PART FOUR

4 1 0
                                    

[Lucia's POV]

"He loves me."
"He loves me not."
"He loves me."
"He loves me not."

Napahinto ako ng maubos na ang petals ng bulaklak.

"He loves me not?" inis na bulong ko.

Agad kong itinapon 'yung hawak kong mga petals at pinalutang-lutang 'yon.

Kakaiba 'di ba?

Nagagawa kong makontrol ang mga petals ng kahit anong bulaklak, at sa tingin ko 'yon ang katangiang kakaiba sa lahat.

Ang ibig kong sabihin ay ang napakawalang kwenta kong kakayahan na naiiba sa lahat.

Sino ba naman kasi ang mag aakalang magagawa ko ang bagay na 'to? Ang kwento sa'kin ni mama na isa 'tong pamana mula sa mga ninuno namin.

Pero bakit sa'kin? Bakit ako?

Napatayo nalang ako ng wala sa oras at ipinalibot sakin 'yung mga petals. Buong buhay ko silang kasama. Hanggang sa kabilang buhay kaya?

"L-lucia?!" Biglang nahulog 'yung mga petals ng may biglang sumigaw mula sa likod ko.

"Ri... Richard!" Gulat akong napasigaw at napaatras ng ilang metrong layo mula sa kaniya.

"P-apa'no mo nagawa 'yon?" gulat niyang sabi.

P-pa'no ko ba 'to ipapaliwanag? Kainis!

"Hindi ka normal na tao?" Bigla nanaman siyang nagsalita.

Luminga linga ako para makapaghanap ng dahilan pero wala akong maisip, hindi rin ako makatingin sa kaniya.

"HAHAHA!" Bigla siyang tumawa sa hindi malamang dahilan? Nababaliw na ba siya?

"B-bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" sawakas ay nagawa kong magsalita.

"Natatawa ako sa itsura mo eh," tawa pa niya.

Medyo naiinis ako sa kaniya dahil sa pagmumukha niya o dahil sa kakatawa niya.

Wala namang nakakatuwa eh?

Hindi parin siya matigil sa pagtawa kaya naman ipinalutang ko 'yung mga petals at ipinalibot sa kaniya.

Ngayon isang nakabibinging katahimikan ang nanaig sa'min.

"Sabi ko na gagawin mo ulit ang bagay na 'yan eh," sabi niya sabay ngiti.

Agad kong ibinaba 'yung mga petals at napatulala sa ngiti niya.

S'ya lang 'yung kauna unahang tao na nakaalam ng secret ko. At siya rin ang unang tao na nagawa akong mahalin.

***

5 years ago

"Chloe. 'Yon ang gusto kong ipangalan sa kaniya," buong ngiti kong sabi.

"Kung 'yon ang gusto mo mahal," sagot naman ni Richard.

Hindi ko lubos maisip na magkakaroon ako ng pamilya. Masayang pamilya na maituturing kong pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.

Isa narin ang pagbubunga ng pagmamahalan namin ni Richard.

Si Chloe.

Pero lahat ng 'yon nasayang at nawala lang sa isang iglap.

Ang pangyayari sa orphanage ang hindi ko makakalimutan. Dahil doon nagsimula ang lahat. Naging matagumpay si Richard sa larangan ng lahat, dahil sa angkin niyang galing at talento na ikinatutuwa ko kapag nakikita ko siya.

Nakapagpatayo siya ng isang business na MEGA CORPORATION isang korporasyon na may adhikaing magpalago ng isang maunlad na mamamayan. Pero hindi sa pagkakataong nalugi ito.

Hindi naman laging masaya, napagdadaanan ang problema at kinakailangan itong harapin. Sinalubong kami ng pagsubok na nagudyok kay Richard na humanap ng isang katulad ko.

Ang katulad kong may kakaibang kakayahan.

Humanap siya, hindi siya tumigil hanggang sa makakita ng isa.

Isang babae ang sapilitan niyang dinakip.

Ang natatandaan ko ay kapangalan siya ng anak ko na si Chloe. Kaya naman tinatawag namin siyang Miss Chloe dahil sa kakaiba niyang kakayahan na nagdudulot ng kamatayan.

Sinubukan kong iligtas at itakas si Miss Chloe dahil sa alam ko ang kahahantungan niya sa kamay ni Richard.

Ilang karayom at mga test na magpapadurog sa sarili niya ang kahahantungan niya.

Pero nagbago ang tingin ko sa kaniya. Siguro nga nagkamali ako ng tulungan ko si Miss Chloe dahil binaliktad niya ang sitwasyon.

Sinabi niya kay Richard na may balak akong sirain ang mga plano nila sa korporasyon na 'yon.

Noong una akala ko hindi maniniwala si Richard sa babaeng 'yon pero nagkamali ako.

Ang araw na bumisita kami sa orphanage ay ang araw na itinakda ng panahon para sa mga batang may kakaiba ring kakayahan. Sa pilitan akong ipinapasok ni Richard sa illusion box para daw sa ikabubuti ni Chloe, ang anak ko.

Dahil sa oras na pumasok ako ay magiging maayos na daw ang lahat.

Pumayag ako. Naniwala ako dahil mahal ko siya. Mahal ko si Richard.

Pero dumating si Chloe ang anak ko at siyang gumawa ng paraan para mailigtas ako.

Nailigtas nga ba ako? Ang totoo niyan hindi.

Nang makapasok na kami sa illusion box ay namulat ako sa hindi pamilyar na lugar. May hangin na bumungad sa'kin. Ang ngalan daw niya ay Benedict at siya rin daw ang nawawala kong kapatid.

Hindi ako tinantanan ni Benedict. Hindi siya sumuko. Tinulungan niya akong mahanap si Chloe ang anak ko. Pero para magawa 'yon kailangan kong magpanggap bilang isang guro. Nangako si Benedict na kahit anong mangyari ay aalagaan at pro-protektahan niya si Chloe. Pero mukhang nangyari na ang dapat mangyari.

Lalo na ng malaman kong may kakaiba ring kakayahan si Chloe dahil namana niya ang kakayahan kong magpagalaw ng mga petals.

Sa una natuwa at napabilib niya ako. Pero hindi sa pagkakataong makita ko na hindi siya nasasaktan ng pisikal. Hindi 'yon salik ng kapangyarihan ko.

Kanino niya nakuha ang kakayahang 'yon?

Nag obserba kami ng mapagtanto na nasa sa kaniya ang ikatlong nefarious. Ang elemento ng Life. No'ng una ay nabigla ako dahil sa alam kong malaki 'yong responsibilidad. Pero sa tingin ko naman magagawa niyang lampasan ang mga bagay na minsan ko ng magawa no'ng mga panahong hindi pa buo ang sarili ko.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now