifetime akong isasama ni papa sa isang field trip! 

Ohh, something is happening here, hindi namam sa ayoko pero nakaka-panghinala kasi, sa mga ikinikilos nya. Pakiramdam ko may nag iba, hindi ganito si papa. Epekto parin ba 'to no'ng sa hangin?

Kung nagtatanong din kayo kung ano 'yung favor na hiningi ko kay kuya no'ng nakaraang araw, malalaman nyo sa field trip, actually hindi ko inexpect na papayagan ako pero, bakit hindi ko gamitin ang pagkakataong iyon? Hndi ba?

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now