Chapter 9: Lost-Jamel

14 2 0
                                    

[Jamel's POV]

Asa'n kaya sila? Kanina pa ako naglalakad sa kawalan. Halos puro hamog nalang ang naaaninag ko.

"Guys!?" sigaw ko pero walang sumasagot pabalik.

"Isa nanamang bata," narinig kong sabi ng misteryosong boses. Luminga-linga tuloy ako sa paligid. Asa'n galing 'yon?

"May kakaiba sa'yo, katulad ka lang din ng babae na 'yon!" sigaw nanaman ng misteryosong boses.

Hindi ko sya makita. Pero napakalakas ng boses na naririnig ko na aakalain mong nasa malapit lang siya. Pero wala. Hindi mo makikita kahit anino man lang nya.

Kung gano'n sinusubukan niya ako, bakit hindi ko pagbigyan?

Marahan kong hinawakan ang tenga ko.

Sandaling tumigil ang mga naririnig ko, nagmistula akong bingi na walang maririnig. Parang matinis na frequency na para bang 'yung nasa TV na walang signal.

Pumikit ako, ng maramdaman ko na ito na ang tamang oras ay idinilat ko ang mga mata ko.

Doon nagkakaroon na ng mga kakaibang tunog, mga hindi maipaliwanag na tunog.

Ito ang kakayahan ko, ang marinig ang nararamdaman ng ibang tao, nagagawa ko ring marinig ang mga hindi maipaliwanag na tunog.

Kakaiba hindi ba? Hindi ko man nakikita ang mga nararamdaman ng bawat tao kagaya ni Marjo, may tenga naman ako na nagsisilbi sa'king special.

Ang totoo nyan lagi nila akong tinatawag na special, lalo na noong hawak pa ako ng mga madre, nakakalungkot lang isipin ang mga nangyari noon.

Pero mas mabuting ibaon nalang iyon sa limot.

Pinutol ko na ang lahat ng alaala na pumapasok sa isip ko at itinuon ang atensyon sa boses.

Sa ngayon may unti akong naririnig, madali kong malalaman kung nasaan siya.

Nasa likod ko!

Agad akong umiwas ng may marinig ako mula sa likuran ko. Agad ko syang hinawakan sa braso pero mabilis siyang naging hamog, itim na hamog.

Isang lalaki? Sino 'yon?

Hindi ko rin magawang tignan ang mukha nya dahil sa may takip ito, isang itim na maskara.

"Asa'n ka!? Hindi mo ba ako kaya? Wala ka naman pala e!" pagmamayabang ko.

Minsan naiisip ko na isang paraan lang ang maaaring gawin para mapalabas sa lungga ang isang daga.

Galitin mo ito.

"Hindi na ako natutuwa, hijo!" seryoso nyang sigaw.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may hamog na mabilis na pumunta sa harapan ko, hindi ko sya agad narinig, siguro nasa iba ang atensyon ko noong mga oras na iyon.

"Get lost!" Agad akong sinaksak ng lalaki na naka itim. Sinaksak, yes gano'n ang pakiramdam ko.

Ang nakakapagtaka lang ay wala syang bagay na ginamit gaya ng kutsilyo o ano man lang.

Sandaling pumintig ang tenga ko.

Para akong sinaksak gamit ang isang bagay na hindi ko makita o marinig.

What if ilusyon lang na sinaksak ako?

***

"Jamel! Gising!" sigaw ni... Marjo!

Teka! Panaginip lang ang lahat?

"Hays, salamat naman, anong ginawa sa'yo ni Zaman?" Nang sabihin iyon ni Marjo ay napahawak ako sa t'yan ko kung saan ako sinaksak ng Zaman na 'yon.

Blooming Scars: The Awakening (Completed)Where stories live. Discover now