CHAPTER 04:

12 3 0
                                    

LIJIA maxine HERNANDEZ POV:

"nga pala, akala ko  ba kaklase natin si Luna? bakit wala s'ya kanina?" tanong ni Jia. pinsan namin si luna pero 'di kami close dahil mataray si Luna. epal din s'ya nung mga bata pa kami. "mag iisang linggo na s'yang absent." sagot ko. napatango tango naman s'ya.

kumakainkami ngayon sa caf. kasama namin si Gab. "huy Gab." tawag ni Jia kay Gab. "bakit!?" tanong  ni Gab "aminin mo na na... bayot ka nakita kita kahapon bumubili ng hairban." natawa naman ako ng marinig iyon tumalsik pa ang konting kanin sa bibig ko kaya napatakip ako ng bibig.

"yak!" sabay na sabi ng dalawa. "pake n'yo ba? akala n'yo naman 'di kayo nagkakaranas nito." sabi ko. "naranasan ko din 'yan pero wala akong kasama." sagot ni jia. "baliw ka na n'yan mag isa kang tumatawa." sagot ko. "tss. hindi ako bakla, binilhan ko lang hairban si Gabriella." sagot ni Gab. "wehh???" takang tanong ni Jia.

si gabriella ay bunsong kapatid ni Gab s'ya ay 7 yearsold. "oo nga, suot nga ngayon ni gabriella 'yung hairband nung pumasok s'ya sa school." sagot ni Gab. "oo nga naman Jia, hindi bakla si Gab." sabat ko at uminom ng tubig. "Hi Jia." napalingon kaming tatlo sa bumati kay jia.

"ikaw kokey ka anong ginagawa mo dito?" maangas natanong ni Jia kay Mark 'yung kanina. "sasabayan ka kumain." sagot naman ni mark, nag tinginan kami ni Gab at parang nag uusap gamit ang isip sabay napatawa kami. nilingon naman kami ni Jia kaya napatigil kami sa pagtawa. mahirap talagang magpigil.

gagi kasi itong si Gab nakakatawa 'yung mukha. "kumain ka mag isa, ok?" sagot ni jia at umayos ng upo. "pero gusto ko kasama ka." sagot naman ni Mark. "kakain ka mav isa o isusubo ko sa'yo ng buo 'tong tinidor?" nagbabantang tanong ni Jia. "sabi ko ngakakain ako mag isa." sabi ni mark at umalis na.

napansin ko naman na wala dito sa caf. si Jeong nasaan kaya s'ya? "hinahanap mo?" tanong ni jia sa akin napansin n'ya pala. "ang utak ko nawawala kasi." sagot ko at kumain ulit. "uyy bukas, nood kayo basketball may laban kami bukas." sabi ni Gab.

"ako pa ba? syempre manonood ako." sagot ko."sige sama ako." sabi din ni Jia.

JEONG SEO PARK POV.

"sorry, 'di ko matatanggap ang mga 'yan, keep n'yo nalang." sabi ko sa mga babae na nagbibigay sa akin ng kung ano-ano. "Jeong mahal kita!!" namumula naman ako ngayon. nahihiya ako sa kanila ngayon ko lang naranasan ang maging ganito, ibang-iba sa Korea.

naglakad na naman ako pero 'yung iba sumusunod pa rin, kaya nilingon ko sila. "give me privacy." nahihiya kong sabi. "sige, Jeong." "see you later jeong." "bye baby." tumango naman ako sa kanila ang dami nilang sinasabi pero nakalimutan ko na 'yung iba.

i finish changing my clothes so i go to library, busog pa ako maya mamaya nalang ako kakain. mahilig ako magbasa ng books, like history AP is my favorite subject also math. maraming libro dito sa library, library nga diba kaya maraming libro. but i mean is iba't ibang libro. kumuha ako ng isa para basahin 'yung tipong may matututunan ka pag nabasa mo 'yun.

