CHAPTER 01:

34 4 2
                                    

ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 01: /TKTIMEB/🥢

Lijia Maxine Hernandez POV

"Bhe pahingi ha~" sabi ko sa grade 7 na bata, hinihingi ko kasi 'yung pagkain n'ya. Gutom ako e naiwan ko baon ko sa bahay. "Si-sige po." sagot nito at binigay sa akin ang burger n'ya. "Uy! Akin nalang din 'yung sa'yo gutom lang ako naiwan ko baon ko sa bahay. " sige po. " sagot naman nung isa at binigay sa akin 'yung baon n'ya, nagpasalamat naman ako bago umalis.

Napa sabunot naman ako ng maisip ko iyon grabe nakita talaga 'yun ni Jeong? Kahiya ka Lijia! Grabe ha ang tagal ko nang ginagawa 'yun pero ngayon lang ako nahiya!?, tsktsk ahm... Anong gagawin ko ngayon? It's already lunch time at gutom na ulit ako ang t^nga ko kasi kinalimutan ko baon ko!

"Max! Ginagawa mo d'yan?" napalingon ako sa nagsalita si Gabriel My boybestfriend. Nasa loob kasi ako ng room ako lang mag isa. As if naman dahil ang mga ka klase ko kumakain na ng lunch sa cafeteria. "Nakaupo." sarcastic kong sabi. Hindi ko classmate si Gab kasi sa kabilang section s'ya. "T^nga!" sabi nito at pumasok sa room namin.

"Trespassing ka!" sabi ko. "Pake ko., tara sabay na tayo kumain sa caf." yaya nito. "Wala nga akong pera eh, naiwan ko sa bahay. " nakanguso kong sabi.

"Utang ka nalang sa akin. " sabi nito. "Hala naman wala akong pangbayad lol." saad ko. Hinila naman ako nito at naglakad. "Libre lang gusto mo. Sige libre na kita." napangiti naman ako nung marinig ko ang sinabi n'ya.

"Sabi mo 'yan!" masaya kong wika. "Oo nga." sarcastic na sabi nito with pa role eye pa. Tsk.

Nakarating na kami sa caf. Agad naman nahagip ng mata ko si Jeong na kumakain at may mga babae na tumatabi sa kaniya tahimik lang si Jeong na kumakain pero 'yung mga girls ay kinukulit s'ya may roong nagbibigay sa kaniya ng food. 'di ako naiingit promise 'di ko nga alam kung bakit ayaw kong may makitang babaeng kasama si Jeong parang nasasaktan ako? Luh... joke lang may crush kaya ako.

"Crush mo 'noh!?" nagulat naman ako kay Gab biglang nagsalita. "Crush ka d'yan! Hindi 'noh kilala mo naman ang crush ko. " sagot ko at tinulak na s'ya papuntang bilihan ng pagkain sa caf. "Crush ni Max~" pa kantang sabi ni Gab agad ko naman s'yang binatukan.

"Tumigil ka na. " inis kong sabi dito. "Oo na. " sagot nito. Pasimple naman akong lumingon kay Jeong, nagulat naman  ako pero 'di ko pinahalata. Gag^ nakatingin sa akin. "Ba't ka Namumula?" napatingin ako kay Gab. "Pake mo!?, mag order ka nalang kaya! Basta sa akin burger at drinks nalang." sagot ko. Nawala gutom ko kunti ackk.

Naglakad na kami ni Gab. Para humanap ng place "full na ang caf." sabi ko. "Full ka d'yan may vacant pa." sagot ni Gab. "Ha? Saan? " tanong ko.
Ngumiti naman ang tanga at nakakunot ako ng noo dahil papalapit kay Jeong at sa tatlong babae.

"Kayong tatlong malandi, 'di naman kayo kumakain, pwede ba dito muna kami ng kaibigan ko kasi kakain kami." maangas na sabi ni Gab habang nakatingin sa tatlong babae, agad namang natakot ang tatlo at umalis. "Max! Parto na." pasigaw na sabi ni Gab wala na akong magagawa doon nalang ang vacant, umupo naman ako sa tabi ni Gab.

