CHAPTER 05:

13 3 0
                                    

LIJIA MAXINE HERNANDEZ POV:

uwian na tulad ng napag usapan namin ni Jia na mamasyal kami ay gagawin na namin. pagkalabas namin ng gate ay nakita namin si Jeong na sumakay sa kotse. "yaman naman ng koreanong 'yun." sabi ni Jia. ehe~ "halos lahat naman ng nasa university ay mayaman. may kaya lang tayo." sagot ko. pati sila gab mayaman din.

"ano na tara sa park." sabi ni jia. "mall muna tayo bago park." sabi ko, tumango naman si Jia at naglakad na kami papuntang mall. nang makadating na kami ay pumasok kami agad. "wala bang pogi dito?" tanong ni jia. "ano ka ba? pumunta tayo dito para mamasyal hindi para maghanap ng pogi." sabi ko dito.

"tch. bili nalang tayo." sabi n'ya tumango naman ako at pumunta sa Food section. grabe ang mamahal naman.
"libre mo ako." nilingon ko si jia at kinuha ang hawak-hawak n'yang isang balot na Chocolate. "libre mo ako n'yan." nakangiti n'yang ani tiningnan ko naman 'yung presyo. Php 230.78 "t^ina mo ikaw nalang bumi n'yan." sabi ko at binalik sa kaniya 'yung isang balot na chocolate.

"wala kang kwentang pinsan." kunwaring umiiyak na sabi n'ya. "bakit? sinabi ko bang meron?" tanong ko at kinuha ulit 'yung chocolate. "libre na nga kita, kawawa ka naman." ani ko at naghanap ng bibilhin ko. niyugyug naman ako nito habang nag papasalamat. " 'wagka ngang malikot." sabi ko.

tumigil naman s'ya. "si luna." napatigil ako sa paghahanap ng marinig ko ang sinabi ni Jia at tiningnan 'yung tinitingnan n'ya si luna nga. "pake ko jan." sabi ko at nag hanap ulit ng pagkain.

marami kaming nabili na pag kain ni Jia. kaya sa park na ang punta namin. "ala sais na pala." sabi ni jia. habang nililibot ang tingin. may nakita naman akong batang umiiyak. "jia, kawawa 'yung bata." sabi ko habang kinukulbit si jia.

"lapitan natin." sabi ni jia. sumang-ayon naman ako sa kaniya at lumapit sa bata. "hello, baby boy bakit ka umiiyak?" malanding tanong ni Jia, mahina ko naman 'tong hinampas sa braso. landi. "i'm missing, you know my house?" tanong nung bata. "bhe, 'di ka nga namin kilala tapos itatanong mo sa amin bahay n'yo." sagot ni jia. " 'wagka ngang gan'yan sa bata." sabat ko.

"ahm, saan ba 'yung lugar?" tanong ko. "sabi po ni mommy, pag nawala ako sabihin ko po sa pulis, pulis po ba kayo?" tanong n'ya "oo, pulis kami gusto mo barilin kita." sabi ni Jia, sasabunutan ko na 'to. "hayaan mo na s'ya baliw lang 'to, by the way hindi kami pulis pero hahatid ka namin sa inyo." sagot ko. "talaga po?" tumango naman ako.

"pero bago 'yan, kain muna tayo ok?" mahinhing tanong ni jia tumango naman ang bata. habang kumakain kami ay nagsalita ako. "anong name mo?" tanong ko sa bata. "luhan po." sagot n'ya. ang gwapo ng batang 'to tapos ang puti. "may kuya ka ba?" tanong ni jia. tumango naman ang bata. natawa naman si Jia na parang kinikilig. know na this.

nakasakay na kaming tatlo sa taxi, ihahatid na namin 'tong si luhan sa kanila. mayaman 'tong bata dahil sa subdivision sila nakatira, ang subdivision na ang mansion lang nila ang nakatayo doon. "dito na po tayo." sabi ng taxi driver. binigay ko naman ang bayad sa kaniya. "kulang po ng 20 pesos." sabi ng driver.

"jia ikaw na mag dagdag, ubus na pera ko." bulong ko kay jia. "okeyy." sabi nito at kinuha na ang pera sa bag. bumaba na kami at pumunta sa may gate na malaki lumabas ang guard. "hi kuya guard." bati ni luhan. "Sir! naku kanina pa po kayo hinahanap ng mommy at kuya mo." sabi ng  guard at binuksan na ang gate.

"Ahm, ang mahalaga po ay nandito na ako, papasukin 'yo din po si Ate Max at Ate Jia." sabi ni luhan. tumango naman si kuya guard at pumasok na kami sa subdivision puro magagandang puno ang nadadaanan namin sa gilid tapos ang ganda ng tinatapakan namin para bang nasa isa kang palasyo.

"ang ganda naman dito, saan ba ang bahay n'yo dito?." tanong ko, "malapit na po ate Max." sagot ni luhan napalingon naman ako kay Jia na akala mo ngayon lang nakapunta sa ganitong lugar.

tumigil kami sa isang malaking bahay. "ang taray ahh mansyon na mansyon, pangarap ko 'to." sabi ni Jia habang nakanganga pa maganda nga ito, grabe sobrang laki. "Luhan!" napalingon kami sa mgandang babae na papalabas ng malaking pinto tumakbo ito kay luhan at agad na yinakap.

"sino sila?" tanong ng magandang babae, "pumasok po muna tayo sa loob." sabi ni luhan. "tara mga ate pasok tayo." sabi ni luhan.

"omeghed." kinikilig na sabi ni Jia at tinulak pa ako pucha 'to. pinaupo nila kami sa magandang sofa, na kulay puti, nilingon ko si jia na parang ulaga. kinulbit ko naman ito. "umayos ka nga para kang probinsyana." ani ko umayos naman s'ya. at pinaliwanag ni Luhan sa mommy n'ya 'yung nangyari.

"ang babait n'yo naman salamat sa inyo." sabi ng mommy ni luhan. "ayos lang po 'yun tita." sabi ni Jia. "you're welcome po." sagot ko naman.

"Kuya!" nagkatinginan naman kami ni Jia dahil si Jeong 'yung kuya ni luhan. nagyakap naman ang magkapatid pagkatapos non ay lumingon sa amin si jeong.  "Max?,Jia?" tanong ni Jeong "helloww." sagot ni Jia. "sila po ang naghatid sa akin dito, kilala n'yo po sila?" tanong ni luhan kay jeong.

"they are my classmate." sagot ni Jeong. "ohhh ahm kumain nalang muna tayo." sabi ni Mother in law de joke. "sige po, saan ba ang kusina?" grabe 'to si Jia walang hiya. "sumunod kayo samin." sagot ni tita, tita nalang tawag ko sa mother nila.

inihanda na nila ang pagkain pinahigitnaan ako ni Jeong at Jia. naka chopsticks sila, ako naman 'tong 'di ginagalaw ang pagkain. " 'di ka ba marunong gumamit ng chopsticks?" tanong ni jia tumango naman ako. "grabe ka disasais ka na." sagot n'ya nag bubulungan kami ngayon. "pake mo ba e, kutsara at tinidor gamit namin sa bahay." sagot ko.

"busog kaba?" tanong ni Jeong sa akin. " 'di s'ya marunong mag chopsticks." sabat ni jia. tumango naman si Jeong. "subuan kita gusto mo?" tanong ni Jeong siniko naman ako ni Jia gagi narinig ni t^nga. keneleg nemen eke. gagi joke lang.

"what happened?" tanong ni tita nakatingin sila sa amin ngayon. "mom, she needs spoon and fork." sagot ni Jeong. inutusan naman nila ang kanilang maid na kumuha ng kutsara at tinidor.

THAT KOREAN TRANSFEREE IS MY EX-BOYFRIEND | PJM. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon