Chapter 22: Nefarious

5 1 0
                                    

[Chloe's POV]

"'Yan na 'yung best nyo?"

Pareho kami ni Atria na hinihingal. Mabilis kumilos si Miss Chloe. Hindi rin namin siya matalo-talo.

"Sinasabi ko na nga ba, traydor ka, Atria! Pinagpalit mo lang lahat para sa babaeng 'yan?!" sigaw pa niya at nandidiri akong tinignan.

Hindi nagsalita si Atria bagkus ay sinimulan niyang ikumpas ang kamay niya.

Ni rewind niya nanaman.

Nakaka ilang rewind na kami pero isang katotohanan lang ang nananaig. Si Miss Chloe ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa'ming tatlo. Sanay at praktisado ang galaw niya.

"Kainis," bulong pa ni Atria at ikinumpas ulit ang kamay.

Bumalik nanaman kami sa simula.

"Show me what you've got!" sigaw nanaman ni Miss Chloe at nauna ng umatake.

Nangyari lang ang kaninang nangyari.

"Just surrender!" sigaw ni Miss Chloe at mas nagliwanag pa ang kulay pula sa mga mata niya.

Mabilis ulit na kinumpas ni Atria 'yung kamay niya.

Sa pagkakataong 'to ay bumalik nanaman ang lahat sa dati. Bigla nalang din nawala si Miss Chloe sa harapan namin.

"Chloe, ito yung oras na wala pa si Miss Chloe, mauna ka na sa illusion box!" sigaw ni Atria na ngayon ay nakaupo nalang sa sahig.

"Marami na akong nasayang na energy sa kakayahan ko, mauna ka na!" nanghihinang sabi ni Atria.

"Hindi kita iiwan dito Atria!" angal ko.

"Shut that drama! Mauna ka na!" sigaw pa niya.

"Too fast, girls!" sigaw ni Miss Chloe na ngayon ay nakatayo malayo sa'min.

Kagaya ng dapat mangyari, tinanggal niya ang shades niya at tumilapon iyon sa harapan namin.

"Nangyayari nanaman! Mauna ka na, Chloe!" sigaw ni Atria.

"B-babalikan kita!" sigaw ko at nauna ng pumasok sa illusion box.

Malaki 'yung loob ng illusion box. Andaming pindutan.

Asa'n 'yung button para makapunta kila Zian?! Kailangan ko silang balikan!

Nagsisimula naring pumatak ang pawis ko.

"Chloe!" sigaw ni Atria at marahang tumingin sa'kin. "Magkikita pa tayo." 

Maya-maya pa'y ikinumpas na niya ang dalawa niyang kamay at tila nagkakagulo ang paligid. Hindi ko maintindihan kung rewind o fast forward ang ginagawa niya. Namalayan ko nalang na may hindi ako sinasadyang mapindot na button dahilan para magkagulo lalo ang paligid.

Lagot na.

Hindi ko narin makita si Atria dahil sa nag b-blurred ang paligid.

Nakakalungkot lang isipin na lahat nalang ng nakikilala ko e mabilis ding nawawala.

Minsan napapaisip ako kung parte ba ito ng sumpa sa'kin?

Nagulantang nalang ako ng biglang huminto 'yung illusion box. Parang may nag ko-kontrol dito.

"Bumaba ka d'yan, Chloe!" sigaw ni Miss Chloe mula sa labas.

Madali ko siyang nakikita mula rito sa transparent na salamin ng illusion box.

Nagulantang nalang ako ng biglang umilaw 'yung illusion box. May lumabas ding matinis na tunog na ansakit sa tenga!

Naptakip ako ng mata dahil sa silaw.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now