Chapter 21: Hell

8 1 0
                                    

[Chloe's POV]

"Anak?"

Parang boses 'yon ni papa. 'Yung totoo kong papa.

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at gulat na napatingin sa isang lalaking nag-aalala kung makatingin sa'kin.

Parang. . . Naalala ko na lahat.

Ang pagsira ko sa illusion box, naalala ko na!

"Ano nang gagawin sa kaniya?" rinig kong sabi ng babae. . .

Teka! Andito parin siya?!

'Yung babaeng nakalaban namin, andito parin siya!

Akala ko pa naman nakatakas na 'ko.

"Ikaw!" sigaw ko.

Sariwa pa sa'kin lahat ng ginawa niya kila Zian. Naiinis ako kapag nakikita ko siya.

Ano ba kasing ginagawa niya dito?

"Call me Miss Chloe," tipid niyang sabi habang tamlay na nakatingin sa'kin.

Sandali naman akong napakunot-noo.

"Oo parehas tayo ng pangalan, pero hindi rin ibig sabihin no'n na magkapareho tayo ng paniniwala at buhay," dagdag pa niya.

"'Pa, anong ginagawa niyan dito? Masama 'yang babaeng 'yan! Kinalaban niya kami! Lalo na si Zaman! Si Eloisa!" ibinaling ko ang tingin ko kay papa.

Nararamdaman ko nalang na hinihimas ako ni papa sa likod.

"Kumalma ka 'nak."

"Pero pinatay ng babaeng 'yan si Eloisa!" sigaw ko.

Hindi ko na mapigilan ang mga luha sa mga mata ko.

Sandali namang tumingin si papa kay Miss Chloe.

"Oh bakit? Ginawa ko lang ang tama," sarkastikong sagot ni Miss Chloe.

"Please, lumabas ka muna. Hayaan mo muna kaming makapag-usap," utos ni papa.

Agad namang napamewang si Miss Chloe at labag sa loob na umalis sa kwarto.

"'Nak, alam kong marami akong pagkukulang sa'yo..." hindi ko na sya pinatapos.

"'Pa maniwala ka sa'kin masama si Miss Chloe! Naiwan sa illusion box sila Zian! Kailangan ko silang balikan!" sigaw ko.

Ngayon alam ko na. Na si ma'am lucia at ang mama ko ay iisa. Kailangan ko silang balikan.

"Tama na 'to! Kailangan ko silang balikan!" sigaw ko ulit at akmang tatayo pero hinawakan ako ni papa ng mahigpit sa braso .

"Walang aalis!" sigaw niya.

Tinignan ko si papa ng blanko.

"Hindi niyo alam 'yung pinagdaanan ko sa loob."

Walang pag-aalinlangan akong tumayo at nagpumiglas sa kaniya.

Agad narin akong lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ay 'tsaka ako napahinga.

Mukhang ito na nga ang totoong mundo. Huminga muna ako ng malalim at naglakad lakad. Hindi narin ako sinundan ni papa dito sa labas na ipinagtataka ko.

"Ano ng plano mo ngayon?" Nagulat nalang ako na bigla-bigla nalang susulpot 'tong si Miss Chloe.

Hindi ko siya sinagot. Nanahimik nalang ako kasi wala ako sa mood makipag-usap sa kaniya.

Naka shades na siya ngayon, siguro tinatakpan nya 'yung mga mata nya.

"Speechless ka naman ata?" dagdag pa niya.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now