AP book ang kinuha ko. tahimik akong nag babasa pero naiilang ako dahil 'yung ibang babae na naandito nakatingin lang sa akin, pero 'di ko na sila pinansin.

mayaman ang aking pamilya, mayroon kaming companya sa south korea kaya ang kasama ko lang dito sa pilipinas ay ang aking mommy at ang bunso kong kapatid. mayroon akong ate pero nasa korea sila ni Daddy sila ang nag mamanage ng company namin may husband na ang ate ko at may isa nang anak

LIJIA MAXINE HERNANDEZ POV:

Nasa gym na kaming lahat ng mga kaklase ko. para gumawa ng activity. "we will doing to do is stretching." sabi ni Sir. Nagsimula na kaming gayahin s'ya at mamaya ay mag lalaro kami ng volleyball kaming mga girls at basketball naman sa mga boys.

nang matapos na kami ay nagsalita si sir. "boys go to the 2nd gym doon kayo mag lalaro and girls stay dito." sabi ni sir. "ayy sayang 'di natin mapapanood mag laro ang mga boys." sabi ng isa kong kaklase. "cheer ko sana si crush, de joke." napailling - iling nalang ako.

Time Pass pumunta na kami sa Room dahil tapos na ang P.E time. binagsak ko ang sarili ko sa inuupuan ako at kukuhanin ko ang tubigan ko pero wala na itong laman. pucha! "Max, tara bibili ng tubig sa caf." yaya sa akin ni Jia. wala pa dito sa room ang mga boys. "sakit na nga ng paa ko tapos pag lalakarin mo pa ako? bili mo nalang ako." sabi ko.

"ano ka gold? bili ka mag isa." sabi n'ya at umalis na l, damot ng hamag! pasalamat ka pinsan kita kung hindi nasampal ko na 'to. nagdatingan naman ang mga boys na pawisan mga mukhang dugyot tch. may naka topless pa kala mo naman may abs, tch. 'yung ibang girls naman kinikilig. Lol.

"Nica, painom." sabi ko, inirapan lang ako ng tanga grabe ang sasama ng ugali. pag ito humingi rin sa akin 'di ko din 'to bibigyan. bwisit "Kc pengi tubig, uhaw na ako." sabi ko dito kay kc. "bumili ka ng sa'yo baka mag salin pa tayo ng laway ew." sabi nito arte ng putangin^ gigil na ako ngayon dahil ang dadamot nila.

Nagulat naman ako ng may nag abot ng water bottle sa akin, tiningnan ko kung sino iyon. si Jeong. "para sa akin?" tanong ko. tumango naman ito. kaya agad kong tianggap kanina pa pala s'ya dito dahil sa uhaw ako 'di ko na napansin. "salamat." sabi ko at binagay sa kaniya. ang wala nang laman na absolute water. basa ko sa tubigan pfft. kung hindi lang talaga ako uhaw. 'di ko na tatanggapin 'to.

"iyo na 'yan." sabi n'ya. nilagay ko naman 'yun sa bag ko. display ko sa kwarto ko, para remembrance acck. parang crush ko na si Jeong... basta kinikilig akes. "sorry ha naubos ko 'yung tubig mo, 'di ka pa siguro nakakainom." sabi ko puno kasi 'yung binigay n'ya sa akin.

"no need, hindi naman sa akin 'yung tubig e, bigay sa akin ni Kc." sabi n'ya napatakip naman ako ng bibig at tiningnan si Kc nag piece sign naman ito sa akin. pag ako ang nahingi nandidiri tapos t^ina! sinamaan ko lang ito ng tingin. napalingon naman ako kay Jeong na parang nagpipigil ng tawa.

" 'wag mo nang pigilan." sabi ko dito. "s-sorry." natatawa n'yang sabi tumango naman ako kung 'di ko lang to crush sinabunutan ko na 'to. "oh!" sabi ni Jia nung dumating s'ya abot abot sa akin 'yung tubig. kumunot naman ang noo ko.

"t^ina mo iyo na 'yan." sabi ko, ginigigil talaga ako. "akin nalang 'yan Jia." sabi ni mark. "pag binigay ko 'to sayo dapat pati 'tong lalagyan lunukin mo." mqtaray na sabi ni Jia. natahimik naman si Mark. "bahala ka akin na 'to." sabi sa akin ni Jia. 'di ko naman 'to sinagot. "nakainom na s'ya kanina pa." si Jeong na ang sumagot.

THAT KOREAN TRANSFEREE IS MY EX-BOYFRIEND | PJM. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon