CHAPTER 26: KISS

93 6 0
                                    

JUNGKOOK POVS

Matapos ko marinig ang usapan ni Tiyo at nang hari aksidente ko nahulog ang babasagin na paso nang hari kaya't natunton ako ni Tiyo na nakikinig sa kanila. Hindi ko akalain na sya ay magiging traydor! Sabi ko na nga ba.. nang makita ko si Jimin nung gabi nun may pamilyar na amoy ako naamoy sa paligid nang kagubatan. Naisip ko na amoy iyon ni Tiyo ngunit bakit sya nagtatago.. tama ang hinala ko sa kanya may tinatago sya sa akin! Nang puntahan ko ang prinsesa sa trono nakita ko sya lumabas doon. Alam ko na may kakaibang nangyayari. Aish! Bakit nya ginagawa ito!? Nang ibigay ko ang impormasyon sa prinsesa na hindi ko nakita ang heneral nag iba ang ekspresyon nang mukha nya. Doon ko napagtanto may tinatago sila ni Tiyo.Mabilis ko pinatakbo ang kabayo papunta sa lagusan ni Jin. Kailangan ko balaan si Yoongi!

"YOONGI!"

Napahinto ang kabayo nang marinig ang pagsigaw ni Jimin.

"YOONGI! TULOOONG!"

Sa lakas nang sigaw nya nalaman ko agad kung saan nanggagaling ang boses. Nagmadali akong hanapin sya. Nang makita ko sya may anim na kawal ang pilit na hinahatak sya. Bumaba ako nang kabayo at inilabas ang aking espada.

"Ano ang ginagawa nyo sa kanya!?"

Nang makita ako nang mga kawal sumaludo sila sa akin. Hindi pa nila alam ang utos ni tiyo sa kanila.

"Pinahuhuli nang prinsesa ang tao, Kapitan!" sabi sa akin ng kawal ko.

"Ako na bahala sa kanya.. umalis na kayo." utos ko sa kanya at ibinigay nya sa akin si Jimin.

"Ngunit –"

Hindi na natuloy ang pag-angal nya.

"Alis!" utos ko sa kanila.

Nagsitinginan pa sila sa isa't isa bago sinunod ang utos ko. Iniwan nila si Jimin sa akin atsaka sila umalis. May sugat sa braso si Jimin kaya madali ko tinakpan nang tela ito.

" Ano pa masakit sayo? Si Yoongi nasaan!? Ano nangyari!?"

Nag-aalala kong tanong ngunit umiiyak pa rin sya kaya hindi sya makasagot agad sa akin.

"Bi-bigla sila pumasok sa mundo nang lagusan.. at inatake kami. Nakipaglaban si Yoongi ngunit ang isa sa mga kawal nakuha ako. Jungkook.. kailangan natin matulungan si Yoongi.." nauutal sya at nag-aalala.

"Wag ka mag – alala tutulungan natin sya."

Hinawakan ko ang dalawa nyang pisngi at pinunasan ang luha nya. May kakaiba akong nararamdaman.. sa kanya..

YOONGI POVS

"Yoongi! Ano nangyari sayo!?" rinig ko ang boses ni Jin.

"Dumating dito ang mga kawal at sinugod kami! Nakuha nila si Jimin sa akin! Inutos ni Jungkook na kunin si Jimin at patayin ako! ISA SYANG TRAYDOR! HINDI KO INAKALA NA SYA ANG MAGTA-TRAYDOR SA AKIN!"

PAPATAYIN KITA JUNGKOOK KAPAG SINAKTAN MO SI JIMIN!

" Yoongi!" sambit ni Jin.

"Kailangan natin maligtas si Jimin!"

Nauna na ako umalis at hinanap si Jimin sa kagubatan.

"Jimin!" pareho namin sigaw ni Jin.

Ngunit wala ako naririnig na boses nya.

"Maghiwalay tayo.."

Tumango ako sang ayon kay Jin. Sa kaliwa sya at ako sa kanan. Sinigaw ko ulit ang pangalan ni Jimin ngunit ang ingay lamang nang mga ibon na nagliliparan ang nakakuha nang atensyon ko. Nag – aalala na ako kay Jimin baka wala na sya sa kagubatan.

TWO WORLDS (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now