CHAPTER 25: THE TRAITOR

82 6 0
                                    

JIN POVS

Hayyy.. bakit ko ba naisipan lumabas para lang kumuha nang halamang gamot!?

"Hayy.. ang katulad kong may magandang mukha hindi dapat naghahanap nang mga halamang gamot!"

May nakita akong mansanas sa paligid kaya kinuha ko ito. Sa palagay ko nahulog ito.

"Mukhang masarap ang bunga nito ahh –"

Napatingin ako sa paligid ko nang may marinig akong yapak.

"Ginoong Jin?"

Sa gulat ko inihagis ko ang maliit kong kutsilyo mula sa likod ko. Nanlaki ang mata ko nang muntikan na matamaan si Namjoon nang kutsilyo.

"Hm.. magaling ka umasinta." papuri nya sa akin habang nakatingin sya sa kutsilyo.

"Ipagpaumanhin mo, Pinunong tagapamahala ang ginawa ko."

Napayuko ako sa kanya

"Ahh Ginoo wag ka mag alala ayos lamang ako. Hindi mo kailangan yumuko sa akin." Napangiti nalang sya sa akin.

"Patawad po talaga.." sambit ko muli.

"Ayos lamang.. nga pala.. ano ang ginagawa mo rito sa kagubatan?"tanong nya sa akin.

"Ahh ako ay nangunguha nang mga halamang gamot." Sagot ko sa kanya.

"Halamang gamot? Hindi ko naisip na mahilig ka sa mga gamot." Napakunot ko ata ang noo nya.

"Ahh ahaha! Hilig ko talaga ang mga halaman.. ikaw po? Bakit nasa kagubatan ka?" Ako naman nagtanong.

"Ahh para sana ay magpahangin.. dahil.. hindi ako mapakali nitong araw." Sagot nya agad.

Hayy.. hindi ako mapakali rin dahil kausap ko sya.

"Hm.. maaring may bumabagabag sayo?" Sabi ko.

"Hmp! Marahil nga.. hm.. kailangan ko na magpaalam.. Ginoong tagapamahala nang lagusan." Sabi nya at ngumiti sa akin.

"Mag-iingat ka po, Ginoo." Sabi ko.

Sumakay sya sa kabayo nya atsaka umalis. Woooh! Grabe kabog nang puso ko nun ahh! Aish! Ganto ba talaga nararamdaman kapag may gusto ka!?

Dahil nagising ang diwa ko nang makita at makausap si Namjoon umuwi na ako sa bahay ko. Gumawa ako nang pinto papasok sa bahay ko. Ngunit.. pagpasok ko nang bahay bumungad sa akin ang mga gamit ko na wasak na at si Yoongi na sugatan.

PALASYO

AUTHOR POVS

"Kamusta ang kapatid ko?"

Tanong nya ni Yeji sa manggagamot.

"Gising po sya ngayon at nakakapagsalita ngunit hindi pa po maayos. Nauubusan na sya nang hininga, Prinsesa.. kailangan na nang lunas." Sagot ng manggagamot.

"Ganoon ba.. wag ka mag-alala makakahanap rin tayo nang lunas."

Nag bow sa kanya ang manggagamot bago umalis si Yeji.

Meanwhile..

"I-I – ikaw.."

Tinuro ni Hoseok ang nakita nyang nagtatago sa dilim.

"Hm.. mahal na hari.." sabi ng nagtatago sa dilim

"I-ikaw.. t-tinu-tinuring kitang kapatid!" Sigaw ni Hoseok sa kanya.

Lumabas sa dilim ang lalaking nagtatago. Ngumiti ito nang nakakaloko.

"Bakit hindi ka pa mamatay kaibigan.." sabi sa kanya ng lalaki.

"Hi-hindi.. a-ako ma-ma-tay..!" Kahit nahihirapan na si Hoseok magsalita

"Kaibigan.. kailangan mo na mawala sa mundong ito.. upang ako na pumalit sa trono mo." Sambit ng lalaki.

"Ba-bakit.. mo ito.. ginagawa sa akin!?" Sabi ni Hoseok.

"Ahahahha! Tama na ang pagiging mabuti mo.. lahat nang bagay kinuha mo na sa akin.. ang trono.. ang atensyon nang amang hari.. ganun rin ang.. mga kayamanan na nararapat sa akin!" Inis na sabi ng lalaki.

"Nawawala.. ka na sa iyong sarili!" Sigaw ni Hoseok.

"Ahahhaha! Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo.. mamatay ka.. at lahat aayon sa plano ko." May galit na sambit ng lalaki.

"Hindi ka magtatagumpay!" Inis na sigaw ni Hoseok.

"Nagkakamali ka.. kaibigan.. lahat umaayon na sa plano ko." At ngumiti ito ng nakakaloko.

Iniayos nya ang singsing na ahas sa kanyang daliri at ngumiting tagumpay.

"Ang heneral.. naparatang bilang taksil sa bansa.. pinahatulan ko sya nang kamatayan ngunit.. hindi sumang ayon sa akin ang kapatid mo dahil.. may pagtingin sya sa heneral.. ahaha! Katulad mo sya.. mahinang nilalang.. nakuha ko na rin mga ginto na nararapat naman talaga para sa akin, at.. ang malason ka gamit ang itim na mahika ahahha! Magandang plano diba!? Ahahah! Hindi mo inaasahan na ako ang naglagay nang lason sa baso na iyong ininom! Ahahah! Lahat.. umaayon sa aking plano." Paliwang ng lalaki sa kanyang mga plano.

"Ju-jungkook!" Nahihirapan na makahinga si Hoseok ngunit kailangan nya ng sagot kung bakit ito ginagawa ng kaibigan nya.

"Tsk! Tsk! Tsk! Ang pamangkin ko.. mahina sya.. naging malapit sya sa akin lalo na sa heneral! Ahahhaha! Nagsinungaling sya sa akin! Hindi nya sinabi sa akin ang totoo na nakita na nya ang heneral kasama ang taong kasama nya! Kung hindi ko pa sya susundan hindi ko malalaman na isa rin syang taksil!" Sambit ni Namjoon. Sya ang lahat ng nagplano upang maalis sa trono si Hoseok.

"Kung kaya't ipapapatay mo ang sarili mong pamangkin!?" May galit na sabi ni Hoseok.

"Ahahahha! Kung kinakailangan! Ngunit.. hindi ako ang papatay sa kanya.. kundi ang tinuturing nyang kaibigan na si Yoongi.. iisipin ni Yoongi na traydor ang kaibigan nya kaya nya papatayin si Jungkook.. ahahah!" At tumawa ng  malakas si Namjoon.

"Nahihibang ka na!" Sigaw muli ni Hoseok.

"Nahihibang na kung nahihibang! Mamatay ka at ako ang papalit sa trono mo!" Sigaw ni Namjoon.

Biglang may nahulog na bagay mula sa labas nang pinto. Madali na tinignan ni Namjoon ang labas nang pinto at nakita nya ang mabilis na pagtakbo ni Jungkook.

"HULIHIN NYO ANG KAPITAN!"

Sigaw ni Namjoon sa mga kawal.

TWO WORLDS (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now