Chapter 13: He

11 2 14
                                    

[Chloe's POV]

"At sa panaginip ko. . ."

"Hinalikan mo 'ko?" pagtuloy ko na ikinanlaki niya ng mata.

"What the f—"

"May mga weird kang sinabi sa'kin, Zian. Kahit panaginip 'yon, naaalala ko pa din."

"W-wala akong maalala. Pakiramdam ko kasi panaginip lahat 'yon," sabi pa niya.

"Hoy hala shemss! Ano ginagawa niyo dito?!" Nagulantang kami ni Zian ng marinig namin ang pamilyar na hyper mode ni Kim.

Humarap kami sa kaniya kaso natulala kami ng mapansing naka waiter attire siya.

"Lakas maka low budget niyan ah! Sa'n cosplay mo 'te?" sabi ko kaso inirapan niya lang ako ng kaunti.

"Shunga. Part time job ko 'to. Kaya nga ako absent kanina 'diba? Kailangan ko din kasi ng pera para sa field trip ko. Marami kaya akong gagastusin do'n!" giit niya sabay pout.

"Ay tutal andito na kayo, pasok kayo sa restaurant! Ang chika dito, ngayon darating si boss. Correction. . . ka edad ko 'yung boss! Hindi ko alam pa'no nangyari 'yon pero kyahh!" Nakakarindi si Kim ah. Pigilan nyo 'ko!

"Omg, omg! And'yan na siya!" Mabilis akong hinawakan ni Kim sa braso at niyugyog ng malakas. Dinamay pa 'ko sa kalandian niya.

Huminto sa harap namin ang isang kotse at inuluwa no'n si. . . Ryan?!

Ginagawa ng loko na 'to dito?!

"Yow mga men!" sigaw ni Ryan.

What's happening?

"Andito na 'ko guys!" sigaw ni Ryan na ngayon ay nag fefeeling boss.

"Hoy Ryan hindi ka anak ng boss 'wag kang ano jan!" pagbabanta pa ni Kim pero natigilan kami ng may bumaba pa sa sasakyan.

"Ayan girl! S'ya talaga 'yung anak ng boss ko!" Halos mamatay na ata si Kim.

Isang lalaki ang bumaba at lumapit sa'min, maayos ang pananamit at naka suot ng salamin, hindi makakaila na nanggaling sya sa mayamang pamilya.

"Yow brother!" sigaw ni Ryan at mabilis na inakbayan 'yung lalaki.

May kapatid si Ryan? Bakit hindi ko alam?

"Mga men ito pala si Herbert. My one and only brother!" masiglang hiyaw ni Ryan.

Herbert, huh?

"Magandang umaga po sir," pagbati ni Kim pero hindi sya pinansin ni Herbert.

Tsk.

"Um, una na 'ko."

Akamang aalis na ako pero pinigilan ako ni Herbert.

Now what?

"Chloe right?" sabi niya at akmang ilalahad ang palad nya sa'kin pero mabilis na humarang si Zian.

Problema ng mga 'to?

"Tara Chloe alis na tayo." Hinila ako ni Zian papalayo sa lugar na iyon. "Ihahatid na kita pauwi."

Marahan akong sumilip sa kinaroroonan nila Kim. Medyo nakalayo na kasi kami ni Zian.

Nakikita kong pumasok na si Kim at Ryan sa loob pero nakikita kong nakatayo si Herbert sa labas, kumaway siya sa'kin.

Anong nakain no'n? First time palang namin magkita ah! Tapos gano'n agad?

Habang naglalakad iniisip ko parin si Herbert.

Paano niya kaya ako nakilala?

"Andito na tayo, good night," sabi ni Zian ng mapansing nasa tapat na kami ng bahay.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now