Chapter 15: Reset

9 2 11
                                    

[Chloe's POV]

"Z-zaman!" sigaw ko.

Nanatili lang silang nakatingin kay Zaman.

Ano ba'ng nangyayari? Bakit parang hindi na 'to normal?

"Woah kayo nalang ba yung natira?" tanong ni Zaman sabay hagikhik.

Tumingin ako sa likuran ko, sina Marjo, Jamel, Zian, si ma'am at ako nalang talaga ang natitira.

Posible kayang?!

"Itim ang kulay na nakikita ko," sabat ni Marjo na ngayon ay nagiging lila na ang mata.

Tumingin naman ako kay Jamel na ngayon ay nakahawak sa tenga nya.

Sila! Sila 'yung mga hinahanap namin ni ma'am! Ang alam ko napanaginipan ko 'to pero totoo sila!

Pero bakit nila tinago sa'kin? Kung alam lang din nila na isa ako sa kanila. Magiging ganito kaya ang lahat?

"Dito ka sa likod ko, Chloe." Hinawakan ako ni Zian at pilit na ipinagtatabuyan na tumakas na daw ako.

"Tumakas ka na Chloe! Wala kang magagawa dito!" dagdag pa ni Zian.

Nagsisimula ng mag-kulay berde ang mga mata nya. Tama siya, wala akong magagawa. Para saan pa ba 'tong kakayahan ko 'diba?

"Sundin mo nalang si Zian," si ma'am na ang nagsalita.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kailangan ko lang tanggapin ang katotohanan na hindi ako gano'n kalakas para labanan si Zaman.

Ano pa nga ba ang laban ko? Bakit parang pakiramdam ko pino-protektahan nila ako? Kasi mukha akong mahina?

"Chloe! Sa'n mo na balak pumunta ngayon?" sumingit si Zaman sa pag-uusap namin.

Malayo ang distansya niya mula sa'min.

"Ayaw mo bang makita ang mga kaibigan mo? Hawak ko sila!" sigaw ni Zaman na nagpatigil sa'ming lahat.

Ang hirap paniwalaan ni Zaman. Napaka tuso niya kaya ayokong magtiwala.

"Nasaan sila!?" sumigaw narin si ma'am.

Nakita ko namang napangiti si Zaman.

"Eto sila!" hiyaw ni Zaman sabay kumpas ng kanyang mga kamay.

Kasabay no'n ay ang paglitaw ng lahat!

"Gosh, Chloe!" Agad na lumapit sa'min si Kim na bigla nalang lumitaw sa paningin ko.

"Kim! A-ayos ka lang?" alala kong tanong ng makalapit siya sa'kin.

"Ayos lang naman kami mga men, pero itong lalaking 'to, kakaiba sya mga men!" singit ni Ryan na bigla nalang din lumitaw.

"Teka! Parang may kulang?" tanong ko sa kanila.

Agad naman silang humarap sa'kin.

"Si Eloisa!" sigaw ko.

"Um, Chloe, hindi kasi sumama si Eloisa sa field trip natin," singit ni Shin Lee na ngayon ay nakikidikit na sa'min.

"At bakit naman ako sasama kung naririto naman ako?" boses ni... Eloisa!

Lumitaw si Eloisa mula sa likod ni Zaman.

"Kimberly, Shin lee, lumapit kayo mga kapatid ko." Nang sabihin ni Eloisa ang mga salitang iyon ay tila nag b-blurred nanaman ang paligid.

"Ano? Hindi ka naman kapatid!" sigaw ni Shin Lee.

Still blurred parin ang mga nakikita ko.

"Gusto nyo talaga malaman ang lahat 'no?" sarkastikong tanong ni Eloisa at marahang tumingin sa'kin.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now