CHAPTER 07:

9 2 0
                                    

MEJIA HERNANDEZ POV:

naghihintay ako ng sasakyan ko ngayon papuntang school dahil malalate na ako.

"Jia." tawag sa akin ni Gab nakasilip s'ya sa bintana ng kotse n'ya agad naman akong tumakabo papunta sa kaniya. "pasabay." sabi ko dito tumango naman s'ya at agad kong binuksan ang frontseat.

"Nasaan si Max?" tanong n'ya. "nauna na sabi ni tita, iniwan ba naman ako." sagot ko tumango naman s'ya at nagsimula nang mag maneho napuyat ako dahil tinapos ko pa ang Math Assignment namin. siguro ay hindi gumawa si Max kaya maaga s'yang pumasok.

nang makadating na kami sa school ay napaismid ako nung paglabas ko kasi may nakaabang na mga babae. mga may gusto kay Gab. "una na ako." paalam ko kay Gab tumango naman s'ya.

Sarap sakalin ng babaeng masama ang tingin sa akin akala mo naman maganda yakss. "dukitin ko 'yang mata mo." sabi ko sa babaeng Masama ang tingin sa akin. "bakit sino ka ba!?" tanong nito.

"Jia, 'wag mo nang labanan." awat ni Gab at lumapit sa akin. "Oh sige, basta pagsabihan mo 'yang may gusto sa'yo." inis kong sagot. at nauna nang maglakad.

habang papunta ako sa room ay nakasalubong ko si Luna, gagi kasi 'tong si Max hindi ako hinintay! dinaanan lang namin ni luna ang isa't-isa pumasok na pala s'ya.

"I meet a Guy kahapon ang gwapo n'ya i think i like him he looks like korean, i mean korean talaga s'ya hinatid n'ya rin ako sa house kagabi." rinig kong kwento ni Luna sino kaya ang pinaguusapan nila.

"talaga girl, i want to meet that guy." sagot ng kaibigan n'ya. mukha na akong nagiging chismosa ngayon kaya naglakad nalang ako papuntang room.

"Hi Jia good morning." bati sa akin ni Mark ng magkasalubong kami inirapan ko lang s'ya at naglakad na ulit.

LIJIA MAXINE HERNANDEZ POV:

halfday lang kami ngayon, dahil may laban ng basketball mamaya. natapos na ang klase kaya pupunta kaming caf para kumain. 'di ko akalain na magkaibigan na si Gab at Jeong dahil nausap daw sila kahapon. then boom besfriend na.

si Jia ang nag order ng Pagkain namin magkatabi si Jeong at gab magkatabi naman kami ni Jia. nung makarating na si Jia sa amin ay binahagi n'ya na ang pagkain.

"about doon sa ex-gf mo pre, nakita mo na ba s'ya?" tanong ni Gab kay Jeong so napagusapan din pala nila ang about doon? tumango si Jeong. "sino ba kasi ang ex-gf mo?" tanong ni Jia.

"fake kasi ang name n'yang ginagamit noon, basta eva nalang daw itawag ko sa kaniya." sagot ni Jeong. "may picture ka ba n'ya?" tanong ni Jia tumango si Jeong.

"actually marami pero isa lang ang ipapakita ko sa inyo." sagot ni Jeong kinabahan naman ako pero kung alam ni Jeong na ako ang ex n'ya bakit hindi n'ya ako deretsyahin? o 'di kaya may inaakala s'ya na ex n'ya?

"ang jeje naman n'yan? pero parang kilala ko." 'di ko namalayan na pinakita na pala ni Jeong ang picture. "pero cute." sabi naman ni Gab.

"patingin nga." sabat ko pinakita naman 'yun ni Jeong sa akin at halos lumuwa ang mata ko dahil ako talaga iyon. "she looks like Luna right?" tanong ni Jeong.

"agree para ngang si luna 'yan pero parang ikaw 'yan Max." sabi naman ni Jia. agad naman akong napalingon sakanya. "anong ako? hindi ahh." sabi ko agad.

"shaka pag nag pipicture ako hindi gan'yan, ano bang klaseng ngiti 'yan parang pinapalihi 'yung dimple ohh, basta hindi ako 'yan." ayaw ko talaga na malaman nila na ako 'yun ewan ko kung bakit basta ayaw ko. magkamukha talaga kami ni Luna noon pero ngayon hindi na mas gumanda ako, choss! pero totoo.

"dami mong sinabi, parang ikaw nga talaga 'yan Max." sabat pa ni Gab. napalingon ako kay Jeong na naguguluhan. "hindi nga ako 'yan ang gulo n'yo" sabi ko.

"Pero nakakahawig nga s'ya ni Luna. baka nga si Luna 'yan hindi si Max." pag sang-ayon ni Jia. "si luna lang ang makakasagot n'yan." sabi ni gab.

"hayaan n'yo ako na ang bahalang magtanong kay luna." nakangiting sabi ni Jeong. Kitang-kita sa mata n'ya ang saya. ewan ko ba kung bakit hindi ako umamin. ayaw ko talaga.

"paano kung s'ya nga magagalit ka ba sa kaniya?" tanong ko. "i dont know, pero magiging masaya ako kung s'ya nga iyon dahil nahanap ko na ang matagal ko nang hinahanap." sagot ni Jeong

"pre, i'm happy for you." sabi ni Gab at hinawakan ang balikat ni Jeong. alangan namang bawiin ko ang sinabi  ko na hindi ako iyon? mag mumukha lang akong tanga.

naiinis ako ngayon sa sarili ko dahil hindi ako umamin aiisshhhh! tumayo naman ako nagulat naman sila pati 'yung mga kumakain dito. "sorry." paumanhin ko.

"saan ka pupunta?" sabay na tanong ng tatlo. "may pupuntahan lang ako." sagot ko. "ok, basta kung matagal kang makakabalik deretso ka sa basketball court." tumango ako sa sinabi ni Gab tutal tapos na din naman akong kumain.

pumunta ako sa field ng school at umupo sa may upuan kahit mainit wala akong pakealam basta galit ako sa sarili ko ngayon.

Matamlay akong naglalakad papuntang Basketball court. "MAX!" napalingon ako ng marinig ko ang tawag ni Jia kumakaway s'ya agad naman akong tumakabo at umupo sa tabi n'ya.

"Mag usap tayo mamaya pag uwi." seryoso ang boses ni Jia. napanganga naman ako.

"tungkol saan?" tanong ko. "basta." sagot nito tumango naman ako at nilibot ang tingin.

"Nasaan si Jeong?" tanong ko kay jia dahil 'di ko nakita si Jeong. "kasama n'ya kanina si Gab. umuna akong pumunta dito para 'di maubusan ng upuan." sagot ni Jia. napatango ako dahil nasa unahan kami, gusto talaga n'yang kitang kita ang magaganap.

GABRIEL FUENTES POV:

"Wala si Mr. Santiago, May mahahanap ba kayong papalit sa kan'ya? kung wala'y 'di matutuloy ang laro." malungkot na sabi ng Coach namin. "Coach, may kilala po ako, tatawagin ko lang po s'ya." sagot ko agad tumango naman si coach at agad akong tumakbo papuntang library.

nakita ko si Jeong maglaro ng basketball nung P.E time nila magaling s'ya. agad ko namang nakita si Jeong sa library tsaka ko ito tinawag. sana pumayag s'ya.

THAT KOREAN TRANSFEREE IS MY EX-BOYFRIEND | PJM. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon