CHAPTER 16: SYA NGA BA?

82 4 0
                                    

JIMIN POVS

Sya nga ba ang hinahanap ko? Sya ba ang lalaking magpapabalik sa akin sa mundo ko?

"Ako nga pala si Kapitan Jeon Jungkook.. ikaw..? Ano ang iyong pangalan?" pakilala nya sa akin samantala naman ako napapatulala sa naiisip ko.

"Ako si Jimin.." nagtataka pa rin ako sa kanya.

"Magandang pangalan.. kasing ganda mo, binibini."

AYYT.. NAHIHIYA TULOY AKO..

"JIMIN!"

Napatingin ako sa likod ko at nakita si Yoongi na namumula na ang mata. Napaatras ako nang kaonti sa gulat ko makita sya. Nag-iba ang anyo nya.. mahahaba na ang kuko nya at may pangil.

"Lumayo ka sa kanya Jimin!" sigaw nya sa akin subalit iba ang boses nya.

"Yo-Yoongi.. ka-kalma.." nagtataranta na ako sa kanya. Ngayon ko lang sya nakita na ganyan kagalit.

"Heneral.. kumalma ka.." kalma ni Jungkook sa kanya.

"Hindi ka ba nya sinaktan!?" Sabi sa akin ni Yoongi.

"Hi-hindi.." hayyst! Bakit ba ako nauutal!?

"Paano mo kami nahanap?" Sinamaan nya nang tingin si Jungkook.

"Dahil sa amoy mo.. nakakalimutan mo isa akong lobo." Sambit ni Jungkook sa kanya. So isa pala syang lobo?

"Tss! Ano.. papatayin mo ba ako..?" Inis sambit ni Yoongi.

"Syempre hindi.. subalit.. kailangan ko nang paliwanag bakit mo nilason ang hari."

Kinalma muna ni Yoongi ang sarili nya kaya nawala na ang pagiging anyong bampira nya.

"Hindi ako ang gumawa nun." Mahinahon na sagot nya.

"Sabi na nga ba.. alam ko na hindi mo magagawa yun." At bahagya napangisi si Jungkook sa kanya.

"Kung naniniwala ka pala sa akin.. bakit kanina gusto mo ako patayin!?" Taka nyang tanong.

"Isa lamang yun palabas. Paano ko mapapatay ang kaibigan ko..?"

Nag smirk si Yoongi sa nasabi ni Jungkook.

"May tiwala ako sayo.. kaibigan.." sambit ni Yoongi sa kanya.

"May tiwala rin ako sayo.. kaibigan."

Nagkamayan silang dalawa at nag bro pagkatapos.

"May kasama kang binibini..? Hindi sya katulad natin." Sabi ni Jungkook.

Ngayon silang dalawa na nakatingin sa akin.

"Dinala sya dito ni Taehyung. "

Napatingin si Jungkook kay Yoongi sa laking gulat nya.

"Si.. Taehyung..? Sya ang nagdala sayo dito? Bakit naman? Sa anong rason?" Takang tanong sa akin ni Jungkook.

"Hindi ko rin alam.." sagot ko sa kanya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nandito ako ehh.

"Kailangan nya mahanap ang lalaking magbabalik sa kanya sa mundo nya." Sagot na ni Yoongi para sa akin.

"Ahahahha! Sa mundo talaga natin.. hindi ba sya makakalabas sa lagusan natin?" Natatawang sagot ni Kapitan.

"Ginawa na namin iyon ngunit hindi sya nakapasok sa lagusan. Ibig sabihin nun may misyon sya rito. At ang misyon nya ang lalaking magbibigay sa kanya nang isang halik." Sagot ni Yoongi at tinignan pa ako.

"Halik..?" Halatang nagulat si Kapitan sa narinig nya.

"Oo..? Alam ko ang korni pero yun talaga sagot para makaalis ako rito." sagot ko sa kanya.

"Kung ganun.. makita mo sana ang lalaki para sa matamis mong halik."

Medyo kinilig ako sinabi nyang matamis na halik.

"Kamusta na nga pala si Hoseok?" iba na nang usapan ni Yoongi.

"Ang hari? Sa ngayon nagpapahinga sya. Hindi na sya makapagsalita pa dahil lumalala na ang lason sa katawan nya. Kailangan mo na makuha ang lunas, Yoongi." paliwanag ni Jungkook.

"Sa ngayon ginagawa pa ang lunas. Ang kailangan namin muna namin magtago para sa kaligtasan ni Jimin." sambit ni Yoongi.

"Kung ganun saan kayo tutungo ngayon?" tanong ni Jungkook.

"Kay Jin." maiksi nyang sagot.


PALASYO

AUTHOR POVS

"Kamusta na ang hari?" tanong ni Namjoon sa manggagamot.

"Kumakalat na ang lason sa katawan nya. Unti – unti na binabalot ang katawan nya nang itim na lason. Kailangan na agad mahanap ang lunas at ang gumawa sa hari nang bagay na ito." sagot nang manggagamot sa kanya.

"Ginagawa na namin ang paghanap sa lumason sa hari. Sa ngayon.. kasama ba nang hari ang kapatid nya?" takang tanong ni Namjoon.

"Opo! Nasa loob sya ngayon nang kwarto. Tumango-tango si Namjoon sang-ayon sa sinabi nang manggagamot." sagot sa kanya nang manggagamot.

Sa kabilang banda..

"Kapatid ko.. kamusta ang mahabang tulog mo."

Sambit ni Yeji ang kapatid ni Hoseok. Naglalakad sya papunta sa kapatid nya na natutulog sa kama nito.

"Bakit ayaw mo pa sumuko..?"

Tumayo sa harapan ni Hoseok si Yeji at pinagmamasdan nya ang mahimbing na tulog nang kapatid. Napangisi na lamang sya sa inis makita ang kapatid nya na natutulog.

"Napakahina mo talaga.. hindi ka karapat -dapat sa trono nang hari! Bakit kasi.. hindi ka nalang sumuko.. kapatid ko.."

Lumapit si Yeji sa tenga ni Hoseok.

"Kamusta.. ang lason sa katawan mo.. kapatid..?" at tumawa ito nang malakas.

TWO WORLDS (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now