CHAPTER 12:

16 2 0
                                    

CHAPTER 12:

LIJIA MAXINE HERNANDEZ POV:

naglakad lang ako malayo ang bahay namin sa school aabutin na ako ng gabi dahil paunti-unti ang lakad ko nag iimagine ako na nasa isa akong drama hayst epekto ng pagiging broken.

nung makadating na ako sa bahay nakita kong nakaupo si Mama sa sofa malungkot s'ya kaya lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang likod n'ya.

"Ma? bakit ka malungkot? at nasaan si Papa?" tanong ko tumingin s'ya sa akin at ngumiti. "Bumalik na sa Dubai Papa mo tinawagan kasi s'ya ng Manager n'ya hayst mamimiss ko papa mo 3 taon nanaman natin s'yang hindi makikita." malungkot na sagot ni Mama sa akin.

"Ma, Hayaan n'yo pag naging flight attendant na ako 'di na kayo mag hihiwalay ni Papa dahil ako na ang mag tatrabaho para sa pamilya." nakangiti kong sabi kaya ni yakap ako ni Mama.

"Kaya pag-aaral muna ang asikasuhin mo, nakita ko si Jia kanina sa Mall may kasama s'yang lalaki nilapitan ko 'yung dalawa umamin naman sa akin si Jia na Manliligaw n'ya iyon mukhang mabait naman 'yung lalaki pero ikaw anak ha, pag- aaral muna." tumango ako sa sinabi ni Mama, pero gusto ko si Jeong! bahala ka ma.

"at bakit ginabi ka na ng uwi?" tanong n'ya. "naglakad lang po ako tinamad akong sumakay." sagot ko at tumayo na.

"Ang gulo mong bata ka, bilisan mong magpalit magsaing ka na." sabi pa ni Mama. tumango lang ako at pumunta na sa kwarto ko.

'mamimiss kita papa ko.'

ngayon ay sabay na kami ni Jia na pumuntang school naabutan ko si Jeong na nag susulat wala pa si Luna.

umupo ako sa tabi n'ya syempre mag katabi kami.

"Si Luna?" tanong ko.

"Hindi s'ya nagpasundo sa akin baka daw makita kami ng Mommy at Daddy n'ya." sagot ni Jeong kaya tumango ako.

"Pwede mo ba akong samahan sa library? wala kasi akong makakasama dahil may ginagawa si Jia." sabi ko kay Jeong tiningnan ko si Jia na nag susulat katabi si Mark, sana all!

"Sige ba." sagot n'ya

kaya masaya akong tumayo at naglakad na kami papuntang library ni Jeong.

Marami naman ang lumapit kay Jeong at kinausap pa s'ya.

"Ahhmmm, kita n'yo naman na may kasama ang tao diba? may pupuntahan kami kaya mamaya nalang—" naputol ang sasabihin ko

"Hey! you b*tches, 'wag na 'wag n'yong lalapitan ang Boyfriend ko!" si luna ang nagasalita ako lumapit sa amin dahil takot ang mga ito kay luna ay lumayo sila may mga bulungan na din.

"May jowa na pala si Jeong?"

"Swerte ni Luna."

"Tara na love sa room." sabi ni Luna kay Jeong at Niyakap 'yung braso nakatingin lang ako sa kanila.

"Sorry love pero kailangan kong samahan si Max." sagot ni Jeong kay Luna para namang lumambot ang puso ko dahil pinili ako ni Jeong na samahan.

"Pero lov—"

"Ako na ang sasama kay Maxine." pamilyar na boses paglingon ko sa gilid ko nakita ko agad si Kio.

"Thank you, tara na love." yaya ni Luna

"per—" pinutol ni luna ang sasabihin ni Jeong

"Love naman e, may kasama na si Maxine." sabi ni Luna.

"ok." sagot sa kaniya ni Jeong at naglakad na ang dalawa,habang nag lalakad ay lumingon si Jeong sa akin kumaway naman ako, ano ba 'yan napaka panira!

"Tara na." sabi sa akin ni Kio ang crush ko dati ewan ko ba hindi na ako kinikilig dati naman lumalayo s'ya sa akin pag lumalapit ako tapos ngayon lalapit s'ya sa akin. na realize n'ya ba na worth it ako? nalungkot ba s'ya nung nagbago na ako sa kaniya?

narealize n'ya ba na gusto n'ya na ako? hayst jusko.

"kaya ko na ako nalang ang pupunta sa library." sagot ko sa kaniya at nauna nang maglakad. ramdam ko naman na sinundan n'ya ako.

"Maxine, 'di mo na ba ako gusto?" tanong nito.

"Oo, halata naman diba? grabe ka matapos mo akong paasahin sa tingin mo magugustuhan pa kita?" sambit ko dito hindi naman ako ganito mag salita sa iba mabait talaga ako pero naiinis ako kay luna kaya nabaling ko ang galit ko kay Kio.

"Sorry, ahm ang gusto ko lang naman sabihin ay hindi na." paumanhin ko.

"ang sama naman ng tadhana sa akin kung kailan gusto na kita doon ka naman tumigil." halos manigas ako sa kinatatayuan ko nung marinig iyon.

"Gan'on nga talaga, ang masasabi ko lang ay Sorry." sabi ko sa kaniya.

"Baka may natitira ka pang pagmamahal para sa akin. liligawan kita." sabi n'ya ewan ko ba na pa ngiti ako pero kahit konting pagmamahal 'di ko naramdaman.

"Sorry Kio, bawal e magagalit si mama." sagot ko sa kaniya.

"Ako ang bahala kay tita basta pag pumayag s'ya liligawan kita." sabi n'ya sa akin at hinila ako papuntang Library.

dahil nga kailangan ko ng libro para magamit mamaya sa klase.

si Kio ang kumuha ng mga libro dahil matataas.

"salamat." sabi ko sa kaniya nung makalabas kami ng library.

hindi na ako nag pahatid kay Kio dahil baka makita ni Jia, ano pa naman 'yung babaeng 'yun.

dala ko ang limang libro maninipis lang naman, tsaka umupo na sa upuan ko.

"Sorry kanina ha, 'di kita nasamahan." sabi ni Jeong sa akin.

"ok lang may kasama naman ako." sagot ko sa kaniya.

recess na sabay kami ni jia at Gab, kasabay din namin si Jeong at si luna sa caf. kumain na kami ngayon.

"Ahm, ayaw ko ng ganito e." napatingin kami kay luna.

"Ang arte mo naman, pagkain din 'yan." sabi ni Jia at kumain ulit.

"hindi dahil ayaw ko ng pagkain, ayaw ko lang na makasa at makasabay kayo, ikaw Jia at Maxine." mataray na sagot ni Luna.

"Ano namang masama e, magkakaibigan naman kami kaya kung ayaw mo sa amin. ikaw nalang ang lumayo." sagot ko. "Akala ko ba magkaibigan kayong magpipinsan?, kasasabi mo lang sa akin Maxine na mahal ko ang pinsan mo?" tanong ni Jeong.

"oo nga, dahil ayaw sa amin niyang Girlfriend mo, ayaw na din namin ni Jia sa kan'ya." sagot ko

"what ever, halata naman Maxine na may gusto ka kay Jeong—" pinutol ko ang sasabihin ni Luna.

"B^bo ka ba? pinagsasabi mo kung gusto ko man si Jeong wala ka nang pakealam do'n." hindi ko naisip ang sinabi ko napatigil sa pagkain si Gab, Jia at Jeong. may mali ba akong nasabi?

luh?

THAT KOREAN TRANSFEREE IS MY EX-BOYFRIEND | PJM. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon