CHAPTER 09:

13 3 0
                                    

CHAPTER 09:

LUNA SEVESTRE POV:

"Talaga!? so may pagasa ka." sabi ni Hanah sa akin tumango tango ako. kwenento ko lamg naman ang napakinggan kong pinaguusapan ni Maxine at Mejia.

"What's your plan?" tanong naman ni Bea.

"sasarilihin ko muna basta i'll make sure na magagawa ko 'to ng maayos." sagot ko.

"sana nga." sangayon nila.

LIJIA MAXINE HERNANDEZ POV:.

nung nakauwi kami ng bahay ay wala sila mama at papa. umupo agad kami ni Jia sa sofa.

" malapit na pala birthday mo, Max." sabi ni jia sa akin.

"kaya nga noh?" natatawa kong sagot.

"s'ya nga pala, hindi ka ba talaga aamin kay Jeong!?" tanong nito at tumagilid para tingnan ako liningon ko naman s'ya.

"Wala pa sa isip ko 'yan ang nasaisip ko kasi ang magiging reaksyon nina mama." sagot ko napasinghap naman si jia, at umupo ng ayos binaling nito ang ulo sa akin. "Paano pag nagkunwari si Luna? hahayaan mo nalang ba siya?" tumayo ako.

" 'di ako papayag syempre, pero... bahala na si tadhana pero... 'di lang ako aasa kay tadhana dapat may gawin ako, ang gusto ko rin kasing mangyari si Jeong ang magsabi na gusto n'ya ako ayaw ko kasing mag first move." sagot ko at umupo ulit.

"Ok~ be flirty." nakangisi nitong sabi. "Pagselosin mo si Luna support kita." tumataas ang kilay ni Jia habang sinasabi n'ya ito. "Mali ka syempre dapat mahinhin tayo koreano 'yun ano nalang ang sasabihin n'ya? ang landi naman ni Maxine." sagot ko.

"Get his heart in a good way." saad nito. tinuro ko naman s'ya. "Tama." sagot ko.

"sana umayon ang tadhana sa amin, tatanggapin ko ang magiging resulta nito, kahit masaket." kunware malungkot ako.

"Hindi sila bagay ng hatdog na Lunang 'yun." sagot nito.

"malay mo sila, tapos ako pala ang kontrabida ng pag iibigan nila?" sabi ko, think ko lang.

"Ano ba 'yan baka si Luna!, basta kung sino ang piliin ni Jeong sa inyo 'yun ang panalo." sagot nito. tumango ako. "Kain na tayo, nasaan ba sila Tita!?" tanong nito.

"ba't mo sa akin itatanong hindi ko nga alam." sagot ko dito. "mag-saing ka nalang." saad ko pa at naglakad papuntang kwarto ko.

"Ayy wow ha." rinig kong turan ni Jia, 'di ko na s'ya pinansin at nahiga na ako sa kama ko. tumingin ako sa  water bottle na binigay ni Jeong sa akin nung nauuhaw ako napangiti ako. "hay nako buhay nga naman daming pakulo, kung alam ko lang na mamahalin ulit kita Jeong 'di na kita hiniwalayan." sabi ko sa hangin.

Mga konting oras ay dumating na sila Mama Galing sa Lola ko.

"Kayong dalawa, pwede ko ba kayong utusan kahit gabi na? may ipapabili lang ako sa inyong gamot ni Nanay at mga sangkap dito sa kusina nauubos na kasi." sabay naman kaming tumango ni Jia.

"ingat kayo." sabi ni papa. kumaway kami sa kaniya si mama kasi pagod kaya nagpapahinga sa kwarto.

nang makapunta na kami sa Grocery ay nag hanap na kami ng bibilhin

"magtiwalay muna tayo, mag kita nalang tayo sa cashier." sabi ko kay jia at hinati ang listahan tumango naman s'ya, at nag simula na kaming maghiwalay.

MEJIA HERNANDEZ POV:

Habang naghahanap ako ng Onion ng biglang may humawak ng kamay ko.

tiningnan ko ito at si Mark pala aishh ang bruhildo ng buhay ko,

nilayo ko naman ang kamay ko sa kaniya. "sinusundan mo ba ako!?" inis kong Library umiling naman si Mark

"May pinabili kasi si Mommy then nakita kita, 'wag ka nang maiinis sa akin, alam ko na tutulungan nalang kitang hanapin ang bibilhin mo para naman mawala 'yung inis mo sa akin ok? tumango ako. "Sige." deretso kong sagot kaya ngumiti ito.

habang nag hahanap kami ni Mark ay nag salita ito. "pwede ba tayong maging magkaibigan?" tanong nito.

"actually 'di ako kumakaibigan ng pangit." biro ko sa totoo lang ay gwapo naman itong si Mark. "Talaga? sa tingin mo pangit ako e ang gwapo ko kaya." mayabang na aniya nito natawa naman ako.

"wala naman akong sinabi na pangit ka kaya payag akong maging kaibigan ka." napangiti s'ya. dahil pumayag ka na mag kaibigan tayo ang sunod kong tanong ay kung pwede ka bang ligawan." napanganga ako sa tanong nito ang bilis n'ya naman.

"loko 'to 'wag ka ngang gan'yan." kunwari ay natatawa kong sagot.

"hindi ako nag loloko, gusto talaga kitang ligawan pag pumayag ka liligawan kita bukas please pumayag ka na, promise 'di ako nag bibiro gusto talaga kita."  naalinlangan naman ako sa sinabi nito eh galit nga ako sa kan'ya e tapos papayag akong manligaw s'ya sa akin.

tumingin ako sa kaniya na nag hihintay ng isasagot ko.

"baka masaktan ka lang kay—

" wala akong pake basta gusto ko ligawan ka pumayag ka na please." napasinghap ako.

"sige na nga." sagot ko. "ligaw lang muna ha 17 pa lang ako kaya wala pa ako sa legal age para masagot kita." tumango s'ya.

"i'll wait." sagot nito kaya napangiti ako first time ko lang 'to ackk.

nang matapos na naming hanapin ang mga pinabibili ni tita ay hinatid ako ni Mark sa cashier buti  nalang at naadoon na si Max.

LUNA SEVESTRE POV:

nasa restaurant ako, tinawagan ko si gab dahil alam ko na alam n'ya ang lahat balak ko s'yang tanungin tungkol sa ex ni Jeong para naman may patunay ako.

nang makarating na si Gab ay lumapit ito sa akin at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Deretsohin ko na agad. nakwento ba ni Jeong sa'yo 'yung about sa ex n'ya?" tanong ko.

"oo 'yun ba ang paguusapan natin?" i nod.

"Sabihin mo sa'kin ang nalalaman mo tungkol sa ex n'ya i want to confirm lang kasi may naging korean ex din ako." pag sisinungaling ko. ngumiti s'ya at kwenento sa akin lahat kaya napa ngiti ako.

~

"Ako talaga 'yung ex n'ya, bukas na bukas aamin ako sa kaniya." sabi ko kay Gab.

"mukhang matutuwa si Jeong pag nalaman n'ya 'yun." tumango ako sa sinabi sa akin ni Gab.

"sana nga." kunwari ay nag aalinlangan ako. "hindi 'yun magagalit sa'yo ang gusto n'ya lang kasi mahanap, makasama ka." sagot ni Gab napangiti ako "salamat sa pag checheer." nakangiti kong sagot.

THAT KOREAN TRANSFEREE IS MY EX-BOYFRIEND | PJM. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon