EPILOGUE

23 1 0
                                    

[Chloe's POV]

Marahan kong iminulat ang mga mata ko.

Dinarama ang paligid.

B-buhay ako? Iniangat ko ang ulo ko para makita sila Marjo at ng nakararami pero mabilis ko rin itong ibinaba ng may naramdaman akong sakit.

Ngayong wala na akong kakayahan paano na?

"Ngayon ano ng balak mo?" narinig kong nagsalita si tito Zaman mula sa 'di kalayuan.

Nag uusap sila ni Miss Chloe.

Agad akong nagpanggap na walang malay at taimtim na nakikinig sa kanila.

"Hindi ko pa alam ang gagawin ko sa nefarious na 'to," si Miss Chloe.

"Itutuloy ba natin ang plano?" si tito naman ang nagsalita.

Nakita kong tumango si Miss Chloe bilang sagot.

Anong pina-plano nila?

Kahit masakit ay pilit akong tumayo at matalim na tumingin sa kanila.

"Pa'nong!" sigaw ni tito dahilan para mapatingin sa'kin si Miss Chloe.

"Chloe Espinoza, hindi ko 'to inaasahan! Dapat patay ka na!" Nagsalita si Miss Chloe at marahang ngumiti na para bang kampante siya dahil sa alam niyang wala akong kakayahan.

"Anong pakirandam maging isang normal na tao?"

Nanatili lang akong nakatayo 'di-kalayuan sa kanila.

"A-ano ba talaga ang gusto niyo? Nakuha niyo na ang kakayahan ko!" sawakas ay nagawa kong magsalita.

"Ang gusto namin? Hmm ano nga ba ang gusto natin?" tanong ni Miss Chloe at humarap kay tito.

"Gusto naming sakupin ang buong mundo, hindi mo ba nakikita, Chloe? Magagawa natin 'yon dahil sa hindi naman tayo normal na tao," si tito naman ang nagsalita.

"We will conquer the world! How good idea isn't?" sabat ni Miss Chloe.

"Hindi ko kayo hahayaan." Ngumiti naman ako ng marahan ng makitang mapakunot ang noo si Miss Chloe sa sinabi ko.

"What do you mean? You're useless right now, isa pa nakikita mo ba ang mga tao'ng 'yan?" turo ni Miss Chloe sa mga taong mga walang malay.

"Magagawa rin namin 'yan sa mga normal na tao, at sisiguraduhin kong wala na silang magagawa dahil ang mga kagaya mo na walang kakayahan ay mamatay ng hindi nila namamalayan," dagdag ni Miss Chloe.

Inis akong tumingin sa kanilang dalawa. Bakit ba napaka kontrabida nila? 

Sandali akong napatigil ng may naririnig akong bumubulong sa tenga ko.

Sino nanaman ba 'to?

"Chloe." Boses babae ang naririnig ko. Boses matanda.

"Lilo," bulong nanaman niya.

Sinong Lilo?

Wala akong kilalang Lilo?

"Everything." Iyon ang huli niyang bulong sa'kin.

Still naguguluhan parin ako.

Bigla nalang may pumasok na memory sa'kin kung saan nagagawa kong mahigop ang mga kakayahan nila.

Bakit hindi ko kaya subukan sa pag kakataong 'to?

Huminga muna ako ng malalim at tumingin kay tito. Mula sa kailaliman at kaibuturan ng katawan niya ay nagawa kong makuha ang elemento ng destruction, teka nagawa ko nga ba?

Inilahad ko ang palad ko at mula doon ay lumabas ang itim na liwanag sa kamay ko.

N-nagawa ko!?

Humarap naman ako kay Miss Chloe at kagaya ng ginawa ko kay tito ay ganon din ang ginawa ko sa kaniya.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now