CHAPTER 4: STAY IN THE NIGHT WITH HIM

133 6 0
                                    

JIMIN POVS

Napunta kami sa isang cabin sa kakahuyan. Madilim ang loob nito halatang walang tao at mukhang wala na rin nakatira dahil sa mga alikabok sa mga gamit at mga sapot ng mga gagamba sa loob ng bahay.

"Nasaan tayo?" Talagang nagtanong pa ako noh?

"Nasa tagong lugar ko."

Tagong lugar? Eh kapag nga naligaw ako sa kagubatan na ito baka makita ko pa nga ito ehh.

"Kunin mo itong damit."

Inihagis nya sa akin ang isang maalikabok na damit.

"Magpalit ka sa banyo. Basang basa ka na."

Tinignan ko ang sarili ko at oo nga basang basa na ako. Pumunta ako sa banyo na sinasabi nya at nagpalit doon. Grabe naman ang nangyayari sa akin. Dati mag – isa lang ako sa bahay ngayon may kasama nang lalaking bampira. Haysst! Natapos ako magpalit at babalik na kung saan si Yoongi.

"Salamat sa – "

Napatakip mata ako agad nang makita ang katawan nyang walang pang itaas. Jusme! Dapat talaga di ako pumasok sa kwarto na ito agad!

"Oh, bakit ka nakatakip ng mga mata?"

"Ahh wa – wala. La-labas muna ako saglit."

Sabi ko nalang habang naglalakad palayo sa kanya na nakatakip pa rin ang mata.

"Tss! Naiilang ka ba sa katawan ko? Maganda naman ahh!"

Alam nyo masasapak ko talaga sya ulit dahil sa pagiging ganyan nya.

"Wala ako pakealam sa katawan mo!" Angal ko.

"Tss! Hindi ka nga makatingin ehh."

Nang-aasar pa talaga tono nya! Tinanggal ko ang pagtakip sa mata ko at tinignan sya. Jusme.. maganda nga katawan nya – no! No! No! Wag ka maaakit! Ilayo mo ang sarili mo, ang mata mo dyan!

"Sabi na nga ba.."

Pagkasalita nya bigla na sya nasa harap ko.

"Gusto mo ba?"

Ngumiti sya sa akin yung parang nakakaloko.

"A-ano?"

"Alam mo tayong dalawa lang dito at tapos.."

Lalo pa sya ngumiti na nakakaloko. Okay.. kailangan ko na umalis dito. Aatras na sana ako upang makalayo sa kanya ngunit hinawakan nya ang magkabila ko braso at tinama bigla sa pader ang likod ko.

"A- ano gagawin mo!?"

Naku naman!

"Sundan na natin ang halik ko sayo kanina."

Jusme pinaalala pa! Sinubukan ko itulak sya ngunit wala rin napala.

"Jusme naman! Tigilan mo na ito!"

Inis ko sigaw sa kanya.

"Tss! Kung yung halik ko nga nagustuhan mo paano pa kaya ang ganto –"

Nagulat ako nang bigla kami nasa kama na. Jusme! Nakapatong sya sa akin! Waah! Lumayo ka!

"Naku! Wag mo ako patayin!"

Sigaw ko sa kanya.

"Papatayin? Kakasabi ko lang sayo na hindi kita papatayin. Ahahha!"

Natawa pa ang loko. So di nya ako papatayin? Ano ginagawa nya – oh jusme! Wag naman yung naiisip ko.

TWO WORLDS (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now