CHAPTER 7: I MUST NOT

107 7 0
                                    

YOONGI POVS

Kanina ko pa nararamdaman ang pagbuntong hininga sa likod ko si Jimin. Sa palagay ko may problema sya. Hininto ko ang kabayo dahil nakarating na kami sa bahay panuluyan. Luma na ito at mukhang nakakatakot pero sanay na ako halos ganyan ang itsura ng mga lugar dito. Pumunta kami sa tagapamahala sa bahay panuluyan. Isang matandang babae ang nag-aasikaso. May suot syang salamin pangmata at nakayuko na nang bahagya ang kanyang likod.

"Isang kwarto lang po ba, Ginoo?"

Tanong sa akin nang isang matandang babae na taga bantay nang panuluyan. Sasagot pa sana si Jimin ngunit inunahan ko na sya. Ayaw ko na mag-isa sya sa kwarto dahil baka ikapahamak nya pa.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sama nang tingin sa akin ni Jimin. Tss! Kala mo naman may gagawin ako sa kanya.

"Bakit iisang kwarto lang!?"angal ni Jimin.

Sabi na nga ba aangal sya.

"Ayaw ko na mapahamak ka kaya isang kwarto lang. Mabuti na ito para makita kita."

Bigla sya napatahimik kaya napatingin ako sa kanya. Uh – ano ito? Bakit parang kumikinang ang mga mata nya? Ah – sandali ano itong lakas ng kabog? Ha? Ang puso ko? May puso ako?

"Maraming salamat talaga, Yoongi."

Waah! Sandali? Ba-bakit may namumuong luha sa mga mata nya? Oh? Iiyak ba sya?

"Sa-sandali wag ka umi –"

Bigla.. bigla nya ako niyakap? Ni-niyakap? Ako ng isang tao? Bakit parang ang init nang pagyakap nya?

"Salamat.." sambit ni Jimin sa akin.

Argh – ang boses nya ang tamis pakinggan.

"Ah.. uhm.. okay na.. layo ka na."

Hinawakan ko ang dalawa nyang balikat at inilayo sa akin.

"Hehe!"

Natatawa pa sya habang pinupunasan ang mga luha nya. Ano ba itong nararamdaman ko? Parang kakaiba.

"Pero naiinis pa ako sayo!"

Ack – nagbago ang emosyon ng mukha nya. Ngayon nakakatakot na. Bakit ganyan ba sila mga babae madali magpalit ng ugali. Haysst! Bahala nga sya.

"Matutulog ako sa sahig at ikaw na sa kama. Maliligo lang ako." Sabi ko nalang.

Hayy.. hindi ko sya maintindihan pero.. ano kaya itong nararamdaman ko?

Ilang minuto rin ako nagtagal sa paliguan. Hayy.. parang pamilyar sa akin ang naramdaman ko. Ano kaya ibig sabihin nun? Lumabas ako nang kwarto na nakapam-ibaba na suot lamang dahil naiwan ko na naman ang damit ko sa kama. Napansin ko agad si Jimin na nakayuko ang ulo. Hm?

‘Ano ba iniisip nito?’

"Jimin.."

Tawag ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at tapos –

"Masakit yun ahh!"

Ikaw ba naman sapakin. Kababaeng taong lakas manapak!

"Magsuot ka naman kasi nang damit!"

Inis nya sigaw sa akin.

"Hayy.. oo na."

Kinuha ko ang damit ko sa kama. Ngunit hindi ako mapalagay dahil nararamdaman ko may problema sya.

"Jimin?"

Nabigla ako sa tingin nya sa akin. Ang lungkot nang mga mata nya. Parang ramdam ko maluluha sya.

TWO WORLDS (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now