"Bro, you know i sorry dahi—bekos da gir— da da three pokpoks is—" pinutol ko ang sasabihin ni Gab parang tanga mag english. "Marunong s'ya magtagalog." sabat ko. "Yes." sagot ni Jeong.

"Ah HAHAHA ano pasensya ka na sa tatlong babaeng 'yun mahilig lang talaga 'yun sa pogi, katulad natin." mayabang na sabi ni Gab. "It's ok." sagot ni Jeong.  "S'ya nga pala my Name is Gabriel Fuentes." pakilala ni Gab. Mabait naman 'tong si Gab at friendly din.

"Nice to meet you I'm Jeong Seo Park." pakilala naman ni Jeong. "Ha-how about you?" nahihiyang tanong nito sa akin. Mukha kasi siyang nahihiya, 'wag ka nang mahiya ano ba! Gagi dapat naiilang ako diba? Naalala ko ulit baka s'ya nga ang ex ko. Aissh. "I'-i'm Lijia Maxine Hernandez. " pakilala ko ngumiti naman s'ya sa akin. Puso ko!

Kung kami pa sana hanggang ngayon edi sana 'di ako nagtatago ng feelings ko ngayon? Wait... Inlove na ba ako sa kaniya? Pa'no si crush? Pake ko sa crush ko.

Natapos na kaming kumain, kaya pupunta na kaming room. "Max, Jeong una na ako may practice kasi kami ng basketball." paalam ni Gab. Napalingon naman ako sa kaniya na may pagtataka. Iiwan n'ya ako kasama si Jeong?

"Sabay na tayong pumunta sa room." napalingon ako kay Jeong. "Ss—sige." sagot ko utal utal pa amp, kailangan ko talagang kumalma napakamot naman ako sa ulo dahil nakatingin lang s'ya sa akin. "Tara na." yaya ko hayst mabuti 'di ako nautal.

Habang nag lalakad kami sa hallway bigla s'yang nagsalita. "I remember that I have a filipina girlfriend before." nagulat ako sa sinabi n'ya. "Ah—Ha ha a-anong nangyari sa re-relationship n'yo?" pa-inosente kong tanong grabe s'ya nga talaga 'yun. "She breakup with me." sagot n'ya.

"Sorry talaga, ta—" naputol ang sasabihin ko ng biglang may dalawang babae ang lumapit sa kaniya, sasabihin ko na sana na ako 'yun pero parang sobrang aga pa para sabihin sa kaniya na ako iyon. Buti nalang may sumira.

"Hi, can i take a picture with you?" tanong ng isang babae. "Ayaw ko." sagot ko. "May sinasabi ka ba?" mataray na tanong nung isa. "Wala po." sagot ko. "Sure." sagot ni Jeong.

"Tutal wala ka namang ginagawa, picturan mo kami." utos ng isa sa akin gaga 'to. Kinuha ko namn 'yung inabot n'yang cellphone ang akala nila pinipicturan ko sila pero frinont cam ko. At tinakpan ko 'yung cam kaya dilim ang nakikita. "Tapos na." sagot ko at binigay sa kanila ang phone. Kala n'yo ha. Pagka alis nila ay agad kong hinila si Jeong papunta sa loob ng room dahil tiningnan ng mga babae ang picture.

Agad naman kaming nagtago sa likod ng bookshelf. "Mamatay mag sasabi kung nasaan kami." banta ko kaya 'yung mga kaklase ko sa loob ay nag kunwaring walang alam. "Anong ginagawa natin dito? " mahinang tanong ni Jeong.

" 'wag ka nang mag tanong, gusto mo lumabas ka nalang. " mahina kong sagot at aba lalabas nga amp. Hinila ko naman agad 'to " 'di joke lang mamaya ko ipapaliwanag."sagot ko.

"NASAAN 'YUNG BABAENG RED ANG TALI SA BUHOK?" agad ko namang tinakpan ang bibig ng lalaking 'to dahil balak pa magsalita. " huwag ka munang maingay, halikan kit—de joke. " paano maglaho right now?

———

THAT KOREAN TRANSFEREE IS MY EX-BOYFRIEND | PJM. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon