CHAPTER 02:

20 5 0
                                    

Lijia Maxine Hernandez POV.

"hummm?" tanong nito, "nothing." mahina kong sagot. binitawan ko naman ang bibig n'ya at umiwas ng tingin. naiilang ako choos! bakit ko ba kasi nasabi 'yun?! "Wala dito 'yung hinahanap mo." rinig kong sagot ng isa kong ka klase.

sakto namang nag ring ang bell it means time na. "labas na kayo d'yan ano ba kasi nangyari!?" tanong nung isa kong ka klase. "basta, 'wag n'yo nang tanungin tinatamad akong mapaliwanag." sagot ko at umupo na sa upuan ko. umupo naman si Jeong sa tabi ko.

iwas pa rin ako ng tingin, grabe itong bunganga ko! pahamak.

—"and that's all for today good bye class." sabi ng teacher namin. "good bye ma'am." sagot namin at inayos na ang mga gamit. tumunog naman ang cellphone ko na nasa bag. /'di ako makakasabay sa 'yo pag uwi may practice kami./ text ng ulupong kong kaibigan na si Gabriel.

naglakad na ako papuntang hallway. "huy ineng!" napalingon ako sa tumawag, "ako po?" tanong ko sa teacher na sumigaw tumango naman ito habang kumakaway ang kamay. lumapit naman ako sa kaniya. "pausap naman neng pakilinis ng office ko." sabi nito.

"sige po." kahit labag sa kalooban ko, pumayag pa rin ako. sumunod ako kay Ma'am Javier dahil ituturo daw n'ya ang lilinisin ko. "pasensya na neng, absent kasi ang janitor ng office." sabi nito. "ok lang po Ma'am ginagawa ko rin 'to sa bahay." nakangiti kong sabi.

"ang sipag mo naman." sagot nito ngumiti lang ako sa kaniya, akala mo lang 'yun ma'am. "ay alam kong 'di mo kayang buhatin 'tong mga box. tatawag lang ako ng tutulong sa iyo. naandoon ang walis." sabi ni Ma'am habang turo ang likod ng pintuan.

habang nagwawalis ako biglang bumukas ang pinto kaya agad ko 'yung nilingon. "bakit ka nandito?" tanong ko kay Jeong. oo si Jeong ang nagbukas ng pinto. "sabi ni ma'am ilagay ko daw sa taas ang mga nakakalat na box." sagot n'ya tumango naman ako. "eto ang susi, tayo na daw ang mag lock ng office." sa n'ya at binigay sa akin ang susi na agad ko namang tinanggap at ni lagay sa lamesa.

natapos na akong magwalis kaya nilagay ko ang walis sa tamang lalagyan at nagpunas ng mga mesa dahil maghabok na ng konti. "bakit 'di ka pa ba uuwi? tapos ka na." sabi ko kay Jeong. "tulungan na kita d'yan, umupo ka nalang sa sofa ako na ang tatapos nito. mukhang pagod ka na e." sagot nito at inagaw sa akin ang basahan.

"ako na. mukhang mas pagod ka kesa sakin." sagot ko. "ako nalang kasi, or..... else gagawin ko 'yung sinabi mo kanina." may pagbabantang sabi nito, napalunok naman ako ng ngumiti pa ito kaya nakita ko ang konti n'yang ngipin sa gilid. agad ko namang nagets 'yung sinabi n'ya at wala sa oras ay umupo na ako.

nanonood lang ako sa kaniya grabe ang gwapo n'ya mukha s'yang mabait, may bad side kaya s'ya? feel ko pag nag ayos 'to ng konti pa mukha na s'yang badboy, paano kaya s'ya maging boyfriend? noon kasi ang sweet n'ya tinatanong kung kumain na ba ako. basta ang sweet pero dahil tanga ako brineyk ko.

"Maxine. tapos na. uwi na tayo." nabalik naman ako sa ulirat ng marinig ko ang boses n'ya. "tara na." yaya ko. "wait, nasaan ang susi?" tanong nito tiningnan ko naman iyon sa may lamesa kanina pero wala. buti nalang nakita ko nasa sahig lang pala agad kong lumapit para kunin 'yun.

"arayy!"—"aww!" sabay naming banggit nagkatinginan naman kami natawa ako dahil parehas kaming nakahawak sa noo, "why are you laughing?" kunot noo nitong tanong halatang nasasaktan, btw nag ka untugin kami 'di naman alam na kukunin din pala n'ya 'yung susi.

"masama bang tumawa?" natatawa kong sabi at tumayo. ngayon lang ulit ako tumawa pagkatapos masaktan. "masakit 'yun ha! gaano ba katigas 'yang ulo mo?" tanong nito. "depende." sagot ko at ngumiti sa kaniya.

nung makalabas na kami ay mag-paalam s'ya na uuwi na. ako naman ay naiwan para ibigay kay kuyang guard 'yung susi ng office. "HUY!" napaiktad naman ako ng makita ko 'yung dalawang babae kanina. dali-dali naman akong tumakbo palabas ng campus ng alam kong hahabulin nila ako.

ngayon lang nangyari ito sa akin bakit ko ba kasi ginawa 'yun? ikaw talaga self! "huwag kang tumakbo!" halata ang inis sa boses ng babaeng humahabol sa akin nagulat namang ako ng biglang may humila sa akin napahawak naman ako sa ulo ko dahil nauntog nanaman. "gaano ba katigas 'yang ulo mo?" mahahalata sa pamilyar na boses 'yung nasasaktan s'ya.

tumaas naman ang tingin ko, "Jeong? " patanong kong sagot nakabusangot ang mukha n'ya habang hawak ang dibdib. "shhhh.. " nagulat ako ng sinandal n'ya ako sa pader at nilapit ang mukha sa akin. "Wala dito." rinig kong sabi ng isa. "Give them privacy, pwede naman sa ibang lugar gawin 'yan dito pa talaga mapanakit." rinig ko pang sabi.

ng maramdaman ni jeong na wala na ang dalawang babae lumayo na s'ya sa akin. "sorry 'yun kasi ang ginagawa ng ibang koreans para makapagtago." sabi n'ya. "ok lang, dapat nilapat mo, choss." mahina kong sabi. "huh!?" tanong nito. "ah-eh sabi ko salamat, uwi na ako bye ingat." nakangiti kong sabi buti nalang 'di n'ya narinig.

pagkauwi ko sa bahay ay deretso ako sa kwarto ko. "oh, dumating na pala ang prinsesa galing sa school, 'di man lang nag bless." rinig kong sabi ni Mama. kaya lumabas ako ng kwarto at nagbless agad sa kaniya. "sorry ma akala ko nasa bakuran ka." palabas ko. nabigay lang ito ng mapang-asar na ngiti.

"Ma, ano ba? bakit ka ganiyan?" tanong ko. "magbihis kang pang alis." sabi nito. "Ma, bakit?" taka kong tanong. "pupunta tayo sa airport susunduin natin ang papa mo." napangiti naman ako at dali-daling nagpalit ng damit grabe miss ko na si papa, nasa Dubai kasi s'ya doon s'ya nag tatrabaho.

only child lang ako, and I'm 16 years old. malapit na ako mag 17 kaya bago bumalik si papa sa dubai nakapag celebrate na ako ng 17 birthday ko. nang matapos na ako. ay nag-abang na kami ng taxi.

"airport." sabi ni Mama, binuksan naman ni Mama ang frontseat. "doon ka na sa backseat Max, tabihan mo na 'yung lalaki doon." nagtaka naman ako at binuksan ang pinto ng taxi. at umupo nilingon ko naman kung sino ang katabi ko. 'gagu si crush.' pero 'di ako kinilig tulad ng dati. 'di kasi marunong mang crush back.

THAT KOREAN TRANSFEREE IS MY EX-BOYFRIEND | PJM. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon